"Yes..."
I was run out of words immediately after I hear him answered. I already expected his answer since it is very visible based on what I just witnessed a while ago, but why does it still hurt?
Why?
I continue staring at him kahit na alam kong naguguluhan na rin siya sa matagal kong pagtitig.
I am staring to the man I loved. To the man who I dreamed to be at my side while we are building our family. To the man who is the father of my child.
But you know what is painful?
I think it will all remain as a dream because he just told me that he is already in relationship, and it's not with me.
"How long ---"
"Matagal na. Bago pa tayo magkasama sa trabaho ay may namamagitan na sa amin..." walang emosyong sagot nito at walang pasabing tinalikuran ako.
Hindi ko na nakayanan at tuluyan ng bumigay ang tuhod ko at kusa nalang akong napaluhod habang takip-takip ng dalawa kong kamay ang aking bibig upang pigilan ang kung ano mang ingay na lumabas dahil sa pag-iyak. Mabuti nalang at nakatalikod siya sa akin at ng hindi niya makita ang kalagayan ko.
Matagal na.
Matagal ng sila.
Anong ibig sabihin ng mga pinapakita niya sa akin?
Pinaglalaro-an niya lang ba ako?
Ang pag-amin niya ng nararamdaman niya, anong ibig sabihin ng lahat ng mga iyon?
Umasa pa naman ako. Umasa akong magiging okay na ang lahat hindi lang ng dahil sa akin kundi ng dahil na rin sa anak ko. Ayaw kong lumaki siyang hindi kompleto ang pamilya at walang tatay.
Siguro nga ganito talaga ang tadhana. Yung akala mong okay na ang lahat pero hindi pa pala.
Totoo ngang mapaglaro ka, pero
Do I deserve this pain? Do I deserve this kind of suffering?
Ano bang nagawa ko at parusahan ako ng ganito?
Masama bang hilingin na maging masaya?
Kasiyahang hindi lang para sa pansarili kong kagustohan kung hindi para rin sa anak ko?
Kahit nanghihina ang tuhod ay sinikap kong makatayo at ayusin ang aking sarili bago siya makabalik. Hindi rin naman nagtagal at bumalik siya ng may dalang isang baso ng tubig at iniabot sa akin iyon.
"Drink namumutla ka..." rinig kong sabi niya sa akin
Wala sa sarili kong kinuha ang tubig na inabot niya sa akin. Masyado pa ring malabo ang lahat o baka ayaw ko lang talagang intindihin at tanggapin ang mga ito?
Iniisip ko palang ang magiging reaksyon ng anak ko sa oras na malaman niya lahat ito ay parang nanghihina na ako.
"Mukang nakaabala pa ata ako sa inyo. Kukunin ko lang si Xyrone at mauuna na kami..." salita ko ng hindi makatingin sa mga mata niya kahit na ramdam na randam ko ngayon ang mga titig niya sa akin.
Pumihit na akong patalikod ng magsalita siya.
"Hailey is working to me..." wika niya kaya't naguguluhan akong napatitig sa kanya.
"I was looking for a private investigator that time when I noticed that the Lee's are planning something towards your family, when Hailey approaches me. She voluntarily said that she can be my eyes and ears towards her family. I don't know why..." paliwanag nito.
YOU ARE READING
Mistake Turned Into A Blessing (ON-HOLD)
RomantikMatatawag mo ba na mali ang bunga ng nagawa mong pagkakamali? He's not a mistake. He's a blessing - Katherine Juarez