Chapter 2

58 1 1
                                    


After naming mag-lunch we went shopping and buy some stuffs. Hindi naman madami ang nabili namin ni Cynthia pwera nalang ni Nica na halos ubusin na niya ang lahat ng gamit sa mall, eh ang daming binili eh.

Pagkatapos naming mag-mall nauna na akong umuwi sa kanila. When i came home pinark ko ang kotse ko sa garage hindi ako nagcocondo kase ayaw kung mapag-isa, hindi naman sa hindi independent pero ayaw ko talagang mawalay kina mama at papa, except nalang kay kuya na pinaglihi ata ni mama ng sama ng loob. hmph!

Pagpasok ko sa bahay bumungad saken ang pagmumuka ng kuya ko na naka upo sa couch habang nanonood ng anime. Wala adik talaga siya diyan eh.

Naramdaman naman niya ang presensya ko at tumingin saken. "Oh, nandito kana pala." sabi nito at binalik ang tingin sa pinapanood.

Nilagay ko ang bag at tsaka mga binili ko sa couch at agad naman yung kinuha ng isa sa maid at iakyat sa kwarto ko.

"Hindi. Wala ako dito, kaluluwa ko lang nakikita mo tsk!" sarkastiko kong sabi at napairap naman ito.

"Whatever. Anyways, have you received the invitation already?"

Ahh yeah yung invitation pala nakalimutan ko 'yon sa office. "Yeah. Kayo nalang kaya ang pumunta?" tinatamad kong sabi.

"You can't your presence is must. You're the CEO of Buenaventura afterall." sagot naman nito. Si Kuya kase ang nag handle ng business ni lola bago ito mamatay. Tatlong Villas, Apat na five-star hotels, at tatlong resorts. Jeez ang dami siguro ang yaman nito.

" Ano naman gagawin ko dun? Titingin lang naman tsaka di ako yayaman kong pupunta ako dun." nakanguso kung sabi and i heard him chuckled.

" Kailangan mong pumunta sa party Anna dahil doon mo makilala ang magiging asawa mo." nagulat naman ako sa pagsulpot ni papa sa likod.

Ito na naman sila sa kasal kasal nato eh. Kingmother naman oh." Pa, it's already 20th century, geez 'di na uso ang forced marriage ngayon. Kaya no thanks mas lalong hindi ako pupunta doon sa party na yan." i rolled my eyes heveanwards. Ano bayan! Ito' yong diko gusto eh!

"I'm serious here Anna, pakakasalan mo 'yong lalaking' yon." seryosong sabi pa nito saken. I heave a deep sigh at nag desisyon nalang akong umalis sa sala wala naman akong mapapala kong makipag away ako kay papa.

Pumanhik ako sa loob ng kwarto at kumuha ng towel tsaka dumiretso sa loob ng banyo. Pagkatapos kung maligo sinout ko na yung nighties ko, wala akong planong kumain masyado pa akong busog tsaka baka 'yong magiging asawa ko naman ang topic nila.

Tangina sa dami daming companya sa mundo samin pa talaga nagpatulong at sakin pa magpapakasal? Aba' t! Nakakainis!

Humnga akong malalim at napagdesisyonang matulog, aaga akong tatanda nito. Jusme!

_______________________________

It's been a week noong sagutan namin ni papa at hindi na kami nagkita kase may business trip daw ito kasama si mama sa Canada. At next week na ang party kung saan kunno makikita ang aking magiging 'asawa'. tsk!

Pumasok ang secretarya ko na si Leonora sa loob ng opisina ko dala-dala ang kape ko. Nilapag niya yon sa aking desk at kaagad ko itong ininom.

"What's my schedule today?" tanong ko dito at ipinakita naman nito saken ang schedule.

"Miss Via, you'll be having a meeting with Mr. Sanchez regarding to the shipments na kanyang ipapadala after an hour malapit doon sa Port." sagot naman nito. Tumango nalang ako bilang tugon.

"Is there anything you want pa ba Miss?" aba conyo rin!

"Oh, i almost forgot ask Maria if she had chosen a dress yet for the party." tumango naman ito at sinabing 'yes miss' at tuloyang umalis na sa opisina ko.

Alas-otso na ng umalis ako para pumunta sa Port kung saan kami magmemeeting ni Mr. Sanchez. Napag-alaman kung mga Car spare parts pala ang ipapaship niya papuntang Russia.

