My hands are shaking while driving to find another restaurant to eat. I felt my cheeks getting wet because my tears can't stop from falling.Did he recognized Xyrone?
Hindi na rin ako nakalayo at nakakita na rin ako ng pwedi kong kainan. Mabuti na rin dito at hindi masyado malayo sa site. Pumasok na ko at naghanap agad ng pwedi kong maupu-an. Maya-maya lang ay lumapit na sa akin ang waitress upang kuhain ang order ko.
I ordered one rice with sweet and sour fish. I also ordered vegetable salad and pineapple juice.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Namukhaan niya ba si Xyrone? Malabo namang hindi dahil halatang halata na magkamukhang magka mukha sila. At kitang-kita sa mga mga mata niya kanina ang pagkalito at pagkagulat ng masilayan niya ang mukha ng anak ko.
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko ng marinig itong tumutunog.
" Ate......" dinig kong salita ni Altheya sa kabilang linya
Bahagya akong kinabahan sa tono ng kanyang boses pero pinanatili ko parin kalmado ang boses ko ng sumagot ako.
" Ano yon? May nangyari ba? " pilit kong pinapakalma ang boses ko ngunit hindi pa rin nakaiwas dito ang panginginig.
" Muntikan na ate....."
" Ano? ..."
" Muntikan nya ng mamukhaan si Xyrone. Mabuti nalang at nahuli kong titig na titig siya kay Xyrone kaya bahagya ko nalang tinabunan si Xyrone para hindi niya makita..." rinig kong kinakabahan niya ring sabi
Medyo nakahinga ako ng maluwag matapos marinig ang sinabi ng kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit ngayon kinakabahan ako sa oras na makilala niya ang anak ko na kung dati ay gusto kong magkita na sila agad ngunit ngayon ay nagdadalawang-isip na ako.
Siguro dahil ito sa mga salitang sinabi niya sa akin. Na kung ako mismo ay nasasaktan na. Paano pa kaya ang anak ko?
Ngunit ipinangako ko sa kanya na bago siya mag lima ay ipapakilala ko na siya sa tatay niya. Sana matupad ko iyong pangakong iyon.
Maya-maya pa ay dumating na rin ang pagkain ko kaya nagsimula na akong kumain. Hindi ko pa ito naubos dahil hanggang ngayon ay nanghihina parin ang tuhod ko at medyo nawalan ako ng gana.
Matapos kong kumain ay agad na akong lumabas ng restaurant at nagdrive pabalik ng site.
Gustohin ko mang hindi pa muna bumalik ngunit kailangan dahil trabaho kong hindi iwan ang site.
Nakabalik na kaya si Kyle sa opisina?
Nasagot ang tanong ko ng pagpasok ko sa opisina ay nakita ko siyang prenteng nakaupo sa silya niya habang merong hawak-hawak na mga papeles sa magkabilang kamay.
Sandaling nagawi ang mga mata niya sa akin ngunit hindi rin nagtagal ay binalik niya rin ang tingin sa mga papel na hawak niya.
Hindi na rin ako umimik at dumiretso na ako sa lamesa ko at tahimik na umupo. Maya't maya ang tingin ko sa kanya ngunit kahit isang beses at hindi na nasundan ang tingin niya sa akin kanina.
Hindi ko mawari ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Maayos pa naman ang pag-uusap namin kanina ngunit bigla-bigla na lamang siyang nagkaganito.
Hinayaan ko nalang siya at nagpasya muna akong lumabas upang magpahangin. Habang naglilibot ako ay hindi parin mawala sa isip ko ang naging pakikitungo sa akin ni Kyle.
Hindi ko alam na pati lalaki pala ngayon ay paiba-iba na ng mood.
Nawala siya saglit sa isip ko ng makita ko si Manong na palaging nagbibigay sa akin ng meryinda na hirap na hirap sa kanyang dinadalang bakal.
YOU ARE READING
Mistake Turned Into A Blessing (ON-HOLD)
RomantikMatatawag mo ba na mali ang bunga ng nagawa mong pagkakamali? He's not a mistake. He's a blessing - Katherine Juarez