Chapter 15

855 56 0
                                    

Chapter 15

Dala dala ko ang PT na ginamit ko kahapon inilagay ko ito sa lalagyanan ng kwintas ibibigay ko ito sakanya mamaya, papunta ako sa office ni dash para sabihin sakanya na magkakababy na kami. Sigurado ako na matutuwa iyon kapag nalaman nyang magiging tatay na sya.

Excited na ako sa magiging reaction nya.

"Good afternoon po ma'am" Bati ng guard saakun na may ngiti sa labi.

“Good afternoon din po kuya, lalo tayong gumagwapo ah.” Pambobola ko sakanya, gustong gusto ko talaga dito sa office ni Dash dahil ang babait ng mga employees nya dito.

“Si ma'am talaga, kayo nga ho ang blooming jan e.” Sabi ni kuya at bahagya naman akong natawa.

“Binubola nyo ho ata ako e, oh sya mauna na po ako sa inyo Kuya. Susupresahin ko lang po si Dash.” Sabi ko sakanya at pinakita ang hawak ko.

“Sigurado hong matutuwa si sir sa kwintas na yan ma'am.” Sabi ni kuya at napangiti naman ako.

“Nako, hindi po ito kwintas. Pregnancy test po ang nasa loob nito. Mag kaka baby na kami Kuya. Pero dapat wag kang mainggay ha, secret lang natin 'to. Malay mo maging holy day pa ngayon.” Sabi ko kay kuya.

“Congratulations po sainyo ni sir, ma'am. Wag po kayong mag alala wala po akong pag sasabihan.” Sabi nya na ikina ngiti ko tuluyan na akong nag paalam kay kuya at tinungo ang floor kung saan ang office ni Dash.

Nakarating na kasi ako dito nung nakaraan, Dinala nya ako dito at tinour sa office nya. Nasa 29th floor ang office nya.

Nang makarating ako duon ay may nakita akong batang babae na nakaupo sa gilid ngumiti ako sakanya at halos man laki ang mga mata ko ng bigla akong irapan ng mata neto aba at maldita pala ang batang ito.

Papasok na sana ako sa office ni dash nang bigla akong hinarang ng secretary nya.

"Ma'am di po kayo pwedeng pumasok." sabi nya sakin.

"Bakit may meeting ba si dash?, sa loob nalang ako mag aantay." Sabi ko sakanya bigla nalang akong pumasok.

Nasupresa ako sa nakita ko, nanghihina ang tuhod ko dahil sa nakita ko. Parang may Kung anong matulis na tumusok sa puso ko sa nakita ko. Sunod sunod ang pag patak ng luha ko.

"Ma'am" Sabi nung secretary ni Dash pero di ko ito pinansin nakatuon lang ang pansin ko kay Dash .

Nang tuluyan na akong nakita ni dash ay para itong naestatwa at nawalan ng dugo sa mukha dahil sa gulat na makita ako. Nabitin siguro sya.

"Zu-zuri... Babe." sabi nya agad nitong tinulak ang babae lumapit ito sakin at niyakap ako pinilit ko syang itulak.

"Le-let me e-explain, ba-babe,don't push me away." pakiusap nito saakin, hindi ko sya pinakingan at pilit ko syang tinutulak. Parang nawalan ako ng kakayanang magsalita.

Hindi ako makapag salita, hindi ko alam ang sasabihin ko. Ito na ba ang kapalit ng saya na naranasan ko sa piling ni dash? Lord ang unfair nyo naman po, di nyo man lang po pinaabot ng taon yung saya na kasama ko si dash.

Kaya ba ayaw akong papasukin ng sekretarya ni dash kasi may kahalikan itong babae?

Papakinggan ko sya ngayon, pag subok lang naman ito e. Handa na akong mag salita at patawarin sya ng biglang mag pumasok na bata.

Napabitaw si dash sakin ng may biglang yumakap sa binti nito.

"Daddy!" sabi ng batang babae na nasa labas kanina.

