Chapter 19
"Da-dash?"tawag ko sa pangalan nito.
"Why Zuri?... Why you didn't tell me. Bakit mo sila tinago saakin? " Sabi ni Dash at naramdaman ko ang pait sa boses nito. Tinignan ko ang mga anak ko.
"Zachary at Zephyr, dun muna kayo sa kwarto. Doon muna kayo maglaro." utos ko sakanila.
"Pero mama, pano po si tito daddy?" inosenteng tanong ng anak ko gusto ko sakanyang sabihin na hindi yan ang tito daddy nila kasi yan ang daddy nila.
"Sige na, punta muna kayo ng kwarto. Ako ng bahala sa tito Ash nyo." hinila nito ni Zac at nagpunta silang kwarto. Nang nakita kong sinarado nila 'to ay tsaka ako tumingin Kay dash.
"Bakit ka nandito?" kaswal na tanong ko sakanya.
"Why Zuri? Bakit dimo sinabi ang tungkol sakanila?"tanong nito sakin bakas sa mata nito ang lungkot.
"May anak ka naman na, siguro naman ay di mo na kailangan ang mga anak ko." malamig na sagot ko sakanya napamura ito.
"Anak NATIN Zuri. NATIN." Binigyang diin ni dash ang salitang natin.
"Anak ko lang dash, Mga anak ko LANG." Puno ng emosyong sabi ko sakanya, parang anytime ay babagsak ang luha ko sa mga mata.
"Zuri naman, sabay nating ginawa yang mga batang yan tas sasabihin mong anak mo lang." kalmado pa din ang boses ni dash pero halatang galit na ang mukha nito. Kamukha nya ang anak namin kapag nagagalit sya ganyang ganyan din ang mukha ni Zachary pag magagalit sya.
“Ang daya mo naman, babe... Hindi mo sinabi saakin na mag kakaanak na tayo ng araw na yun, ibang tao pa ang nag sabi saakin... H-hindi mo ako hinayaang mag paliwanag... Maniwala ka man o sa hindi nung araw na yun ay hinanap kita.” Basag na boses na sabi nya, ang mga mata nya ay pagod na.
Sa loob ng ilang taon hindi ko pa din sya nakakalimutan.
Binigyan ba naman nya ako ng remembrance.
Gaga ka naman kasi e bakit mo kasi iniwan Sabi ng isip ko sakin.
"Sabihin nalang nating sperm donor kita, hanggang doon na lang yun. Salamat sa sperm mo. " Sarcastic na sabi ko at nagbabadyang tumulo ang mga luha ko.
Bakit ngayon pa kung kailan kuntento na kami dito.
“Bakit ngayon ka pa nag pakita dash? Di ka na namin kailangan ng anak mo...” Sabi ko at sunod sunod na bumagsak ang luha sa mga mata ko,masaya naman kami dito,kuntento naman na kami ng mga bata sa gantong buhay. Ako lang pala ang kontento kasi kahit na ang mga anak ko ay hinahanap sya.
Hindi ba pwedeng ako na lang, masaya naman kami ah.
"Sorry kung ngayon lang ako, pero maniwala ka hinanap kita." hinawakan nya ako sa magkabilang braso ko at tsaka ako niyakap.
Nang umalis ako at wala akong kasiguraduhan kung mahal ba talaga nya ako.
Hindi ko narinig sakanya ang salitang mahal kita o i love you.
Nung mga panahong yun hindi sapat ang salitang gusto kita.
Hindi sapat sakin yun pano ko masisigurong mahal nga nya ako lalo na kung bumalik yung dati nyang minahal.
Kaya nga dati e kasi past na sagot ng isip ko sakin.
Aba kanina pa 'to sumasagot.
Saan ka natutong sumagot? Tanong ko sa isip ko.
Nagsasabi Lang ako ng opinion ko bawal ba? masama ba? Sagot nito sakin
Loko tong isip ko ah.
“Please, Zuri pwede b-bang kalimutan nalang natin ang nang yari sa nakaraan? Bigyan mo ko ng isa oang pag kakataon... P-pangako hindi ko sasayangin.”He sounds like he's in pain.
“Yun nga dash e, nakaraan na yun. M-matagal na yun dapat ng kalimutan. Pero tangina naman dash, y-yung sakit naiwan dito.” Sabi ko at tinuro ang aking dibdib kung nasaan naroon ang puso ko.
"Zuri, please babe. Pwede ko bang makita ang mga anak ko? Babawi ako sa inyo." sabi nya sakin.
"Kay Zachary at Zephyr ka nalang bumawi Dash kahit wag na sakin." sagot ko sakanya.
"Zachary at Zephyr ba ang pinangalan mo sakanila?" tanong neto baliwala sakanya ang sinabi kong sa kambal nalang sya bumawi parang wala itong narinig at tanging pangalan Lang ng dalawa ang narinig nito.
"Pwede ko ba silang makita?" tanong nya pa.
Tumango ako at pumuntang kwarto Para puntahan ang kambal. Nakasunod naman ito sakin.
Bakit ang bilis kong bumigay pag dating Kay dash.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto.
At nakita namin ni Dash kung pano sinuntok ni Zep ang nakakatandang kapatid.
Agad akong lumapit sakanila.
"Zephyr bakit mo sinuntok ang kapatid mo?" tanong ko dito.
"E kasi po mama ayaw nya po akong kalaro e." sagot nito.
"Bakit naman ayaw mong kalaruin ang kapatid mo Zachary?"tanong ko pa kay Zac.
"Kasi naman po mama, gusto nya po kaming maglaro ng barbie doll. Hindi naman po ako babae e, boy po ako." sagot pa nito na pa kamot ko sa batok dahil sa sinagot ng anak ko.
"Tsaka mama kasalanan nya kasi di po sya umilag." dagdag pa ni Zephyr para akong maiiyak sa sagot ng anak ko.
Napa tingin ako kay Dash, Para itong naiiyak na ano, parang natatae na ewan.
"Tito Daddy!" sigaw naman ni Zephyr ng napansin nya si dash.
Lumapit ito kay Dash at yumakap lumuhod naman si dash para mag pantay ang mukha nilang dalawa.
"You're so beautiful my princess." sabi nito at tsaka pinunasan ang mukha.
"Hala tito daddy bakit ka po nag cry, hindi naman po kita inaaway ah." sabi ni Zephyr natawa naman kami ni Dash.
"I'm just happy that i finally found my home." sabi ni dash at niyakap ang dalawang bata. Tumingin pa ito saakin.
“Huh?Naligaw po ba kayo nung pumunta kayo dito tito daddy?” kunot noong tanong ni Zephyr kaya natawa naman kami ni dash.
Maiintindihan naman siguro ako ng mga anak ko Diba.
Matalino silang bata Kaya alam kong balang araw maiintindihan din nila ako kung bakit ko sila nilayo sa papa nila.
"... Anak?" tawag ko sakanila lumingon naman sila sakin.
"Diba gusto nyo ng papa?" tanong ko sakanila.
"Bibilhan nyo na po ba kami ng papa?" tanong saakin ni Zac.
Ngumiti lang ako.
"Nandito na ang papa nyo." sabi ko sakanila. Tumingin sila sa paligid.
"Binibiro nyo naman po kami e, Wala naman po ang papa namin na binili nyo e." sagot ni zep.
"Nandito sya." sabi ko pa. Sabay turo Kay dash.
Biglang nan laki ang mga mata nilang dalawa at niyakap si Dash.
"Ibig sabihin ikaw po talaga ang papa namin tito daddy?" tanong nila Kay dash.
"Oo at hindi." simpleng sagot ni Dash.
"... Ako ang papa nyo pero hindi ako ang tito daddy nyo." sabi pa ni dash.
Nangunot naman ang noo ni Zephyr.
"Pero kamukha nyo po ang tito daddy namin papa." sabi pa no Zephyr.
"Kamukha talaga nya yun, kasi kagaya nyo ay kambal din sila ni Ashton." paliwanag ko sakanila.
Handa na ba akong papasukin ulit sa buhay ko si Dash? Sa buhay ng kambal?
Etchosera ka naman sinabi nya bang gusto nyang bumalik sa buhay mo? Sabat ng isip ko.
Tarantado to ah.
You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.
BINABASA MO ANG
When The Devil Falls In Love
Romansa[COMPLETE] Dash Gray Lazaro is a ruthless man, his an evil when it comes to business. He has a goddess look that every woman can dreams of, his parents want him to settle down and build his own family but he didn't even believe in marriage, for his...