05

475 22 5
                                    

05 : Javi

"Ma'am! Tuloy po ba yung beach trip?" tanong ng isa kong kaklase habang nagle-lecture kami.

"Pinag-uusapan pa," sagot ni ma'am.

"Pupunta ka?" tanong ko kay Trixia habang abala siya sa pagsusulat.

Nakakatamad magsulat kaya kukulitin ko muna si Trixia.

"Oo, para makapag-relax naman ako," saad ni Trixia bago nagkibit balikat.

"Weh?" tinanguan lang ako ni Trixia kaya napanguso ako.

"Talk to me," saad ko bago sumandal kay Trixia.

"Gaga, parang may napapansin ako sayo ah," pinandilatan ako ni Trixia kaya nakangisi ako ng nakakaloko.

"Ano?"

"You're laziness is kicking in again,"

"Exactly!" napapitik ako kaya napalingon sa amin si ma'am.

"What is it Zaniella?" pinandilatan ako ni ma'am kaya umupo ako ng maayos bago siya nginitian.

"Masakit yung tiyan ko ma'am," ngumuso ako at nagkunwaring natatae.

"Ma'am! Nangangamoy na dito kaya palabasin niyo na po yan!" saad ni Shiela na nakapwesto sa may likuran ko.

"Okay fine," patago akong ngumiti bago dire-diretsong naglakad palabas ng room.

"Ay putang-!" napatigil ako sa paglalakad nung biglang magtama ang mga mata namin ni Javi, nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa niya habang naglalakad sa walang taong hallway.

"Hi," kumindat si Javi sa akin nung tumigil siya sa paglalakad. Napangiwi ako bago pinagkrus ang braso ko.

"Wag mo kong kindatan kung ayaw mong mawalan ng isang mata," seryosong sabi ko sa kanya dahilan para matawa siya.

"Ikaw lang yung babaeng hindi tinatablan sa kindat ko," I frown when I saw some amusement in his eyes.

Ang una ko talagang napansin kay Javi ay iyong buhok niya, he has this slanted sweep hairstyle making him look more attractive. Kung kalbo ang lalaking ito, gwapo pa din eh.

Kaya kahit punong-puno ng kalandian ang lalaking ito, eh gusto pa din siya ni Deah. Speaking of Deah... hindi ko pa pala siya nasasabihan ng kailangan niyang gawin para mapansin siya ng lalaking nasa harapan ko na ngayon.

"Natulala ka na yata, ano yun? Late ang apekto ng kindat ko?" nanlaki ang mata ko nung mapansin na malapit na pala ang mukha ni Javi sa akin kaya agad ko siyang tinulak at sinamaan ng tingin. Natatawa naman siyang nagsuklay ng buhok niya gamit ang kamay niya.

"May sasabihin pala ako sayo," saad ko bago ko siya sinenyasan na sundan ako, hindi ko naman akalain na susunod talaga siya.

Napansin ko din yung mga tingin ng mga estudyante sa loob ng room nila na napunta sa amin dahil siguro kasama ko si Javi.

"Saan mo ko dadalhin?" rinig kong tanong niya habang palabas kami ng building ng second years.

"Sa impyerno," walang kwentang sagot ko.

"Bat di nalang sa langit?" nanunuya niyang tanong kaya nilingon ko siya at binigyan siya ng isang tumataginting na middle finger.

Tumaas ang kilay niya bago umiiling-iling na lumapit habang nakangiti ng nakakaloko sa akin. Napahinto naman ako sa paglalakad.

"Girls shouldn't do that," saad niya kaya ako naman ang nagtaas ng kilay.

"Bakit? Ang ideal type mo ba ay hindi namamakyu?" nakataas ang gilid ng labi ko habang nakatingin sa kanya. Tumaas din ang gilid ng labi niya bago pinitik ang noo ko.

"Aray! Gusto mo putulin ko yang daliri mo?!" pasinghal kong tanong sa kanya habang hinihimas ang noo ko.

"Paano mo mapuputol?" panunuya niya bago ako nilagpasan at dumiretso sa school garden. Sinundan ko naman siya.

"Go, sabihin mo na gusto mo sabihin," saad niya bago tumingin sa relo niya.

"Pakyu,"

"Ano yun?" napatingin siya sa akin bago binasa ang labi niya. Napalunok naman ako bago siya tiningnan ng masama.

"Diba kilala mo na si Deah?" tanong ko habang pinapalibot ang tingin sa kabuuan ng garden. Puro mga white tulips ang tanim kaya maganda sa mata ang malinis na kulay nito.

Nilingon ko siya nung hindi siya nagsalita, nakita ko lang siyang nakatingin sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Like they said, I'm the famous matchmaker here in Roundell. And I would say that Deah is the perfect one for you," saad ko habang nakalagay sa likod ko ang dalawa kong kamay.

"Di mo sure," panira ni Javi kaya tiningnan ko siya ng masama bago pinagpatuloy ang gusto kong sabihin sa kanya.

"Wala akong pake kung hindi mo type si Deah kase darating sa punto na kapag nagustuhan mo na siya hindi mo na maiisip ang mga hinahanap mo sa isang babae," seryosong sabi ko sa kanya.

Hindi lang para kay Deah ang ginagawa ko, para din ito kay Javi. Kase kung maging sila hindi na lalandi kahit kanino si Javi dahil mahal niya na si Deah at si Deah naman ay masaya na dahil nakuha niya ang isa sa pinakagwapong lalaki sa Roundell na mahal niya. At ako naman ay forever single. Yehey!

Ang unfair naman, kung maging mag-jowa etong si Deah at Javi edi ako nalang ang walang jowa. Taeng life toh.

"Tama ka, but are you sure I'll fall for that girl?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya bago tumango.

I'm sure.

"Paano kung hindi ako mahulog sa babaeng yun?"

"May pangalan yung babaeng yun," singhal ko sa kanya kaya tinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko sa pulis.

"Ano?" sinamaan ko siya ng tingin kaya mas inayos niya ang pagkakataas ng kamay niya.

"Ganito noh, first step dapat yayain mo si Deah na mag-lunch," saad ko bago siya tiningnan.

"Narinig mo ba ang sinabi ko?" tumango lang siya kaya napangiti ako ng bahagya.

"Alam mo na gagawin mo?" ngumuso lang siya sa akin.

"Paano kung ayaw kong gawin?" pinandilatan ko siya ng mata kaya natutop niya ang bibig niya. Napailing nalang ako.

"Let's go Javi, and make sure to do what I just said awhile ago," saad ko sa kanya bago nagsimulang maglakad pabalik ng building namin.

"Wait! What did you just called me?" napahinto ako sa paglalakad bago siya nilingon.

"Javi? Bakit? You have problem with that! Hm?" mataray kong tanong sa kanya. Nakangiti naman siyang umiling bago pumunta malapit sa akin.

"No, there's no problem, I actually find it cute," saad niya bago ngumiti ng maluwang.

Napatitig naman ako sa kanya bago nag-iwas ng tingin nung mapagtanto kong nakatitig ako sa kanya.

"Javi..." saad niya bago ngumiti.

Make You Mine (CRS #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon