08

417 18 13
                                    

08 : Worried

"Javier!"

"Why aren't you calling me Javi?" salubong sa akin ni Javi nung hinabol ko siya habang palabas siya ng gate.

"Tawag daw sayo ni Deah yun, kaya ako na nag-adjust para sa future jowa mo, yieee!" tinusok ko ang tagiliran niya dahilan para mapangiwi siya.

"Future jowa my ass," rinig kong bulong niya.

"Hoy! Sinasabi ko sayo, maging mabait ka kay Deah," pinandilatan ko siya ng mata.

"Kelan pa ako naging mabait?" walang kwentang tanong niya.

"Aba! Di ko alam sayo, bat ako tinatanong mo!?" pasinghal kong tanong sa kanya bago lumiko papuntang fishball-an. Nagugutom ako eh.

"Kuya! Isang kwek-kwek, painit ulit,"

"Mahilig ka pala sa kwek-kwek?"

"Ay putang-! Ano ba?! Bat andito kang hinayupak ka?!" pasinghal kong tanong kay Javi nung bigla siyang lumitaw sa likuran ko.

"Kase pumunta ako dito," pambabara niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Whatever, hindi pala mahilig sa mga street foods si Deah kaya pag nag-date kayo huwag mo dadalhin sa mga fishball-an," paalala ko kay Javi habang kinukuha ang kwek-kwek.

"Arte naman nun,"

"Masasanay ka din dun," saad ko.

"Sa tingin mo talaga magugustuhan ko yun?" blanko ang ekspresyon ko nung liningon ko siya.

"Bakit naman hindi? May gusto ka na bang iba?" ngumisi ako nung hindi siya nakasagot sa tanong ko.

"May gusto ka?!"

"Wala!" saad niya bago pumunta sa tabi ko.

"Bente pesos pong kikiam," sabi niya sa tindero.

"Mahilig ka pala sa kiki," biro kong sabi sa kanya.

"What?" kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Ang sabi ko mahilig ka pala sa kikiam!" nagdududang tinitigan ako ni Javi bago ibinalik ang atensyon niya sa tindero.

Nabalot kami ng katahimikan kaya nagpapasalamat ako dahil nakakakain ako ng maayos.

"Dalawang stick pa nga po ng kwek-kwek," saad ko dahilan para mapalingon si Javi habang sinusubo niya ang fishball na binili niya din.

"Manong, I'll pay for all the things we ate," nanlaki ang mata ko nung nag-abot si Javi ng limang daan sa tindero.

"Parang binili mo na lahat ng nasa stall ni manong ha," saad ko kay Javi.

"Yeah yeah, just eat whatever you want," tamad niyang sabi.

"Hala?! Talaga?! Libre mo?" hindi na sumagot si Javi kaya napangiti ako ng maluwang. Huwag tanggihan ang grasya! Infairness may silbi din ang lalaking toh.

"Sukli niyo po-"

"Keep the change manong, ako pong bahala sa kanya," saad ko sa tindero kaya ngumiti siya bago nagpasalamat.

"Yieee, may silbi ka na sa lipunan," panunuya ko kay Javi bago siya siniko ng mahina.

"Buti wala kang ka-date ngayon,"

"Anong wala? Hindi ba kita ka-date?" muntikan na nga akong mabulunan pero etong lalaking ito tinawanan lang ako.

"Gago-" agad akong humarap sa tindero nung makita kong paparating si Deah na may kasamang ibang mga babae. Mukhang hindi na naman siya sumabay umuwi kila Mariel.

"Gago! Harap dito baka makita tayo ni Deah! Magselos pa yun!" hinarap ko si Javi sa tindero.

"Minsan iniisip ko na, diba siya ang tinutulungan mo pero bakit ako ang gumagawa ng mga moves sa kanya? Diba dapat siya? Kase siya may gusto sakin?"

"Ganito din ang ginawa ko sa mga lalaking gusto ng mga babaeng nagpapatulong sa akin," nagkibit balikat lang ako sa kanya.

"Mayroon bang hindi nagkatuluyan sa mga tinulungan mo?" tumango ako.

"Syempre meron," saad ko.

"Talaga? Isama mo na ako dun-"

"Kase bakla pala yung lalaki kaya hindi sila nagkatuluyan," lumingon ako kay Javi para tingnan ang reaksiyon niya.

Kumunot naman ang noo niya bago sumubo ng kikiam. Kinindatan niya ako nung makitang nakatingin ako sa kanya.

"Kelan ba nawalan ng kalandian ang katawan mo?" napailing-iling ako.

"Buti naman at naging close kayo ni Deah,"

"Fake lang yun,"

"Gago ewan ko sayo. Paalala lang ha? Mabait naman si Deah kaya huwag mo siyang babaguhin! Baka mamaya! Magbago siya dahil sayo!"

"Bakit parang kasalanan ko pa? Bakit ko babaguhin yun? Wala naman akong pake dun-" hinampas ko siya sa braso kaya napanguso siya.

"Tingnan ko lang kapag nahulog ka na kay Deah tatawanan kita dahil akala mo hindi mo siya magugustuhan,"

"Asa ka, ayaw ko sa kanya. Hindi ko type yun!"

"Ano palang type mo?!"

"Ikaw,"

"Ha?"

"Ikaw na mismo mag-alam kung ano ang type ko," saad ni Javi bago ako kinindatan.

Hindi ko alam kung paano kami natapos ni Javi kumain sa fishball-an. Sinabihan ko pa siya na baka umamin na si Deah sa kanya sa beach trip kaya ayusin niya ang sagot niya at dapat makumpirma ko na close na sila.

Javi:
Where na u? Here na me, babe.

Napangiwi ako nung makita ang text sa akin ni Javi habang palabas ako ng room para pumunta sa canteen.

"Deah!" napalingon si Deah sa akin nung tinawag ko siya.

"Sabay kayo ni Javi kumain ha? Kausapin mo para hindi kayo ma-bored," tumango si Deah bago naglakad papunta ng canteen. Buti naman at bumalik  na ang dating ugali ni Deah.

"Tara girl, tabi-tabi na tayo! Hiwalay tayo kay Javi at Deah," yaya ni Trixia bago yumakap sa braso ko.

"Alam niyo girls? Medyo worried ako na baka magbago si Deah kapag naging sila ni Javier," biglang saad ni Shiela habang sabay-sabay kaming naglalakad papuntang canteen.

"Same," saad ni Trixia.

"Tiwala lang, hindi magbabago si Deah, sinabihan ko na si Javi,"

"Baka mamaya mas close kayo ni Javier," nakangiwi akong lumingon kay Shiela na nakangisi.

"Gaga, syempre sinasabihan ko siya kung ano ang dapat niyang gawin para maging close sila ni Deah,"

"Diko expect na papayag ang lalaking iyon sa ganitong klase ng pangrereto," saad naman ni Mariel.

Binigyan nga lang ako ng one month pero kapag hindi siya nagkagusto kay Deah, hindi niya na susundin ang mga pinapagawa ko para magkagusto siya kay Deah.

So I'll do my best to make Javier fall for her before it's too late.

Make You Mine (CRS #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon