Hinila ako ni Luther sa isang sikat na bilihan ng damit.
"Pick everything you like, i pay" sabi niya at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib.
"Ang mahal dito gagi" sabi ko at pilit siyang hinihila palabas.
"Mahal din naman k--- i mean it's okay. Pagpapasalamat na din dahil pumayag kang maging nanay ng anak ko" Sabi niya at hinila ako pabalik. Edi sana naghilaan na lang kaming dalawa.
"Pilit lang naman yon, tatakas sana ako e" mahina kong bulong. "Edi bala Ka" Sabi ko at agad tumakbo at nagtingin tingin ng damit.
Ang mahal! Fuckinginabitch! Edi sana bumili na ako ng pang ulam ko sa isang linggo.
"Sure ka ba talaga dito?" Paninigurado ko. Baka naman bigla siyang tumakbo palabas.
"Yeah, I'm sure. Don't worry hindi kita iiwan dito" so kung ganon naman pala edi go!
Kumuha ako ng sampung damit. Mahihiya pa sana ako kaso sabi niya babayaran niya naman e.
Isa isa ko silang sinukat sa fitting room, at lahat ay kasya so go na sa counter.
"Okay na" Sabi ko at binigay sa kanya ang sampung damit na kinuha ko.
Napatanga siya ng makitang napakadami kong kinuha. I snapped my fingers para bumalik siya sa katinuan.
"Hoy? Luther? Tulala ka dyan" Napakurap kurap siya.
"Ang bilis mo naman magsukat di pa nga ako nakakapasok" sabi niya habang nakanguso. Anyari sa kanya? Cute.
"Oo, binilisan ko talaga. Wala akong balak makipagmomol sa fitting room, sa parking pwede pa. Tsaka diba sabi ko sayo, kailangan mo munang patunayang malinis ka" sabi ko at napahawak ang dalawang kamay niya sa dibdiba at umaaktong nasasaktan.
"I-i can't believe you, honey! Malinis kaya ako" Sabi niya at umaakto parin siyang nasasaktan siya.
"Patunay muna. Lika na nga, bayaran na natin yan"Sabi ko at hinila na siya sa counter. Tusukin ko kaya yung mata ng kahera? Napakalagkit ng tingin niya sa asawa ko.
Ang lagkit, sing lagkit ni ate. Lihim akong napairap.
Nangmatapos ang kahera ay agad namang binayaran ni Luther ang lahat. Ang mahal!
Sabi ko sa kanya na ayos na ang mga damit, pero kahit anong awat ko ay hindi siya nagpapaawat. Siya eting hinila pa ako papasok sa isang sikat na bilihat ng sapatos.
At tea! Napakamahal! Sana bumili na lang ako ng sasakyan. Sa Apat na sapatos makakabili na ako ng sasakyan.
Dampot lang siya ng dampot habang ako ay tingin ng tingin ng presyo, at parang luluwa ang mata ko sa gulat ng lahat sa kanila ay hindi bababa sa 15,000.
Kung manganganak din naman ako isosoli ko din 'to sa kanya, dahil tapos na ang deal. Pero... ganon na lang ba kadali sakin ipamigay ang anak ko?
Nananakit na ang paa ko sa kakalakad lakad, di ba siya napapagod magshopping?
"Umuwi na tayo, masakit na ang paa ko" i said and pouted, at ang walang'ya naman ay walang awang pinagkukurot ang pisnge ko.
"Aray naman! Masakit na nga yung paa ko tas pasasakit pa yung pisnge ko" reklamo ko.
"Okay okay, sorry" Sabi niya, halata naman na pinipigilan niya ang tawa nila.
"Hindi pa ba tayo uuwi? Masakit na yung paa ko" Pagmamakaawa ko. He just kissed my forehead. "Okay, let's go home" Sabi niya at tsaka kinuha lahat ng pinamili namin.
Nang makapunta sa parking ay agad niyang nilagay ang mga pinamili sa trunk, habang ako ay pumasok na at umupo sa passenger seat.
Habang hinihintay siya ay pumunta na ako sa twitter para makichismis ulit.
Grabe talaga mga lalaki ngayon, halos lahat ata nanloloko na. Hindi ko mapigilang mabwiset habang nagbabasa.
Ang kapal ng mukha! Sinisisi pa yung asawa kaya siya nagloko. Olol! Mga mukhang bulb0l!
Narinig ko ang pagsara ng pinto ng sasakyan, ibig sabihin non ay pumasok na si Luther.
"Saan mo gusto kumain?" Tanong niya pero hindi ko sinagot kasi mars chismis is life! Baka mahuli ako.
Hindi ko mapigilang paluin si Luther habang nagbabasa. Siya na lang panggigigilan ko.
"Geez, woman!" Sabi niya habang pinapalo ko siya. "Araaaay"
"Nako nabubwiset talaga ako dito. Nako wag mo akong lolokohin ng ganto, dahil ikaw na lang magbibigay ng anak sa sarili mo nako. Buti na lang hindi ka kulot" Tinigilan ko na ang pagpalo sa kanya, naawa ako e.
"Don't compare me to that guy, Veronica" Matiim niyang sabi. Inirapan ko lang siya at hindi na sinagot pa. Napuno ng katahimigan ang buong sasakyan at hindi na ata natiis ni Luther at binasag na ang katahimikang iyon.
"About five years ago---" i cut him off. Ayoko ng iungkat pa ang mga nangyari limang taon na ang nakakaraan.
"Shut it, Luther. Ayoko ng buksan pa yung topic na yan, can we just go home? I don't want to talk about what happened five years ago" I don't want to hear any lies. Tama na ang nakita ko. Sapat na yon.
"Okay, you're always like that. You didn't even listn to my explaination" Rinig kong sabi niya at hindi na pinansin.
It's been five fucking years, and I'm still in pain.
My whole five years is full of tears. Five years na pero bakit ang sakit pa din? Diba dapat nag-heal na? Pero bakit hindi pa din? Bakit ang dami pa ding tanong sa isip ko? It's hard to trust someone nowadays, kasi baka sirain nila ulit yung natitirang tiwala mo.
I gave everything to Luther, binigay ko ang lahat yung puntong wala ng natira para sakin.
Madaming nagtatanong bakit hindi ko siya pinapakinggan sa tuwing magpapaliwanag siya? Dahil sapat na ang nakita at narinig ko.
Hindi ko namalayang nakauwi na pala kami.
"Can we talk?" Tanong niya, hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako sa mga mata ko.
"I'm tired Luther, i want to rest. Pwede bang bukas na lang?" Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pumasok na ako sa loob ng bahay niya.
Nagpunas ako at nagbihis ng pares na pajama, atsaka nahiga sa kama at pinikit ang mga mata.
Ayoko ng mag isip, kasi kapag nag iisip ako sumosobra na. Tama na nga siguro si Carline, dapat pinakinggan ko siya. Bukas siguro, handa na ako sa mga sasabihin niya. Para na din matahimik ang kaluluwa at isip ko.
~~~xoxo~~~
A/N: Sorry talaga sa slow update. Pero ano ba kasi yung dahilan ng breakup nila? Jusme maski ako di ko alam :).
Keep safe everyone! Dahil magiging successful ka pa! Mwuah! (^3^)
BINABASA MO ANG
Dealing With Mr. Billionaire (Billionaire Series #1)
Storie d'Amore[Slow update ft. slow author] Veronica and Luther had a deal. Kasunduang kahit kailan ay hindi niya pinangarap! Hades Luther Perez a.k.a Mr. Billionaire the owner of 'The Luxury Hotel Empire' worldwide! Kahit saang lugar o bansa man yan ay nandoon a...