Lalo akong nawalan ng lakas ng loob para nag salita. Kung may anak sila ng babaeng yan ibig sabihin sila ang unang pamilya. Kung una sila ano kami ng anak ko? Saan kami lulugar?

"She's our daughter Dash. " Saad ng babae, at mas lalo akong naiyak.

"No, Samantha she's not mine." giit ni dash.

“Kahit anong tanggi mo ay hindi mo maikakaila na anak mo sya dash.

Tumakbo ako palabas ng kwartong yun dala ang box na sana supresa ko Kay Dash dahil wala na talaga kong lakas ng loob na marinig ang sinasabi nila.

“Ma'am? Bakit po kayo umiiyak?May nangyari po bang hindi maganda? Naku ma'am wag po kayong umiyak.” Sabi ni kuya ng makita ako na palabas ng building.

“Okay lang ako kuya, sige na po” paalam ko sakanya at tumakbo papalayo.

Napahinto ako ng bigla akong may nabungo.

"S-sorry" sabi ko sakanya.

"Zuri?" sabi ng nakabangga sakin.

Inangat ko ang paningin ko ng makita ko si Ashton na kakambal ni dash.

"Bakit ka umiiyak?" bakas ang pagaalala sa tanong nito.

"ki-kilala mo ako?" tanong ko sakanya.

"yeah?" sagot nya.

"Pasensya na nagmamadali ako." sabi ko sakanya.

Naglalakad na sana ako ng bigla sumakit ang tiyan ko.

"Zuri dinudugo ka." sabi ni Ashton at tsaka ako binuhat.

"I'll bring you to the hospital." sabi nya bago ako mawalan ng Malay.

Nagising ako ng dahil sa sigawang nariririnig ko tila may nag aaway.

"Kasalanan mo kung bakit dinugo si si Zuri e pag may nangyari talaga sa baby nya mayayari ka sakin." sabi ng kaboses ni melody.

"Anong kasalanan ko e wala naman akong ginagawa e nakita ko sya na bigla nalang dinugo." sagot ng kaaway nito.

Iminulat ko ang Mata ko ng makita ko si melody at Ashton na nasa may tabi ko nag aaway sila.

"Bakit kayo nag aaway?" tanong ko sakanila. Napatingin naman sila sakin.

"Friend? Okay ka lang ba?" tanong ni melody.

Bigla akong nag panic.

"Yu-yung baby? Yung baby ko?" tanong ko sakanila.

Sasagot na sana si melody ng bigLang may pumasok napatingin kaming lahat kung sino ang pumasok.

Naka suot ito ng pang doctor.

Baka mangingisda 'to?

"Doc? How's the baby?" tanong ni Ashton.

"The babies are fine—" di natapos ng doctor ang sasabihin nya ng magsalita ako.

"Ba-babies?" tanong ko dito.

"Yes babies, but you needs a rest, avoid stress. Makakasama sa Bata ang stress, ingatan mo ang kalusugan mo hija baka sa susunod e di na kayanin ng babies mo." sabi nya sakin

Tumango lamang ako.

"una na ako" sabi ng doctor.

"Sige po thank you." sagot ni melody.

Muntik nang mawala ang baby ko.

Hindi ko talaga mapapatawad si dash kapag may nangyaring masama sa baby ko.

Hinimas ko ang tiyan ko.

Sorry baby mukhang tayo Lang muna ang magkakasama. Patawarin nyo ako sa gagawin ko, maiintindihan nyo din ako balang araw.

"Anong Plano mo ngayon? Sinabi mo na ba sa tatay nyang dinadala mo na buntis ka?" tanong sakin ni melody.

"Hindi pa, at wala akong balak na Malaman 'to ni dash ilalayo ko sakanya ang mga bata." sabi ko habang nakatitig sa kawalan.

"I will help you to hide the babies, I have a house in the province maybe you and your child can stay there." sabi ni Ashton.

"Wa-wala kang balak sabihin sa kambal mo?" tanong ko sakanya.

"Wala, nirerespeto ko ang desisyon mo."

Tumango lang ako.

Simula ngayon wala ka ng karapatan sa mga anak natin dash.

You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.

When The Devil Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon