30 : Graduation
"Ano? Nakahanda na ba ang mga iluluto?" rinig kong tanong ni mama na kasalukuyang nasa kusina habang nandito naman ako sa sala kasama ang mga kapatid ko na naglalaro ng legos.
May natapakan pa nga akong isang Lego eh, ang sakit powta.
"Kayo diyan? Ayos lang kayo? Di ba kayo gutom?" napatingin ako kay mama bago tumango.
"Ayos lang kami, ma," tumango si mama bago ngumiti at bumalik sa kusina.
Dalawang taon na ang nakakaraan simula nung maging kami ni Javi. Masaya kami, kahit minsan ay hindi halatang mag-jowa kami kasi laging nagbibiruan.
"Zani girl! Oh, hi tita!" napalingon ako sa direksyon kung saan ang front door namin. Doon ko nakita sila Mariel na kasalukuyang kinakausap si mama.
Today is our graduation day, sa wakas at makakapagtapos na din kami ng pag-aaral. Kumaway ako sa kanila nung papunta na sila sa direksyon ko.
"Hey," saad ni Trixia bago nilapitan sila Zayden.
"Aray!"
"Oh yan gaga, kamalasan mo," saad ni Shiela matapos makatapak ni Trixia ng Lego na nilalaro nila Zion. Tinawanan naman nila Zion si Trixia. Mga demonyo eh, tinawanan din ako nung nakatapak ako ng Lego.
"Tara dun nalang sa kwarto ko tumambay, baka makawawa mga paa natin," yaya ko sa kanila bago tumayo para pumunta sa kwarto ko.
"Baka di pa tayo makasuot ng heels mamaya," saad ni Mariel.
"Paano niyan girls, maghihiwa-hiwalay na tayo," saad ni Trixia bago bumusangot. Nakahiga si Trixia at Mariel sa kama ko habang nakaupo ako sa study table at si Shiela naman ay tinitingnan ang mga collection ko ng libro.
"Duh, di tayo maghihiwa-hiwalay. Aalis lang tayo ng school," saad ni Shiela.
"Mamimiss ko din etong pambabara ni Shiela," saad ni Mariel.
"Mamimiss ko yung kapag kakain na tayo sa canteen," saad ko naman.
"Mamimiss ko kaingayan ng mga kaklase natin," saad naman ni Trixia.
"Wala akong mamimiss," saad naman ni Shiela kaya natawa kaming tatlo nila Mariel.
"Akalain niyo yun? Sa kabobohan natin makakapagtapos pa tayo?"
"Kaya nga eh, himala ngang mag-ga-graduate ka," saad ko kay Trixia. I'm really grateful to have a friends like them, kahit yung isa ay tumiwalag. My College life is surprisingly happy and enjoyable.
Akala ko dati ang College ay nakaka-stress at nakakaputi ng buhok. But I'm wrong, you can still enjoy College. Especially with your friends. Just don't overworked yourself with studying.
"Basta walang mang-iiwan ha? Atsaka dapat gawin niyo akong ninang sa mga anak niyo," saad ni Mariel.
"Masyado ka naman yatang advance, magtatrabaho muna tayo bago mag-asawa," saad ni Shiela.
"Baka nga etong si Zaniella pakasalan na agad ni Javier, alam niyo naman yun," saad ni Trixia.
"Ang cute niyo dito ha? Nag-date kayo ng nakasuot ng onesies? Rinig ko pumunta pa kayo ng bar ng naka-onesie," saad ni Trixia nung makita niya ang naka-frame na picture namin ni Javi habang nakasuot ng onesies.
That's actually one of the best day for me.
"Ibang klase," saad ni Mariel. Natawa naman ako habang inaalala ang pinaggagagawa namin ni Javi sa bar nun. Sumasayaw kami at dahil nakasuot kami ng onesies pansinin kami.
Ilang oras din ay umalis na sila Shiela dahil kailangan pa nilang maghanda para sa Graduation.
"Hi, Zaniella!" nginitian ko ang mga bumabati sa akin habang papunta ako sa room namin.
"Hi ate Zani!" napangiti ako nung makita ang dalawang first year na nagbigay sa akin noon ng love letters.
"Andito kami para makita kang mag-graduate," napangiti ako dahil sa kanila.