Nang makarating ako sa port ay nakita ko agad ang pigura ng isang hindi pamilyar na tao at may kasama naman itong bodyguard, mukhang ka edad ko lang ang lalaki siguro ito na si Mr. Sachez.

Bago ko makalimutan kasama ko ngayon si Leonora kase busy 'yong dalawa may ginagawang report para sa mga board.

"Mr. Isaac Sanchez." tawag pansin ni Leonora dito. Lumingon naman ang tinurang Isaac Sanchez, di ko ipagkakaila na gwapo ito, matangkad, matangos ang ilong, he also has this grey eyes. I believe his half or something. His eyes are rare you know, pero hindi ko siya type.

" You must be Vianna Buenaventura, It's a pleasure to meet such a gorgeous lady." turan nito at nilahad ang kamay sakin tinanggap ko naman iyon at nag shake hands kami. He has an accent. Maybe it's French? I don't know, i have no idea.

I smiled at him and nodded as a response." So Mr. Isaac, ang shipments na ipapadala mo sa Russia will not be easy..."i paused at tumingin sakanya, he is just holding his chin at tumango."...but don't worry about it we will do anything, siguro alam mo naman ang Russian State hindi basta basta may nakakapasok dito. Maybe it will take 3 weeks bago makarating sa Russia ang shipments at makapasok. Will that be okay with you Mr. Sanchez?" turan ko dito.

"Hmm. I see, well as long as makakarating doon ang mga spare parts ko it will be okay. Oh well ano pang mapapala ko sa mga Buenaventura, It's a great service indeed." ani nito sabay tango.

"So, it's nice meeting you Mr. Sanchez." i smiled and we bid our goodbyes nang matapos na ang meeting naming dalawa.

Dumiretso kami ni Leonora sa kotse at doon nag antay ang aming driver. Nasa front seat naman si Leonora at nasa passenger naman ako.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Leonora. Napakunot naman ako dito. "Oh, napano ka? Para kang kinapos ng hininga diyan?" turan ko dito. Sabi ko naman sainyo hindi ako snob na boss.

"Ehh kase Miss Via, iyang si Leonora crush niya daw iyong kameeting niyo." sagot naman ni Manong Rex, anh driver ko.

"H-Huy a-ano ba pinagsasabi mo d-dyan manong..." nahihiyang sabi pa ni Leonor. Napatawa naman kami ni Mang Rex sakanya. Kaya pala hindi makapagsalita itong babaeng 'to jusko!

"Sabagay, hindi naman maipagkaila na gwapo si Mr. Sanchez, but don't get to close to him Leonora, he' s a manwhore." i smirked.

"Ay grabe naman yang prejudice mo Ms. Via." sagot nito at nakanguso pa. Yak nagmumukha tuloy siyang platypus. Chos!

Umuwi na kami sa kompanya at binabad ang sarili sa trabaho tsaka wala naman akong lovelife. Tsk! I took a pic of myself two times. Hindi naman ako nagmumukhang haggard pero keri na rin.

I posted in on my ig and captioned it "always busy" wala naman kase akong maisip. hays!

After how many minutes narinig kong nagpop up ang notification ko kaya tiningnan ko iyon. Bumungad saken ang mga comments ng mga kaibigan ko tsaka na rin sa kapatid kong abnormal.

@nicaMcdonie_: Look at you! Wala ka pang asawa pero nagmumukha kanang lusyang HAHAHAHHAHA.

sira talaga itong babaeng 'to.

@hycnth.frndz: Humanap ka ng jowa at ibigin mo ng tunay~ yeah br34k it d0wn yOaw~

@xndrpogi_: Sawarasenai🥰kimi😸wa⛓shoujo👻na💅no?✨böKù🌸Wâ🧚ÿARiçHiñ🤴BįCChī😾ńO😩oSû🚣Dà🎉YO💦

Langya! Ano daw? Sarap talaga sapakin' tong mga ito. Madami pang magcocomment pero diko na pinansin. tsk! I have a lot of work to do.

Buong araw ko talagang nilunod ang sarili ko sa trabaho hanggang makatulog ako.

__________________________________
_______________________

¬A/N: iyan lang po muna heheheh marami mga scene na pumapasok sa utak ko pero hindi ko alam anong isusulat kabanas tuloy.

Lost In Palawan [ON - HOLD] Where stories live. Discover now