Kabanata 4

1.9K 92 15
                                    


" Ate........ " napatingin ako sa kapatid ko ng matapos akong mag kwento.

" You..... You like him? Kaya ka pumayag na makipag sex sa kanya? " she asked me

" Altheya I liked him! Liked! Past tense that was 5 years ago! Hindi na ngayon! Hindi ko nga alam baka epekto lang ng alak yon "

" Omygosh! So you gave your virginity to a man na hindi ka sigurado kung gusto mo? or gusto ka? " gulat na sabi niya at napatakip ng bibig.

" Shut up Altheya "

" Anong nangyari non pag ka gising mo ate? " tanong niya

" Wala na siya....."

" The hell? Iniwan ka niya?! Hindi mo man lang siya hinanap ate? "

" Hinanap ko siya Altheya, lalo na noong nalaman kong buntis ako kaso hindi ko alam kong nasaan siya. " sagot ko sa kanya

" He doesn't deserve to see Xyrone ate. He's bullshit! " galit na sabi ng kapatid ko

Napaisip ako sandali sa sinabi niya. Does he really deserve to see my son? I don't know why does Kyle keep saying that Xyrone is a mistake. Bakit? May girlfriend ba siya noon? Nadala lang rin ba siya ng alak ng mga gabing iyon? Pero hindi naman siya lasing noon. Hindi siya gaano uminom. Alam kong nasa tamang pag iisip siya noong may nangyari sa amin.

" Akyat na ako ate... Inaantok na ako " nahinto ako sa iniisip ko ng magsalita ang kapatid ko

" Goodnight.. " sagot ko

" Hindi kapa matutulog ate? May pasok kapa bukas ah?" tanong niya

" Susunod nalang ako. Sige na, matulog kana"

" Sige, ikaw bahala " sagot niya at nauna ng umakyat para matulog.

Maaga akong gumising dahil balak ko talagang maagang pumasok upang e check yung plates na ginagawa ko kahapon. Ipapakita ko pa kasi yun kay Mr. Lee.

Bumaba ako at dumiretso ng kusina para magluto ng almusal, tulog pa sila Altheya at Xyrone kaya nilutuan ko nalang sila para pag gising nila kakain nalang sila.

Matapos akong kumain ay bumalik na akong kwarto upang magbihis. Nag iwan nalang ako sa refrigerator ng note na maaga akong papasok sa trabaho in case na maghanap sila sa akin. Dumaan muna ako sa kwarto ng anak ko at hinalikan siya sa noo bago lumabas ng bahay.

I immediately get inside my car and drive towards the site. Medyo maaga pa naman kaya dumaan muna ako sa isang coffee shop para bumili ng kape. I went to the counter and ordered one cappuccino. I look for a table para hintayin ang order ko.

" One Cappuccino for Miss Katherine! " rinig kong sigaw sa counter kaya agad akong tumayo at lumapit para kunin ang kape ko.

Naglakad na ako palabas ng coffee shop nang may biglang bumunggo sa akin at nataponan ang uniform ko ng dala-dala kong kape.

" Omygod! Look what you've done! " rinig kong sigaw nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya

" Miss, tingnan mo nga ako? Natapunan yung uniform ko samantalang ikaw kunting tapon lang sa bag mo pwedi naman yang punasan" sagot ko sa kanya .

" Do you know how much is my bag bitch? Baka kahit habang buhay mo pagtrabaho'an ay hindi mo pa to mababayaran! Hindi ka kasi natingin sa dinara-anan mo la lampa-lampa" maarte niyang sabi kaya napaikot nalang ako ng mata ko.

Hindi ko na siya pinansin at nilagpasan ko nalang siya at dumiretso sa pinto para tuluyang lumabas.

Ang aga-aga ganun yung makakasalubong ko!

Mistake Turned Into A Blessing (ON-HOLD)Where stories live. Discover now