Chapter 23
Unti unti nyang nilapit ang mukha nya.
At nagulat ako sa susunod nitong ginawa.
Dahan dahang dumami ang labi nito sa labi ko dahilan para manigas ang katawan ko.
Namalayan ko nalang na tinutugon ko ang mga halik nya.
"Ay kabayong pilay!" naitulak ko sya ng may sumigaw.
"So-sorry kala ko na discharge na yung patient dito." pag hingi nya ng tawad. Medyo may edad na ang babae. Sa tingin ko ay nurse sya dito dahil halata naman sa suot nyang uniform.
"Babalik nalang ako mamaya, sige alis na ako." sabi nya at lumabas na. Alam kong nagulat sya sa nakita nya pero Kung hindi ba sya dumating ay may damit pa kaya ako?
Nakakahiya naman ang nangyari.
Nahuli pa kami ng staff ng hospital.
Yumuko ako dahil paniguradong namumula ang mukha ko ngayon.
Parang pamilyar saakin ang halik na pinagsaluhan namin ni dash kanina.
Para bang normal lang namin iyong ginagawa.
Lalo ko tuloy gusto maalala ang mga memoryang nakalimutan ko.
Bumukas nanaman ang pinto at iniluwa nun si melody.
"Tara na." sabi nya.
Lumabas na kami ng silid at si dash ang nagtutulak ng wheelchair na sinasakyan ko.
"Talaga bang maayos na ang pakiramdam mo?" tanong ni melody saakin. Bakas sa mukha ang pag aalala nito saakin.
"Oo naman maayos na ako." sagot ko sakanya.
Wala namang imik si dash nakikinig Lang ito saamin.
"Ano kaya kung doon ka nalang muna sa tinutuluyan ko?" sabi pa ni melody pero umiling ako.
"Dun nalang ako sa—" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang magsalita si dash.
"Saakin ka." sabi nito.
"A-anong sayo ako?" tanong ko sakanya sira na ba ang tuktok nitong lalaking to. Hindi ako pagmamay ari ng kahit na sino.
"Saakin ka titira, sa bahay ko." maawtoridad na sabi nito saakin. Buti nalang talaga hindi ko tinuloy ang dapat sanang sasabihin ko na hindi ako pag mamay ari ng kahit nasino dahil paniguradong another kahihiyan nanaman ito. Ano ka ba naman kasi Zuri hindi ka nag-iisip ng maayos.
"pero—"pinutol nanaman nya ang sasabihin ko.
"—No buts." may diing sabi nito. Wala na akong nagawa dahil kapag mas pinilit ko ay hahaba lang ang bangayan namin kaya suko nalang ako.
Tinignan ko naman si melody na parang tanga kung makangiti. Anong problema nitong babaeng 'to? Yung totoo nakahithit ba to ng ilang gramo?
—
Nang makarating kami sa bahay ni dash ay napanganga ako sa sobrang laki.
Bahay ba talaga to?
"Ba-bahay mo to?" tanong ko sakanya habang inililibot ko ang mga mata ko.
Tumango naman ito.
"Sure ka? Bahay ba talaga to?" tanong ko sakanya at natawa naman ito.
"Bakit? Pangit ba?" inosenteng tanong nito saakin. Seryoso ba sya sa sinasabi nya? Ang ganitong kagandang bahay ay tinawag nyang panget? Baka nahihibang na ang lalaking ito. At bakot nya tinatawag na bahay ito dahil sa nakikita ko ay masyon ito. Lalo ko tuloy na feel na hampaslupa ako. Kapag kasama ko si Dash ay nagiging hampaslupa ako, hindi naman ako mahirap na as in wala ng makain pero kapag kasama ko si dash ay feeling ko talag mas mahirap pa ao sa daga.
"Anong pangit, ang ganda nga ng bahay mo e...este mansion pala." sabi ko natawa naman sya sa sinabi ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Natatawa ba sya dahil mukha akong ignorante?
Ang ganda ng hagdan grabe parang gawa sa ginto. Dalawang palapag lang ang bahay nya pero napa kaganda ang sahig parang gawa sa marmol.
Parang nakakahiya naman tumapak dito sa bahay nya.
Feeling ko tuloy napakapoor ko.
Tumayo ako sa wheelchair para maglibot libot.
Nakakalakad naman ako pero ewan ko ba napaka oa ni melody at dash kaya pinasakay pa ako sa wheelchair.
Di naman ako lumpo no.
Pero may advantage din kasi di ako napagod maglakad.
Tsaka pangarap ko din kaya dati nung bata pa ako na makasakay sa wheelchair atlease natupad na.
"Tara na dadalhin na kita sa kwarto mo." sabi nya at walang sabi sabing binuhat ako na parang bagong kaming kasal.
"Te-teka dash baka matumba tayo." sabi ko sakanya ngumiti naman ito. Bakit ba kasi ang hilig mang gulat ng lalaking ito. Safe ako pag kasama sya pero hindi safe ang puso ko kapag kasama sya. Sa simpleng mga bagay na ginagawa nya ay mas lalo akong nahuhulog. Natatakot akong mahalin sya dail baka walang katumbas ang nararamdaman ko. Ayokong na reject baka maging kontra bida ako, diba ganun naman talaga ng mga kontra bida kaya sila nagiging masama dahil nabigo lamang sila.
Pinipilit nilang kunin ang pag ibig ng isang tao na hindi naman para sakanila. Nakakagawa sila ng mga bagay na masama dahil nag mahal lang sila at patuloy pang nagmamahal.
"Ayaw mo bang matumba kasama ako?" sabi nya pa. Nako ang landi matutumba na nga lang kami ay puro kaladian pa ang alam.
Pinanlakihan ko sya ng mata.
"Ang landi naman." bulong ko sa sarili ko. Pero talagang malakas nag pandinig ng binata dahil kahit na ang mahinang bulong ay naririnig parin.
"Narinig ko yun."sabi nya at parang asong nagpapacute.
"Ano naman kung narinig mo? Edi congrats hindi ka bingi." pagsusungit ko sakanya. Minsan kailangan nating magpakipot para hindi masabing easy to get tayo,dapat dalagang pilipina lang tayo dito.
"Sungit, di pa nga ako nakakapagtanim ng binhi maglilihi agad." mahinang sabi ni dash. Hindi ko iyon narinig dahil sobrang hina nung sinabi nya.
"Ano?" tanong ko sakanya. Ang hirap naman maging bingi. Bakit naman kasi bumubulong tong ulol na to eh.
"Malapit na tayo sa kwarto natin." sabi nya.
"A-ano k-kwarto na-natin? Diba sabi m-mo kanina ay kwarto k-ko lang?" nauutal na sabi ko. Bingi lang ako pero di ako makakalimutin.
"Malapit na tayo sa kwarto natin." paguulit nya sa sinabi nya kanina.
"A-ang laki na-ng bahay mo ta-tapos share tayo ng k-kwarto?" sabi nya sakin.
"Under construction lahat ng kwarto maliban sa kwarto ko at sa maid quarters." kaswal na sagot nya sakin.
Binuksan nya ang pinto at dahan dahang ibinaba ako sa kama.
Seryoso ba sya tabi kami matulog?
Pano na ang iniingatang puri ko?
Itutuloy....
_______You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.
BINABASA MO ANG
When The Devil Falls In Love
Romance[COMPLETE] Dash Gray Lazaro is a ruthless man, his an evil when it comes to business. He has a goddess look that every woman can dreams of, his parents want him to settle down and build his own family but he didn't even believe in marriage, for his...