Kabanata 23

2K 105 78
                                    

A/N: Happy New Year Everyone!🎉 Mamaya ko pa sana ito ipu-published kaso naisip ko ma bu-busy na ako sa kakatalon mamaya haha! By the way, Enjoy your night with your family❤️. Don't forget to vote for this update and leave your reactions below. 🤗 Enjoy Reading!

"I'm sorry...." pangatlong tao na ito na hiningi-an ko ng pasensya matapos ko itong  hindi sinasadyang mabunggo.

Palinga-linga ako at hindi na inalintana ang mga taong nakakasalubong ko at mayroon din akong naririnig na tumatawag sa pangalan ko ngunit wala sa kanila ang atensyon ko.

Inikot ko ang paningin ko at hindi ko na makita ang mga bulto ng lalaking kanina kanina lang ay sinusundan ko pa.

Nasaan na siya?

Nakarating nalang ako sa bandang dulo habang bahagyang hinihingal pero pinilit ko pa rin siyang hanapin ngunit hindi ko na talaga ito makita.

Napatingin ako sa kaliwang bahagi ko at napagpasyahan ko nalang na pumasok muna sa comfort room.

Mariin kong tinignan ang hitsura ko sa salamin at napansing bahagyang nagulo ang aking mga buhok kaya't inayos ko muna ito.

Napansin ko ring meron napapatingin sa akin dahil siguro ay nakikilala ako ngunit hindi ko na ito pinansin at nag retouch nalang ako at ng makita kong maayos na ang hitsura ko ay napag desisyonan ko ng bumalik sa lamesa.

Ngunit nang paglabas at paglabas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang lalaking kanina-kanina lamang ay hinahanap ko.

Marahan itong nakasandal sa pader habang seryosong nakatutok ang mga paningin sa akin ng magka-krus ang mga braso.

Nakita kong agaw pansin ang kanyang hitsura dahil maraming napapatingin sa kanyang mga babae na dumadaan.

"Why are you following me? " mahinahon ngunit merong iba sa kanyang pananalita ng magtanong ito sa akin

"Oh a question from a guy who's waiting for someone outside the girls comfort room. Is that someone is me, engineer?.." sabi ko sa kanya sa halip na sagotin ang tanong nito

Tumingin ito sa kanang bahagi niya na tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ko at nakita kong may kumurbang maliit na ngiti sa kanyang labi bago ibalik ang mga tingin sa akin.

" Answering my question with another question huh? " sagot niya

"For your information Engineer Vergara. I'm not following you. Nagkataon lang na kai------"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng naramdaman ko nalang ang likod ko na tumama sa malalamig na pader habang nasa magkabilang gilid ko na ang mga braso ni Kyle.

"Have you forgotten that I don't like hearing you call me by my surname Ms. Alther?" tanong niya at hindi ako makahinga ng sobrang lapit ng kanyang mukha sa mukha ko na sa kaunting galaw ko lang ay sigurado akong magdi-dikit ang aming mga labi.

Sandali muna akong napatitig sa kanya na tila ba naputulan ng dila ng hindi makasagot.

"Or you really want me to kiss you?" dagdag niyang tanong ng hindi ako makasagot.

"Let her go before I lose my control, Vergara...." nagulat ako ng marinig ang boses ni Liam malapit sa amin.

Naramdaman ko nalang na kumalas na ang braso ni Kyle na nakaharang sa magkabilang tagiliran ko kaya't malaya na akong napalingon sa direksyon ni Liam na wala ang mga tingin sa akin sapagkat nakatutok ito kay Kyle.

"Come here...." rinig kong salita ni Liam na alam kong ako ang tinawag nito.

Dahan-dahan akong naglakad sa direksyon niya habang nakayuko at ng makalapit ako ay doon ko lang itinaas ang aking mga tingin sa harapan at nakaramdam ako ng kaba ng makita ang init ng kainilang titigan ni Liam.

Mistake Turned Into A Blessing (ON-HOLD)Where stories live. Discover now