Chapter 3

138 12 0
                                    

*Toot* *Toot* biglang tumunog ang cellhpone ko.

Natandaan ko na sibi ng pala ni Rusty na magtetext siya sa akin ngayon.

Agad kong kinuha ang cellhpone ko at tiningnan ko na agad ang inbok ko.

From: 09*********

'Miyo gising ka pa ba?'

'ako 'to si Rusty'

Agad naman akong nagreply sa kanya baka kasi hinihintay niya eh. Habang nagtetext ako, napapangiti ako. Baliw na ata ako, nangiti ng walang dahilan.

Ang tagal naming magkatext, yun bang di na nagkikita dahil sa dami naming pinag-uusapan about sa aming sarili. Bakit ba naging close ako sa taong ito? Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito, kasi naman nagkakilala lang naman kami dun sa rooftop.

From: Rusty 

'Salamat nga pala sa lahat. Baka nung araw na di mo ako pinigilan sa rooftop, ngayon baka patay na ako. Sobrang saya ko talaga dahil nakilala kita at gumaan na din ang mga problema ko'

Anong ibig sabihin niya dun sa 'Problema ko' kahit na magkatext kami ngayon, wala siyang nasasabi na about sa problema niya. 

"Ano bang problema mo?" sinend ko agad ito sa kanya

'Huwag mo na yong isipin. Tulog ka na. May pasok pa tayo bukas'

"Sige, good night" pagkasend ko nito dapat papatayin ko na ang cellhpone ko ng nakatanngap ulit ako ng isang message galing kay Rusty. Agad ko naman itong binuksan. Ninja Moves!

'Dadaanan kita bukas ng 6:00AM sa inyong bahay. Dapat bihis ka na. Good Night

Di ako makatulog dahil sa sinabi niya. Parang namumula na ata ang mukha ko ngayon na mas mapula pa sa isang crayola.

Habang iniisip ko ang mga magagandang sinabi niya, biglang pumatak ang luha ko. Ewan ko ba, basta pumatak lang agad yung luha ko na parang nag-uunahan pa sa paglabas sa aking mga mata. Mabuti na lang nakilala ko siya, kasi kung hindi baka hindi ko pa din nakakalimutan yung taong dapat kinalumutan ko na.Nagtakip na lang ako ng unan at doon ko na lang nilabas ang lahat ng luha ko na parang hindi nauubusan ng tubig.

Nagising na agad ako. 4:43 AM ! ang aga! Di na ulit ako natulog dahil natandaan ko na dadaanan nga pala ako dito ni Rusty, ang taong nagpasaya sa akin.

5:50AM natapos na ako at nandito ako sa may tapat ng gate at hinihintay ko siya. Sana di niya mahalata yung mata ko. 

Dumating na agad si Rusty at napansin na agad niya ang mata ko at tinanong ako. Sinabi ko na lang na napuyat ako kagabi, ayoko kasing mag-alala pa siya sa aking pag-iyak at mabuti na lang at di na din siya nagtanong.

Tinigil niya ang sasakyan niya sa may Angel's Burger at sabi niya sa akin na dito muna ako sa sasakyan. Bumalik na agad siya na may dalang 2 burger, binigay niya sa akin yung isa at yung isa naman ay kinain niya.

"Gusto mo pa ba ng cheeseburger?" tanong niya sa akin ng naubos ko na yung cheeseburger ko. 

"Busog na ako" pero ang totoo, gusto ko pa ng cheeseburger. Paborito ko kasi ang cheeseburger eh.

"Sigurado ko ba? Diba paborito mo ang cheeseburger" nalaman niya na paborito ko yon kasi napag-usapan din namin yung mga paborito kagabi sa text.

"oo" umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at nagpunta na agad kami sa school.

Pagkababa niya sa sasakyan, pinagbuksan niya ako ng pinto at dinala niya yung bag ko. Yung mga taong nadadaanan namin at nagtitingin nila kaya naman napatunggo ako. Nakakahiya kasi eh. Kinukuha ko yung bag ko sa kanya pero ayaw ibigay sa akin tapos inakbayan pa ako. Bakit ganito siya?

One WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon