Chapter 10

40 2 0
                                    


Magiisang buwan na ako dito sa Palawan. So far, so good. Except nalang isang tao na akala mo'y maid niya ako dito sa hotel.

Tumunog ang telepono sa reception table agad ko naman 'yong sinagot.

"Hello! This is MadriHotel receptions, how may I help you?" nakangiting saad ko sa telepono.

Napawi ang ngiti ko ng nabosesan ko ito. Bwisit!

" I want to order two orange juice, two plate of steak with rice medium cook, and uhm... That's it. Ah oh I wanted you Lia to bring my orders here, Room 245." I know she's smirking on the other line. Taenang Janice. Oo si Janice iyong babaeng parang ginawa akong maid dito sa hotel, tsh!

Kahit labag sa loob ay nilista ko yung mga order ni Madame.

" Gina, Carla, kayo muna bahala dito punta muna ako sa restau." tumango naman silang dalawa.

Pumunta agad ako sa loob ng kitchen ng restau kung saan chef si Ella, may restau kasi dito sa hotel silbi iisa lang yubg building. Nasa baba yung restau nasa top naman yung mga hotel rooms.

Pagpasok ko sa loob langhap na langhap ang masarap na amoy ng mga pagkain. Nagugutom tuloy ako!

Namataan ko si Ella na nagluluto hindi ko na siya inistorbo. Lumapit ako sa isang waiter at binigay ang order ni Janice. Nag antay ako ng ilang minuto para maluto ito. Tsaka ako rin naman
maghahatid. Tss. Ano na naman kayang pakulo ng babaeng yun. Nang malaman niyang nagtrabaho ako dito agad siyang nagpabook ng isang buwan, akalain mo 'yon? Naappreciate ko tuloy iyong effort niyang pahirapan ako. Ang hindi ko alam ba't ang init ng dugo niya sakin eh hindi naman kami close at tsaka isang beses lang kaming nagkita.

Siguro tibo siya tapos crush niya ako.

"Ma' am Lia ito napo iyong mga order ng guest."

Napailing ako. Hindi! Hindi! Hinalikan nga niya si Khael noong nagkita kami. Hmpk!

"Ma'am, Ma'am Lia."

Napatango ako ng paulit-ulit. Tama! Tama! Napaisip naman ako kung bakit ang init ng dugo niya sakin? May sakit kaya siya sa isip? Siguro nga hindi natin alam.

"HUY MA'AM LIA! ITO NAPO IYONG ORDER NG GUEST NIYO PO! SABI NIYO KAYO PO MAGHAHATID!"

Napapitlag ako ng may sumigaw. Sinamaan ko ng tingin anv waiter na nasa tabi ko na siyang inutusan ko kanina.

"Eh sorry ma'am, kanina pa kita tinatawag hindi ka naman po nakikinig. Tsaka nagmukha po kayong tanga dyan." sabi pa nito habang kumakamot sa batok.

"Sino 'yon? Sino' yong sumigaw?!" narinig ko namang sigaw ng isang chef parang nagpapanic. Hay bahala na nga sila.

" Okay sige. Bye." kinuha ko na yung mga orders nakalagay ito sa parang may gulong na lamesa, malay ko anong pangalan nito. Wheel table kasi kung upuan wheel chair. Awts gege :))

Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang third floor. Nang namataan ko ang room ni Janice Berdin ay kumatok ako.

Bumukas ang pinto at bumungad sakin ang mukha ni Hudas. Chos! Si Khael. Nagtaka naman ako. Ba't siya nandito? Bagong ligo siya dahil basa pa ang mga buhok nito.

"Liking the view, eh?" Doon ko narealize that he's topless pala! Waaah. My virgin beautiful eyes. Agad ko namang iniwas ang paningin ko sakanya. The eff! I'm so red right now!

"Babe, who's that?" nabosesan ko naman iyon. Tss. Bruha.

Nakita ko siyang nagsout ng damit, pamilyar sakin iyon. Kay Khael iyong damit! Tumingin ako kay Khael, he's just looking at me like he doesn't knew me. I don't know but it hurts.

" Oh, you're here na pala amin na iyang order namin. Bye."

Bago pa niya sinara ang pinto napatingin ako sa leeg niya. A hickey! Damn.

Umalis na ako sa lugar na iyon. Pumasok ako sa elevator at doon ko hindi napigilan ang luha ko.

Why? Why do I feel like this? Do I like him na? But I can't, hindi pa nga kami parang may third wheel na. Or ako talaga iyong third wheel.

HINDI na ako pumasok buong araw after no'n. Nasa loob lang ako ng bahay pero maya maya ay napagdesisyonan kung lumabas muna at magpahangin.

I feel freedom. Weird. Kasi feel ko parang ang saya ko dahil may kalayaan ako.  I feel complete but not completely complete. There's something lacking, maybe it's my memories. Why do I need to suffer this amnesia thingy?

I sighed heavily.

" Parang ang bigat ata ng problema mo."

Nagulat naman ako ng may nagsalita sa likuran ko. Napatingin ako sakanya. I was so stunned. Oh my gulayyy!

I blinked so many times para masigurong hindi akl nagde-daydream. He a chuckled a bit. Shoot! ang gwapo naman nitong lalaking to.

" Huh? Ah-eh..hehe." iyon lang ang nasabi ko at napakamot sa batok. Tumawa naman ito. Hmph! Hindi ako clown para tawanan.

"Anyway, I'm Rio. You are?" pakilala niya and he offered his hand to me for a shake.

"Lia. J-just call me Lia." I shaked his hands. They're so soft mehged!

" Such a wonderful name for a gorgeous lady." turan nito at napangiwi naman ako. Sus galawan palang babaero na. Hmp. Ekis kana sakin sayang ka naman.

Hindi sa judger ako pero I trust ny prejudices.

He sitted beside me and talked about stuffs. Kahit wala akong masabi sakanya kasi wala naman akong maalala ay kwento pa rin siya ng kwento tungkol sa buhay niya.

When it's already daybreak, napagpasiyahan naming umuwi na. Gusto niya sana akong ihatid but I insisted. Pero masyado siyang makulit kaya pumayag na ako and I feel comfortable naman sa kanya ke't kanina lang kami nagkakilala.

Nang makarating na kami sa bahay.

"Dito lang ako Rio, Salamat!" turan ko sakanya but he wasn't looking at me, he was looking at the house.

"Rio,"

" You lived here?" seryosong tanong niya sakin habang nakatingin pa rin sa bahay.

Nagulat naman ako sa tinuran niya. Unti-unti naman akong tumango.

"A-ah, oo eh. Bakit pala?"

He smiled but it was not genuine just like kanina. I cam saw his fist clenching. Oh-kay? Weird.

"I see. Magkaano-ano kayo ni Khael?"kilala niya si Khael.

" Ah, He's just a—"

Someone cut me off.

" She's my wife and don't you dare touch her. "

Nagulat naman ako ng magsalita si Khael sa likuran ko at hinapit naman niya ang aking bewang.

Fck! Just awhile ago I was crying because of an unknown feeling towards him and them there he goes, making me fall inlove more. I don't know what are you doing to me, Khael.

__________________________
____________

Note:

Hello!

Please Vote and Comment, I badly need your feedbacks. I don't care if it's negative or positive feedbacks. I just need to see kung may dapat ba akong baguhin or if my story is boring what?

For the people that are reading my story, thank you so much. I so much appreciate it.

You can look at my bio to see my social media accounts you can add or follow me there. Salamat po! ❤️

Lost In Palawan [ON - HOLD] Where stories live. Discover now