Chapter 08

4 2 0
                                    


"Waaahhhhh mga pamangkin kong imported!!!" bungad kaagad sa'min ni auntie na ikinatawa naman ni uncle.

"Pa! Si mama oh isip-bata na naman!" tila napapahiyang pagsusumbong ni kuya Lenard kay uncle

"Magulat ka anak kung hindi isip-bata ang mama mo—ARAY!" nagtawanan kami kasi biglang kinurot ni auntie si uncle dahil sa sinabi nito.

"Haistt, ewan ko sa inyo. Dyan na nga kayo. Imported amp" bulong pa ni kuya bago pumasok sa bahay.

"I heard you Lenard ha! Kukunin ko susi nitong kotse mo!" sigaw ni auntie. Natawa naman kami. We all know how much kuya hates taking public transportation kasi raw sobrang init and all. Kaya nga binilhan kaagad siya ng sariling kotse nung mag-18 siya. Daig pa babae ih.

"MA! UGH!" rinig naming reklamo ni kuya from inside their house. Napailing nalang sila auntie habang kami ni ate ay tumawa ulit.

"Batang 'yun talaga, oo. Sige na, halina't pumasok na kayo."

**

"Kumusta naman ang pag-aaral mo?" tanong sa akin ni auntie habang kumakain kami ng ice cream.

"Okay—" naputol ang sasabihin ko nang sumabat bigla si ate.

"Nakuu!! Okay na okay po auntie! Dean's lister po 'to eh" pagmamalaki ni ate sa akin.

"Ikaw ba ang tinatanong steph ha? Ikaw ba?" pambabara ni kuya

"Eh ikaw rin ba ang kinakausap ko ha? Ikaw ba?"

Napuno ng tawanan ang hapag-kainan dahil sa naging sagutan ng dalawa.

Auntie asked more about our studies. Kinumusta rin nila sila Mommy and Daddy hanggang sa napunta sa usapang lovelife.

"Oh kumusta naman kayo ni Chris? Going strong pa rin ba? Naku nakakatuwa kayong dalawa. Ang tagal niyo nang magkasama 'no? Who would have thought na magiging magboyfriend-girlfriend kayo eh dati dinadaan-daanan niyo lang ang isa't isa."

Nasamid si ate kaya agad-agad siyang binigyan ni auntie ng tubig.

"Okay ka lang?" tanong pa ni auntie kay ate habang hinahagod ang likod nito. Magkatabi kasi sila habang nasa kabisera naman si uncle. Sa right side ni uncle ay nandoon si auntie at si ate habang sa left side naman ay si kuya Lenard at katabi ni kuya ay ako.

"Ah, opo auntie. Thank you po"

"So yun, balik tayo sainyo ni Chris, Nyx. Kumusta kayo?" Everyone calls him Chris (obviously excluding me) kasi 'yun yung gusto niya.

According to him, he doesn't like his second name. But, since ako naman yung tatawag nun sa kanya, okay lang daw. I'm the only exception. Kaya naman, I'm the sole person who is 'allowed' to call him Yvan. The rest, Chris ang tawag sa kanya. Corny 'diba? Pero kinilig ako.

Chos.

"Okay naman po. Medyo nakaka-adjust na ako sa LDR kaso mukhang siya hindi pa gaano"

"Sus, maniwala" bulong ni ate kaya mukhang sinipa siya ni kuya sa ilalim ng mesa kasi napa-aray siya matapos niya sabihin iyon.

"Ganun ba? Mahirap talaga kasi ang LDR. Tiwala ang pinakakalaban niyo dyan. Kailangan magtiwala kayo sa isa't isa. Pero syempre bukod doon ay dapat 'wag din gagawa ang isa sa inyo ng bagay na ikasisira ng tiwala ng partner."

"Tama ang auntie niyo. Kailangang kailangan ang tiwala sa isang relasyon. Magkalayo man o hindi. Trust is the foundation of all relationships. If you don't trust a person, you won't open up to them, right? If you don't trust a person, you will not be comfortable around them, right? If you don't trust a person, you will not converse with them. And if you don't open up, you are not comfortable, and you do not talk to them, no relationship will be built, am I right?"

Sa Susunod na Habang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon