Chapter 02

13 3 0
                                    


Bumaba na ako sa sasakyan ko and made sure na naka-lock ito. "Good morning V!" napalingon naman ako sa kaliwa ko at nakita ko si Reinier na nakangiti. I looked at my watch and saw that it's only 8am and ang class namin is at 10 am pa. 

"Good morning! Ang aga mo ah!"

"Syempre! Alam kong half Filipino ako pero hindi naman ibig sabihin nun dapat ay Filipino time din ako pumasok sa school!" sabi niya at nagtawanan kami. Natigil kami sa pagtawa nung tumunog yung phone niya.

"Excuse me, Lorie is calling me." He said and I just nodded. Lorie is his Filipina girlfriend na nag migrate dito sa US. "Good morning baby! How was your sleep?" napangiwi naman ako sa 'baby'. I don't have anything against that pero I just cringe at that call sign. And natatawa ako kasi ang nasa isip ko is 'baby=baby-tawan'.

"Ah yes! Nandito na ako sa school. I'm with V. Yes, yes. Bilisan mo na baby. I miss you and your lips. I can't wait to kiss you, tongue-locked—"

Oh please! It's too early for this! At tsaka naalala ko si Yvan grrr! Binilisan ko ang lakad ko at iniwan na si Reinier. Loko talaga yung isang yun. Kailangang iparinig sa'kin? Bwiset!

Dumiretso ako sa cafeteria to buy something to drink. I almost dropped my drink when I felt my phone vibrate. Sinagot ko yung tawag without looking at the id caller. "So tell me girl if every time we touch you get this kind of rush. Baby, say yeah, yeah, yeah, yeah yeah yeah. If you don't' wanna take it slow and you just wanna take me home. Baby, say yeah, yeah, yeah, yeah yeah. And let me kiss you~" umalingawngaw agad sa pandinig ko ang husky na boses ni Yvan habang kinakanta ang 'Kiss you' ng One Direction.

"Good evening, hon. I just finished eating. How was your sleep, my love?" dugtong ni Yvan pagkatapos ng maka-tindig balahibo niyang bungad sa'kin. 

"Good morning, hon. I had a very good night sleep. Syempre kinantahan mo ako eh. Nandito na nga pala ako sa school—V!" napalingon ako sa tumawag sa'kin na dahilan ng pagkaputol ng sasabihin ko. 

"Sino 'yun hon?" dinig kong tanong sa akin ni Yvan sa kabilang linya.

"Ah, si Reinier hon."

"Magkasama kayo?" kalmadong tanong niya sa'kin pero alam kong nakakunot na naman ang noo nun. 

Plano ko sana magpaka-pilosopo kaso baka magalit mukha pa namang badtrip. "Ah oo, hon. Napaaga kasi yung pag pasok niya. Hinihintay namin si Lorie" sagot ko naman "Hooonnn~" malambing kong tawag sa kanya.

"Yep?" 

"I love you, hon." Nakangiti kong sabi sa kanya na para bang nakikita niya ako. 

"Oh please, V!" tumatawang side comment ni Reinier. "Pakialam mo ba? Kanina nga may pa-'tongue-locked' ka pa na pinagsasabi eh. Tsaka, eh sa mahal ko jowa ko kaya gusto ko mag-I love you. Wala kang pake" Mataray kong sagot sa kanya.

Narinig ko namang tumawa si Yvan sa kabilang linya. "Hon, kalma. I love you so much more." Medyo natatawa pa ring sagot ni Yvan. Wala akong pakialam kung cheesy pakinggan. Ang mahalaga ay maalis ko kay Yvan ang selos niya at ma-assure ko siya na siya lang ang mahal ko kahit na magkalayo kami.

"How was your day? You only had two classes for today, right?"

"Yes hon. But it was very tiring because 4 hours with you know, Mr. Buko Juice." Pertaining to his auto cad professor. He calls him 'Mr. Buko Juice' because one time, in the middle of their discussion, nauhaw raw yung prof nilang 'yun at inutusan siya na bumili ng buko juice sa cafeteria nila. Tawang-tawa ako nung kinuwento niya iyon sa akin.

"Awww. May natutunan ka naman ba? Baka inisip mo lang ako nang inisip ha?" pabiro kong tanong.

"Hon..." seryoso niyang tawag sa'kin. Medyo kinabahan naman ako sa ka-seryosohan ng tono niya. Bibihira lang 'to magseryoso eh. "Uhmm yes, hon?"

"How did you know?"

"Huh?"

"How did you know?"

"What do you mean?"

"How did you know? That I've been thinking about you all day?"

"Yvan!!" frustrated kong tawag sa pangalan niya habang narinig ko na naman yung tawa niya. Pa'no naman kasi.. ang seryo-seryoso niya. Akala ko naman kung ano na! Lakas ng moodswing shuta may mens ata 'to eh.

"HAHAHAHAHAHAHA I love you"

"Che!"

"Pero hon, kidding aside, inisip talaga kita buong araw"

"Luh? Bakit ako?"

"Malamang sino ba girlfriend ko? Gusto mo ba na ibang babae isipin ko?"Ay aba!

"Subukan mo, puputulin ko 'yan na pinagmamalaki mo" pananakot ko.

"Alin? Yung junior kong nakatayo ngayon kasi naiisip na naman kita at naaakit ako sa boses mong mataray?" shuta! Ang bastos talaga ng bibig neto!

"Yvan! Ang bibig mo ha! Umagang-umaga nagkakalat ka!"

"Hon, gabi na rito kaya pwede ako magkalat"

"Bwiset ka talaga! Palagi kang may sagot pasalamat ka mahal kita at—" naputol yung sasabihin ko nung kinalabit ako ni Reinier at bumulong, "Andun na raw sa room yung prof natin"

WHAT? I looked at my watch and it says 9:30 am. Ang bilis naman ng oras! At saka ang aga naman ni Ma'am!

"Hooooonnn.. I think I have to go. Nandoon na raw sa room yung prof namin sa Income Taxation. Kainis naman! Nage-enjoy pa ako kausap ka eh" nagmamaktol kong sabi kay Yvan.

"uwu. Okay lang 'yan mahal. I'll call you again later. Maaga rin ako matutulog 10:30pm na rito eh. Tsaka para gising rin ako mamaya pag-uwi mo. Makinig ka sa profs mo ha. I love you, hon."

"Okay. Sleep well mahal ko. I love you more, hon. Dream of me."

"I love you most, hon. Sige na ikaw na mag-end ng call. Take care there"

"Yes, you too, hon. Take care. Mwa" sabi ko at saka ini-end yung call.

I took my bag and placed it on my shoulders. At sabay kaming nagmamadaling naglakad ni Reinier papunta sa room. ANG AGA KASI NI MA'AM! UGH! KAIRITA! CHZ


A/N: HAPPY NEW YEAR!!! LUCKY COLORS FOR 2021 ARE: YELLOW, WHITE, GRAY/GREY, AND GREEN 

Sa Susunod na Habang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon