10

439 22 7
                                    

10 : Basketball team

"Ano guys? Pagtulungan na ba natin?" tanong ni Trixia habang naglalakad kami papunta sa room namin, kagagaling lang namin sa canteen at nung pabalik na kami nakita namin si Deah na papasok sa room.

"Gaga, maawa ka, kawawa naman," pabiro kong sabi.

Parang nung isang araw lang kaibigan pa namin siya tapos ngayon...

"Bakit siya? Naawa ba siya sa dalawang taong pagkakaibigan natin?" madramang tanong ni Shiela kaya natawa kaming tatlo nila Mariel sa kanya.

"Langya ka," saad ni Mariel.

"Kapag papasok na tayo sa room, tawa tayo ng malakas," saad ko sa kanila kaya malademonyo silang napangisi bago tumango.

"Kunwari happy," saad ni Trixia bago ngumiti ng nakakaloko.

"Game, game!" saad ni Mariel.

"Kaw magbukas ng pinto, Shiela," tumango naman si Shiela bago binuksan ang pinto kasabay nun ang malakas na tawa ni Trixia.

"Langya ka! Ang panget ng tawa mo," saad ni Shiela bago tumawa.

"Tumatawa kayo?" tanong ni Mariel kaya natawa ako. Nung nakaupo na kami sa mga pwesto namin, si Deah ay nasa may harapan na nakaupo kaya wala ng katabi si Shiela sa may bandang kanan.

Nung break na, nilapitan ako nila Cadmus sa canteen habang kumakain ako. Hinahanap daw ako ng coach namin.

"Nagpapakasarap ka nalang sa buhay noh? Imbes na maging manager namin," saad ni Andrei na kasama din sa basketball team.

"Ang daya mo," saad naman ni Luis.

"Palitan na ba natin?" seryosong tanong ni Elion habang nakatingin sa phone niya.

"Gago," singhal ko kay Elion na hindi man lang nag-angat ng tingin sa akin.

"Manager! Sasama ka ba sa trip?" tanong ni Dylan.

"Hindi," saad ko.

"Kung ganun panoorin mo yung mga gameplay nung ibang school na pwede naming makalaban sa tournament-"

"May gagawin ako! Okay? Aalagaan ko yung mga babies ko!" napasinghap silang lahat maliban kay Elion.

"M-May anak ka na manager?! Dapat sinabi mo na sa amin nung una palang! Para maintindihan ka namin!" saad ni Cadmus.

"Ilan sila?"

"Tatlo," sagot ko bago sila iniwan sa kinatatayuan nila at pumunta kay coach.

"Coach, may anak na daw ako,"

"Okay," sagot ni coach.

"Ay wow, coach. Gandang reaction, akala ko mapapasinghap ka din kagaya nung mga tukmol dun," tiningnan lang ako ni coach bago umiiling-iling na para bang sanay na siya sa mga pinaggagagawa ko.

"Manager, hatid ka na namin," saad ni Luis kasama si Andrei at John na isa din sa mga player ng team.

"Utot niyo, alam ko style niyo," agad kong iniwan ang tatlo at lumabas na ng court. Nung dati kasing hinatid nila ako, kung ano-ano ang ipinabili nila. Babayaran daw nila kinabukasan pero ang tagal na nun at hindi pa din nila binayaran ni piso man.

Langyang mga kumag na iyon. Tsk!

Uwian na din at alam naman ng mga teacher kung nasaan ako kapag wala ako sa mga klase nila. Dumaan muna ako sa room namin para kunin ang bag ko. Wala ng mga tao dun nung dumating ako.

"Ano ba yan, puro kalat!" napangiwi ako habang tinitingnan ang mga nagkalat na mga papel sa may kabilang dulo ng room.

"Didn't expect that you're still here,"

"Ay! Poging ina!" napatalon ako sa gulat nung makita ko si Javi na pinapalibot ang kanyang tingin sa loob ng room namin.

"Taas ng talon mo ah," panunuya niya.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Wala lang," sagot niya bago tuluyang pumasok sa loob ng room namin.

"Hoy! Tresspass," saad ko, nagkibit balikat lang siya bago umupo sa isang upuan malapit sa kung saan ako nakatayo.

"May nangyaring giyera ba dito?" tanong ko habang nakatingin sa mga kalat.

"Malamang tumakas na naman yung mga cleaners ngayon," saad ko bago hinilot ang sintido ko. Ay, ako pala yung leader ng mga cleaners ngayong araw.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"May papagawa ka sakin?" hindi ko na lang sinagot ang tanong niya.

"Wala muna sa ngayon, kaya umalis ka na," pagtataboy ko sa kanya.

"Tulungan kita maglinis!"

"Kelan pa naglinis ang isang Javier Guriego?"

"Ngayon lang," saad niya bago kinuha ang walis tingting sa isang kabinet sa room namin bago nagwalis.

"Bobo, panglabas yan hindi panloob," agad niyang binitawan ang walis tingting bago ulit tiningnan ang loob ng kabinet.

"Asan yung walis pangloob?"

"Nandyan," saad ko bago pinagkrus ang braso ko.

"Wala man eh, dustpan lang nandito,"

"Ay weh? Langyang life to, parang buhay," saad ko bago tumayo at pumunta sa tabi niya.

"Buhay naman talaga ang life," pambabara ni Javi kaya hindi ko na siya pinansin.

"Ewan ko sayo,"

"May sasabihin ako,"

"Ano?"

"Tawagin kitang Zani noh?" nilingon ko lang si Javi na nakangiti ng nakakaloko kaya napabuntong hininga na lang ako. Pagkatapos naman ng isang buwan, hindi ko na siya papansinin maging siya rin ay hindi niya na nun ako papansinin dahil tapos na ang isang buwan na deal namin. Kaya ano pang silbi nun?

Nung matapos na naming malinis yung room, hindi ko alam bakit nakasunod pa din sa akin etong si Javi.

"Siguraduhin mong hindi tayo makikita ni Deah, nakita mo naman kung paano siya umasta nun," saad ko bago nagsimulang maglakad palabas ng gate ng Roundell.

"Pake ko sa babaeng yun, hindi ko nga sinipot sa canteen eh," sagot ni Javi bago tinanguan ang guard ng Roundell.

"Nasaan ka pala?"

"Sa court,"

"Huh?!" napalingon ako sa kanya, ngumiti siya ng nakakaloko bago pinitik ang noo ko.

"Hindi mo ko napansin?" umiling ako habang hinihimas ang noo kong pinitik niya. Langyang lalaki to.

"May anak ka pala na tatlo," saad niya.

"Pati ba naman ikaw naniwala?"

"Well, kung kaya mo yung tatlo. Gusto mo gawa tayo ng basketball team tas ikaw manager ako, ako yung coach?" nandidiri akong tumingin kay Javi na tumawa pagkatapos niyang sabihin ang napakapangit na salita na iyon.

"Bat ako pa? Di nalang si Deah," agad na nawala ang tawa niya kaya nag-peace sign ako sa kanya.

Make You Mine (CRS #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon