"Arghhhh! Imagine babalik siya para lang singilin ako sa utang ng mga magulang ko!" Kwinento ko kay Carline ang lahat.
"Kaya naman natin siyang bayaran diba? Pag iipunan natin para may mapangbayad ka" Suggestion ni Carline.
"No, hindi siya pumayag. Isang linggo lang ang binigay niya para makapag isip isip ako"
"Kaso wala kang isip huhu" pota bakit ba ako nagkaron ng gantong kaibigan?
Hinilot ko ang sintido ko, at humingang malalim dahil baka masakal ko 'tong babaeng 'to.
"Pwedeba lumayo ka, nandidilim ang paningin ko"
"Eto naman di ka mabiro! Alam na ba ng kuya mo?" Tanong niya.
"Hindi pa, at wala akong balak sabihin. Alam mo namang nagbabayad pa kami ng iba naming utang" Bakit ba kasi ang dami daming inutang ng mga magulang ko? Limang taon na nga silang wala pero bakit kami minumulto ng utang.
"Ay nga pala mare, kailangan ko ng pumasok dahil malalatena naman ako at baka mawalan pa ako ng trabaho." Sabi niya at nagmamadaling umalis.
Habang naglalakad sa mall at iniisip kung ano ang pipiliin ko, ay bigla na lang may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.
"Veronica! Nako hija, I'm glad we meet again" Sabi ni tita Lana, mommy ni Luther.
"Hi tita, how are you?" Tanong ko at nakipagbeso baso.
"I'm fine, hija. I'm so happy i saw you! Can we have a coffee?" Tanong niya. Mabait si tita, kaya nga close kami nung jowa ko pa ang anak niya.
"Sure tita" Nakangiti kong sabi.
Pumunta kami sa isang sikat na coffee shop.
"Hmm... hija do you have any boyfriend or husband, after you and my son brokeup?" She ask me while smiling.
"Wala po. Naging busy ako sa work ko, so i don't have time to entertain guys" Sabi ko at humigop ng kapeng inorder ko.
"That's nice" rinig kong sabi niya at ngumiti.
"Po?"
"Ah wala yon, hija. We should hang out, pwede ka ba Saturday?" Tanong ni tita.
"Hmm di po ako pwede sa Saturday, meron po akong pupuntahang meeting, next month pa po ang bakasyon ko" sagot ko.
Madami pa akong kailangan asikasuhin. Lalo na't pinapagawa ko pa ang pangatlong branch ng restaurant ko.
"Oh, okay. Next month na lang siguro"
"Yes po. And tita, sorry i have to go. Maybe we should hang out next time." Nakangiti kong sabi at nakipagbeso bago umalis.
At napakabilis ng araw! Isang linggo na ang nakalipas, at kailangan ko ng pumili.
Wala akong sapat na pera para magbayad ng 2.5 million. Kailangan ko pa yon ipunin ng taon, kulang ang kinikita ko sa mga restaurant ko dahil binabayaran ko pa ang mga lupang tinatayuan nito.
Arghhh! Nakakafrustrate.
Kung meron akong malaking pera edi sana binayad ko na. Saan nila yon ginamit? Haaaaay kalorki!
Kung kelan napakapayapa ng buhay ko tsaka susulpot ang peste. Kung kakayanin lang ng kinikita ko, babayaran ko na sana kaso hindi! So no choice ako.
'Napakamalas talaga ng buhay ko!'
Kung magtago na lang ako? Oo tama magtatago na lang ako.
Dali dali akong umakyat, inihanda ko ang maleta ko. Maglalabas na sana ako ng mga damit na kailangan ko pero biglang may nagdoorbell.
![](https://img.wattpad.com/cover/248616795-288-k184647.jpg)
BINABASA MO ANG
Dealing With Mr. Billionaire (Billionaire Series #1)
Romantik[Slow update ft. slow author] Veronica and Luther had a deal. Kasunduang kahit kailan ay hindi niya pinangarap! Hades Luther Perez a.k.a Mr. Billionaire the owner of 'The Luxury Hotel Empire' worldwide! Kahit saang lugar o bansa man yan ay nandoon a...