29

418 22 10
                                    

29 : Mine

"Binili mo ba ang mga paninda ni kuya?" tanong ko kay Javi habang kumakain kami sa fishball-an.

"Parang ganun na nga," sagot ni Javi habang hinihipan ang mainit pang kwek-kwek. Inirapan ko siya bago uminom ng palamig.

"Zani," napalingon ako kay Javi.

"Oh?"

"Mahal kita," muntik ko na mabuga ang iniinom kong palamig. Natawa naman si Javi habang si kuyang tindero naman ay nakatingin sa amin habang nakangiti.

"Namimiss ko na tuloy ang asawa ko," saad ni kuyang tindero. Tiningnan ko ng masama si Javi. Bakit ba kase nanggugulat siya?

"Hoy! Alam mo bang hindi basta-bastang sinasabi ang 'Mahal kita' kahit kanino?" tanong ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin na parang bata.

"Exactly,"

"Ha?"

"Importante ka sa akin, di ba obvious?" he snorted loudly before eating the kwek-kwek.

"Putang-"

"Iha, wag mo pakawalan yan. Minsan lang ako makakita ng ganyang lalaki," saad ni kuyang tindero.

"Hindi po yan lalaki, bakla po yan-"

"What did you just said? Bakla ako? Patunayan ko pa sayo na lalaki ako eh," saad ni Javi bago kinausap si kuyang tindero.

"Kuya, tingnan mo siya. Halata namang gusto niya ako pero ayaw niya lang aminin,"

"Anong sabi mo?!"

"Kalma lang kayo, kumain nalang kayo ng mga tinda ko," pag-aawat sa amin ni kuyang tindero.

"Kuya, alis na po kami, salamat po," kumaway-kaway pa kami ni Javi kay kuyang tindero pagkatapos namin kumain sa fishball-an niya.

"Tara! Ipakita ko sayo kung ano ako dati nung di pa kita kilala," saad niya kaya sinundan ko siya kung saan man siya pupunta.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko kay Javi habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep.

"Sa sakayan ng jeep-" agad ko siyang hinampas dahil sa walang kwentang sagot niya. Napabusangot naman siya.

"Bat ba kase nabutas yung gulong," rinig kong bulong ni Javi sa sarili niya at parang naiinis pa.

"Ano?"

"Wala wala," saad niya.

"Tara sakay na tayo," hinayaan ko na lang na hawakan ni Javi ang kamay ko habang pasakay kami ng jeep. Saan ba kase kami pupunta netong kumag na toh?

Lihim akong napangiti nung nakatingin ako kay Javi. All my life, this is the first time someone asked me to go out. Diko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig kay Javi kaya nung napansin niya ang titig ko at tumingin sa akin, agad akong nag-iwas ng tingin.

If a guy likes you, he'll look at you. And if a girl likes you, she'll look away.

Baka napansin niya na, na gusto ko siya.

Napasapo ako sa dibdib ko nung mabilis na namang tumibok ang puso ko. Akala ko nga makakawala na siya sa ribcage ko, langya.

"Ayos ka lang?" napabalikawas ako nung tanungin ako ni Javi.

"Gusto mo hawakan ko buhok mo para di ka mahirapan?" hindi pa ako nakakasagot sa tanong niya agad niya ng hinawakan ang buhok ko gamit ang malaki niyang kamay bago ako nginitian.

Putangina.

Eto na ba yung sinasabi ni mama na masarap sa pakiramdam? Eto ba yung nararamdaman ni mama kapag kasama niya si papa?

Make You Mine (CRS #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon