Chapter 7

1.2K 72 0
                                    

Chapter 7

Pagka labas ko ng banyo ay wala na sya sa loob ng silid ko.

Kumuha ako ng damit at pumasok ule sa banyo para magbihis.

Lumabas ako sa silid ko at pumunta sa kwarto ng kambal titignan ko kung tulog na ba sila.

Dumaan muna ako ng kusina para uminom ng tubig.

Napansin kong bukas pa yung pinto isasara ko na sana yun ng mapansin kong may tao sa labas.

“Sino yan?” tawag ko sa tao nakatalikod kasi sya at medyo madilim sa labas kaya likod ko Lang yung nakikita nya.

“Zuri?” Tawag nya sa pangalan ko. Si Dash lang pala napansin kong may tinapon sya sa lapag at nung tignan ko ay sigarilyo. Naninigarilyo pala sya, isa yan sa mga bisyo ng mga lalaki na ayaw ko. Masama ang sigarilyo sa katawan at hinding hindi ako ma-i-in-love sa lalaking may bisyo kahit na ano pa yan. Never talaga.

“Bakit ka nandito sa labas?“Tanong ko sakanya. Gabing gabi na at nandito pa sya sa labas mahamog na baka kung ano pang sakit ang makuha nya. Kawawa naman ang isang ito kung mag kakasakit ito.

“Nagpapahangin lang.” Sabi nya at naglihis ng tingin. Bakit naman ito naglihis ng tingin sa ganda kong 'to ay dapat ba akong hindi tignan?

Ganun ba ako kaganda?

“Sorry pala kanina” Paghingi nya saakin, halata namang sincere sya sa paghingi nya ng tawad dahil nakikita ko iyon base sa kinang ng mata nya.

“Nagsosorry ka dahil hinalikan mo ko kanina?” Tanong ko sakanya. Ganun ba sya nagsisisi na halikan ako? Ano ba itong naiisip ko.

“Hindi, Nagsosorry ako dahil saglit lang yun.” Sabi nya sabay kamot ng batok. Nakita ko ang mapiti nyang mga ipin dahil sa pag ngiti nya. Ang ganda at pantay pantay ang mga ipin nya kung ako ay magiging isang tinga o kaya tartar ay mahihiya akong tumambay sa ipin nya parang di ko deserve na tambayan iyon, maka mangisay ako sa mouthwash na ginagamit nya.

“Loko ka ah.” Sabi ko sakanya sabay suntok sa braso nya. Mahina lang naman iyon.

“Aray masakit yun ah.” Sabi nya at hinawakan nya yung braso nya na sinuntok ko.

“Ang arte mo naman, hindi naman malakas yun e. OA ka.” Sabi ko sakanya at tumalikod ako ayoko na makita nya akong ngumiti kaya tumalikod ako at pumasok na ng bahay.

Dumaan muna ako sa kwarto ng kambal natulog na.

Pumasok ako dun at hinalikan ang noo nilang dalawa.

Bumalik na ako sa kwarto ko at tinanggal ko ang bra ko tsaka humiga sa kama ilang minuto pa lamang akong nakahiga ng biglang bumukas ang pinto na patingin ako doon at nanlaki ang mga mata ko ng makita si dash na isa isang hinubad ang kanyang mga damit.

“Te-teka a-anong, b-bakit ka na-naghuhubad?” tanong ko sakanya sabay takip ng mata ko pero may konting siwang ito kaya kita ko pa din sya.

“Maliligo.” tipid na sagot nya at tsaka pumasok sa banyo.

Napanganga ako sa ginawa nya at pinulot ang mga damit na nakakalat sa sahig ang kalat naman nun kung saan saan nalang naghuhubad.

Ilang minuto lang at lumabas na sya sa cr.

Naka towel lang sya at tumutulo pa yung mga butil ng tubig na galing sa buhok nya pababa ng dibdib nya.

Napalunok ako ng bigla syang magsalita.

“Love the view?” tanong nya at tsaka ngumiti.

Omg lord bakit ka lumikha ng gantong nilalang masyadong perpekto.

“Asa ka, anong love the view ka jan, magbihis ka nga kala mo naman sexy.” talaga nya.

Tumawa ito at biglang lumapit sakin.

Napalunok ako ulet.

Dismayadong bumuntong hininga ako ng lagpasan nya ako.

Kala ko naman hahalikan nya ako ulet.

Sayang.

"W

“Wag kang haharap magbibihis ako.” Sabi nya sakin.

“Bawal daw pero naghuhubad sa harap ko.” mahinang sabi ko.

“What? What did you say?” tanong nya habang nakatalikod pa rin ako.

“Wala, may narinig ka bang sinabi ko?” tanong ko sakanya.

“Kala ko may sinasabi ka e.” Sabi nya.

“Harap ka na.” pagkasabi nya ay humarap na ako.

“Ang sabi ko humarap ka na.” Sabi nya pa.

"Nakaharap na ako, bulag ka ba ha?" inis na tanong ko sakanya. Bigla nalang itong humalakhak sinamaan ko sya ng tingin.

"Anong nakakatawa ha?" magkasalubong na ang kilay ko ngayon na nakatingin sakanya.

"Wala naman." Sabi nya habang natawa.

Sa sobrang inis ko ay humiga ako ng kama at nagtalukbong.

Naramdaman kong lumapit sya sa kama at umupo sa kabilang gilid.

Kinalabit nya ako at nag salita sya.

"Sorry na, binibiro lang naman kita e." Sabi nya at tsaka hinila ang kumot.

"Ano ba wag mo ngang hilain yung kumot ko." Sabi ko sakanya.

"Galit ka e, sorry na joke lang naman e. Wag ka ng magalit." biglang lumambing ang tono ng pananalita neto. Pero nagkunwari pa rin akong galit at naiinis.

Ganito pala yung feeling ng sinusuyo.

Natatawa ako na ewan dahil kalabit sya ng kalabit ng di ko na mapigilan ay bigla kong inalis ang pagkakatalukbong ng kumot sa katawan ko.

"Ano ba makikiliti ako."sabi ko sakanya at tumawa lumapit sya sakin at tsaka patuloy akong kinikiliti.

"Tama na kasi."pagmamakaawa ko sakanya. Pero patuloy pa rin sya. Bigla akong na out of balance kaya napa higa ako kasabay ng pag bagsak ng katawan ko ay ang pag bagsak din ng katawan nya sa katawan ko. Nasaibabaw ko na sya ngayon, naaamoy ko ang mabango nyang hindi nga. Parang may libo libong boltahe ng electricity ang dumadaloy sa katawan ko dahil ang mga balat namin ay magka dikit. Tumingin sya sa mga mata ko dahan dahang syang yumuko upang halikan sana ako.

Bigla ko na lang syang tinulak sa di malamang kadahilanan.

"Matulog na tayo." Sabi ko at tsaka huminga sa kama nasa kabilang side sya at ako naman sa kabila.

Nilagyan ko ng unan ang pagitan namin Para ma sure ko na di kami magdidikit.

Humiga na sya sa kabilang side at Maya maya ay naramdaman ko na lang na malalim na ang pag hinga nga tanda na tulog na sya.

Hindi rin nag tagal ay dinalaw ako ng antok...

You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

When The Devil Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon