Chapter 04

5 3 0
                                    


"HAY SALAMAT" sabay buntong-hininga ni Lorie nang makalabas na ang prof namin. Nagstretch naman ako. Grabe nangalay buong katawan ko. Imagine, three long hours na nakaupo, kaloka!

After stretching, I fixed my tucked-in cream chunky oversized v-neck button-up cardigan paired with faded blue pants and beige ankle boots. Nang masigurong okay na ang itsura ko'y kinuha ko na yung black Chanel Boy handbag ko.

Biglang ikinawit ni Lorie yung braso niya sa kanang braso ko na ikinareklamo naman ni Rein.

"Hoy ano 'yan? Bakit kay V ka clingy? Pa'no ako? Break na tayo hmp" madalas talaga ang lakas ng topak ni Reinier. Napangisi naman ako sa sinabi ni Rein.

"Sus! Edi kumawit ka rin sa left arm ko" sabi ko sa kanya sabay offer nung kabilang braso ko. Ngumiti naman siya ng malaki tapos sabay bulong ng "yey". See? Lakas ng topak diba?

"Pabebe ka pa, gusto mo lang din mag-cling kay V" sabat bigla ni Lorie then she rolled her eyes.

"Syempre! Hindi pwedeng ikaw lang maging clingy kay V" I looked at Lorie and she just rolled her eyes for the second time. Natawa ako sa ginawa niya. Bilib din talaga ako sa dalawang 'to. Kung hindi lang ako naging saksi sa love story ng dalawang 'to, iisipin ko na hindi seryoso ang relasyon nito.

They've been together for almost a year now. The three of us were also classmates last year. Then, we were grouped together in one subject where we became close and later on, became best friends. Reinier fell in love with Lorie. He actually fell in love at first sight kaso he just realized it late. I knew that he loves Lorie even before we became best friends. Halata naman eh, or maybe ako lang nakahalata? I'm a very observant person even though maingay ako. I don't know how I do it pero ganun talaga ako. Sabi nila, usually raw kasi, ang observant na tao ay tahimik. Well, news flash, observant ako even though maingay ako.

So ayun, late na-realize ni Reinier na he's inlove with Lorie—which is totally normal kasi kadalasan ay late nare-realize ng taong in love, na in fact in love pala siya kasi they're so engrossed with the attention they're giving dun sa taong gusto nila kaya hindi nila napapansin yung totoong nararamdaman nila or kaya naman in-denial lang talaga sila. As a result, mas nauunang mapansin or malaman ng ibang nakakakita. 

When Reinier finally admitted that he's in love with her, he talked to me and asked me kung ano dapat ang gawin niya. I can still remember our conversation that time.

"V, secret lang natin 'to ha? Ganito kasi..ano.. uhmm"

"Ano?"

"Ano.."

"Ano? Ano? Ano?"

"Uhmm..eto na talaga.. ano kasi.."

"Leshe ka sabihin mo nalang. Puro ka 'ano' eh. Batukan kaya kita?"

"Eto na nga eh..WOOOH!"

"In love kasi ako kay Lorie"

"Oh tapos?"

"Anong 'oh tapos'? I mean hindi ka man lang ba magugulat or what?"

"Hindi. Halata naman eh"

"WHAT? HOW?"

"What? Sabi ko halata naman na gusto mo yung isa pa nating best friend. How? Hindi ko alam kung halata ka or observant lang talaga ako pero I see how you look at her with so much love in your eyes. Yung smile mo sa kanya iba compared sa smile na binibigay mo sa'kin. Iba rin yung aura mo kapag siya ang pinag-uusapan natin. Iba yung reaction mo everytime na may lalapit sa kanyang lalaki compared sa reaction mo kapag may lalapit sa'kin na lalaki—take note, mas madalas lumapit sa'kin yung boys para manligaw. My point is alam mong may boyfriend ako sa Pinas. Nagagalit ka kapag may lumalapit sa'kin para manligaw pero mas OA ka pa rin kapag may lumalapit kay Lorie kahit na kakausapin lang naman siya. Bukambibig mo rin siya almost all the time na magkasama tayo tapos—"

Sa Susunod na Habang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon