Lord,
Maraming salamat dahil hindi niyo ako pinabayaan sa taong 2020. Naalala ko yung panahon na umiiyak ako dahil baka hindi ako makapag-college pero salamat dahil pina-realized mo saakin na hindi ko kailangan mag worry dahil may mas maganda kang plano saakin.
Yung nag-apply ako sa mcdo as a Host pero nag lock-down dahil gawa nga ng COVID kaya ayun, nag-aral na lang ako ng bagong skills na pwede kong magamit para makahanap ng trabaho.
Lord, 5 months akong nakikinig ng mga vlogs na alam kong makakatulong saakin para mas lumago ang relationship ko sayo at magbago ang mindset ko.
Naging aware ako sa financial literacy. Thanks to Sir Chinkee Tan dahil madami talaga akong natutunan. Alam ko Lord, na ginamit niyo siya para madami akong matutunan.
Thank you Lord dahil sa inyo nagkaroon ako ng work as a Secretary kahit natatakot ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang aking dapat gawin pero sinamahan niyo ako sa Journey ko. Pinatunayan niyo na hindi niyo ako papabayaan Lord. 🥺
Eto din yung panahon na, I encountered you Jesus. Thank you po sa mga taong ginamit niyo upang mas makilala ko kayo.
Thank you Lord kase pina-realized niyo saakin na I should always be grateful sa mga blessings at wag akong mag worry sa mangyayari sa future dahil I know na may plano kayo sa buhay ko.
Buti na lang, nag-tiwala po ako sa inyo dahil mas lalong naging clear po ang vision ko kung ano nga ba ang gusto kong marating sa buhay na alam ko pong naka-align din po sa plano niyo saakin.
Hindi ko na po ma-imagine ang buhay ko na wala kayo. Opo, I know na simula po ako ipanganak ay ginagabayan niyo na po ako pero simula po ng 2020, dun ko lang po kayo nakilala until now, kinikilala ko pa din po kayo.
Ngunit hindi ko po na iwasang madapa at saktan ang puso niyo, Lord. Ilang beses na din po akong nagkasala. Nung medyo bago-bago pa lang po ako sa paglilingkos sa inyo, sobra ko pong kino-condemn ang sarili ko pero natutunan ko po na ayaw niyo pong patuloy po naming balikan ang aming mga kasalanan.
Nanlamig din po ako sa inyo, Lord. Ngunit, hindi ka po pumayag na mawawala ako sa piling niyo. Hindi po kayo nag give-up saakin sapagkat lalo niyong pinaparamdam kung gaano niyo ako kamahal.
May mga ilang tao ang naging dahilan kung bakit nahahadlang ang paglingkod ko sa inyo. Pasensya Lord, kung minsan hindi kayo madalas ang nangunguna sa buhay ko. Sabi ko sa sarili ko dati na kayo ang mangunguna sa buhay ko pero wala. I failed you many times Lord. Thank you for unending forgiveness and mercy Lord. You are da best.
Taong 2020, natutunan kong dumepende sa inyo. You love will never fails. Relationship with you is all I want. Mas naging clear yung vision ko kung ano ang gusto kong marating sa buhay. Thank you Lord! Patuloy niyo po akong gamitin upang maging silbing "LIGHT" sa ibang tao.
Sa taong 2021, alam ko pong kasama ko po kayo. More of you Lord. Less of Me. Tulungan niyo po akong lalong mas mapalapit sa inyo. Mahal na mahal Kita Lord. Never ka pong nagkulang. Salamat dahil you keep amazing me and never fail me. Patuloy niyo po akong baguhin! 🙌🔥🥺
YOU ARE READING
I am found by him
SpiritualCompilation of my journey of being a follower of Jesus, devotion, and personal thoughts Come and Join me! There's a purpose kung bakit mo nakita tong story ko and I know we can help each other. Pm me if you have a questions or you want an advice. ✨