"Punta nga kayo dito," niyakap ko sila at masaya naman silang yumakap sa akin. Para ko na din silang mga kapatid eh.
"Don't worry, kapag kayo naman ang nag-graduate. Pupunta ako," lumiwanag naman ang mga mukha nila bago tumango.
"Gusto ko na tuloy mag-graduate,"
Pagkapasok ko sa room namin, nandoon na ang iba kong mga kaklase na kasuot na ng mga toga.
"Diko expect na makikita ko ang mga gagong to na nakasuot ng toga," saad ko sa sarili bago tuluyang pumasok sa loob ng room.
"Ey! Graduation na natin ngayon? Akalain niyo yun? Natiis ko mga pagmumukha niyo sa loob ng apat na taon?" saad nung isa kong kaklase kaya binato siya ng iba naming kaklase ng mga papel na nakarolyo.
"Guys! Class picture!"
"Zani my love!" napangiwi ako nung marinig ko ang malakas pero napakagwapong boses ng boyfriend ko.
"Ang ingay mo," saad ko bago niya ako niyakap.
"I'm happy," saad niya habang yakap yakap ako.
"Guys! Tara na daw! Malapit na magsimula," at dahil hindi kami magkaklase ni Javi hindi kami sabay.
Umupo na kami sa mga pwesto namin at ilang minuto lang ay nagsimula na ang Graduation. Tinawag din ang Magna Cum Laude na si Jerson, tapos ang Summa Cum Laude na si Audenzia.
Si Aiden at Elion ay lumipat ng Unibersidad nung third years na kami, lumipat silang dalawa sa Eastfar at mas nauna ang Graduation namin kesa sa kanila.
Nung hinagis na namin ang mga toga namin nabigla pa ako nung may biglang humawak sa pala-pulsuhan ko.
"Zani, I have a question," medyo nabigla pa ako nung makita ko si Javi sa tabi ko.
"Ano?" medyo malakas na tanong ko dahil maingay na ang paligid dahil tapos na din ang Graduation. We're finally graduated now.
Nung una ay hindi ko siya narinig kaya pero nanlaki ang mata ko nung bigla siyang lumuhod. Ang mga taong nakakita sa kanya ay napatili.
"Zani..." kinilabutan pa ako sa seryosong boses niya.
"A-Ano?! Di kita masyadong narinig kanina," I asked with stunned look.
"I said..." he took a deep breath before talking again.
"Will you marry me?" kasabay nun ay inaangat niya ang diamond ring. Hindi ko alam kung paano ko mae-explain ang nararamdaman ko ngayon. Araw ng graduation namin ngayon tapos ngayon din ang araw na tinanong niya sa akin ang tanong na iyon.
"G-Gago ka ba?! Pinapaiyak mo ba ako?!" hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. I can't contain my happiness.
Narinig ko naman ang pagsinghap ni mama nung makita niya si Javi na nakaluhod sa harapan ko. Ibang klase din etong si Javi. Nung naging kami binuhat niya ako sa harap ng madaming tao tapos ngayon naman nag-propose sa mismong graduation namin ang dami pa namang tao.
"Ano masasabi mo, babe?" nakangiting tanong ni Javi.
"Nangangalay na ako dito," pahabol niya pang sabi kaya napanguso ako bago tumango.
"Oo!" sagot ko bago sinapo ang bibig ko habang tinitingnan si Javi na nakangiti. Those smile is the most beautiful thing I saw.
"Ano? I can't hear you," nakakalokong ngumiti si Javi kaya hindi ko mapigilang matawa.
"Oo! Pakakasalan kitang gago ka," napangiwi pa si Javi sa tinawag ko sa kanya bago tumayo.
"Okay sabi mo yan," sagot niya habang nakangiti bago kinuha ang kamay ko at nilagay ang singsing doon.
"I love you," saad niya bago niya ako ikinulong sa mga bisig niya. He hugged me in his arms, where I belong.
"Iba din!" rinig kong sigaw ni Aiden. Si Elion naman ay pumapalakpak lang kasama nung ibang nanonood din.
BINABASA MO ANG
Make You Mine (CRS #4)
Teen FictionCollege Romance Series #4 Zaniella Atienza, also known as the matchmaker and love expert in Roundell University. Students would always asks her to help them with their lovelife and Ella would always succeed. Until her friend asked some help to make...