Chapter 4.2

106 8 5
                                    

Ano yon? Lalapitan ko na sana kung asaan yung album at tingnan pero napatigil ako. Baka kasi ako masaktan o malungkot kapag tiningnan ko yon. Bumaba na ako sa Tree House ng di nagsasalita.

"saan ka pupunta?" bumaba din agad si Rusty sa Tree house at sinundan ako.

"uuwi na ako" 

"Huwag muna please" 

Tumingin ako sa kanya ng diretso "bakit?"

"K-kasi gusto muna kitang makasama" napakamot siya sa ulo niya at ngumiti sa akin.

Namula din naman ako dun sa sinabi niya "s-sige"

Tumakbo kaming dalawa papunta sa bahay nila at nakita namin si Mommy Scarlet na nasa living room na nakaupo na parang may hinihintay.

 Tumayo si Mommy Scarlet at lumapit sa amin "Miyo mabuti at bumalik ka dito.  Nakatext ako sa mommy mo at sinabi kong nandito ka at tinanong ko siya kung pwede ka muna ditong matulog sa amin. Gusto kasi kitang makilala. Pumayag naman ang mommy mo at dinala dito kani-kanina ang mga damit mo."

"So it means na dito tutulog sa bahay si Miyo!" sabat naman ni Rusty

"oo naman" ngumiti siya sa amin "Sa kwarto ni Pink matutulog si Miyo. May isa pa naman na bed doon eh para sa mga guest" 

"Sino po si Pink?" tanong ko naman sa kanila

"Little Sister" sabi ni Rusty sa akin

"huwag kang mag-alala Miyo, friendly naman si Pink eh. Grade 4 pa lang siya" tinapik naman ako ni Mommy Scarlet sa balikat "Rusty dalhin mo muna yung gamit ni Miyo sa room ni Pink" tinuro ni Mommy Scarlet kay Rusty yung bag at dinala papunta sa room ni Pink.

Sumunod ako kay Rusty para makita yung room "Asaan si Pink?" 

"Baka nakikipaglaro sa bahay ni Lily" 

"Kuya! Kuya!" sigaw ng isang babae mula sa malayong lugar. Baka yon na nga si Pink.

Bumukas yung pinto "Kuya! bakit ka nasa room ko?" napatingin siya sa akin "Hello po!" ngumiti siya sa akin at yinakap ako

"Siya si Pink" Sabi ni Rusty. Napatingin na ulit ako kay PInk na hanggang ngayon, nakayapos pa din sa akin.

"Kayo po ba si Miyo?" tanong ni Pink 

"oo bakit?" argh. Ngayon ko lang nahalata na magkasing height kami.

"aha! Kuya siya ba yu-" tinakpan ni Rusty yung bibig ni Pink 

"sshh.." bulong ni Rusty kay Pink habang tinatakpan niya pa din ang bibig ni Pink

Anong meron? 

--------------

Gusto niyo na po bang mabasa ang chapter 4.3 ?

One WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon