Chapter 4.3

40 3 1
                                    

Nandito na ako sa kwarto kasama si Pink, katatapos lang naming maghapunan, ang bait nila. Hanggang ngayon, naiisip ko pa din yung nangyari kanina, ano bang meron? bakit ba tinakpan ni Rusty yung bibig ni Pink kanina? may hindi ba dapat akong malaman?

"Ate Miyo pwede po bang magtanong?" umupo siya sa tabi ko at tumingin sa akin. 

"anong itatanong mo?" 

"ah eh. Huwag mong sasabihin kay kuya ha? kasi kapag nalaman niya, magiging dragon siya." napatawa ako dun sa sinabi ni Pink. Dragon? Di naman ata eh.

"sige na nga. Hindi ko sasabihin. Promise" 

Tumingin sa akin si Pink ng seryoso. Magkamukha sila ni Rusty. "may gusto ka ba kay Kuya?" 

Hindi ko alam ang isasagot ko. Biglang kinakabahan ako. Hindi ako makatingin sa kanya ng diresto. "ah ka-"

*Knock**knock*

"Gusto niyo ba ng pizza?" tanong ni Rusty habang hawak ang telepono 

"sige sige!" tumakbo si Pink at lumapit kay Rusty habang nakatingin sa akin. Parang may binubulong si Pink kay Rusty? 

Hinihila ni Pink si Rusty papunta sa direksyon ko. Ano bang nangyayari? "Kuya! tara usap-usap muna tayong tatlo habang hindi pa dumadating yung pizza!" 

"Huwag mo nga akong hilahin, hindi mo naman ako kayang hilahin. Ang liit mo kaya" binuhat ni Rusty si Pink at pumunta dito.

"Ate Miyo, alam mo ba na may nililigawan na si Kuya!" tumalon-talon si Pink dun sa tapat ko.

"Hindi. Wala naman siyang sinasabi sa akin eh" tumingin ako kay Rusty pero tumingin naman siya sa ibang direksyon

"Kuya di mo pa ba sinasabi sa kanya?" 

"Bakit hindi mo pa sinasabi sa akin? Kung sino man yang nililigawan mo, ang swerte niya sayo kasi ang bait-bait mo!" ano bang sinasabi ko? sinasaktan ko lang ang sarili ko eh.

"ha? nagplaplano pa lang ako sa panliligaw. Di pa ako nag-uumpisa kasi kinakabahan pa ako." 

"aahh" may kinuha ako sa bag kong libro at nagkunwaring nagbabasa. Umalis na agad si Rusty at natira na lang kami dito ni Pink. Di na din ako kinausap ni Pink kaya naman nagbasa na ako.

Pumasok ulit si Rusty na may dalang pizza sa kwarto ni Pink kung asaan ako at si Pink. Ang laki nung pizza. Kaya ba naming maubos ito? 

Nakain ko lang ay 3 slice ng pizza, di ko na kasi kaya eh. Natulog agad ako. Bukas, birthday na ng mommy ni Rusty. Ano kayang sasabihin ko sa kanya bukas?

-----------------------

Gusto niyo na bang mabasa ang Chapter 5?

One WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon