Chapter 5.1

34 2 0
                                    

"Happy Birthday!!" 

"Thank you. Sinong gumawa ng lahat ng ito?" Tanong sa amin ni Rusty 

Tinuro ko si Rusty at lumapit naman siya sa amin at yinakap kami. Parang tunay ko din siyang ina, kasi sobrang bait niya sa akin at tinuturing niya akong anak. Tapos sobrang ganda pa. Napapangiti ako kapag nakikita ko yung ibang nakangiti. Sobrang saya ng lahat. Nagtatawanan at nag-aasaran.

Hinila ni Rusty ang mommy niya papunta dun sa may Tree House. Di pa daw kasi yon nakikita ng mommy niya pati nilagyan na din niya yung Tree House ng decorations. Nasa Tree House sila na nagsasaya at ako naman, nandito sa ibaba ng puno at nakaupo. 

"Ate Miyo! Tara maglaro!" sigaw ni Pink

Tumayo na lang ako at umakyat sa Tree House. 

"Ok ka lang ba?" Tanong ni Rusty sabay abot ng isang basong tubig

Ininom ko yung tubig na bigay niya "ok lang ako"

Iniwan niya na ako dito at nagsaya na sila kasama yung mommy niya.

Bumalik na ulit kami sa bahay at nagpahinga. Nakikipaglaro pa nga sa akin si Pink, kaso parang wala ako sa mood. Ewan ko ba kung bakit. Kinakabahan ako, paano kung konting araw lang kaming magkakasama. Paano na ako, paano na siya. Umiikot na naman ang pagka negative mind ko. 

Hinatid ako ni Rusty pauwi sa bahay at siya na din ang nagdala ng bag ko. Sobrang bait niya talaga. Sana laging ganito na lang. 

One WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon