Chapter One

230 16 3
                                    

Lagi na lang ako mag-isa sa school. Lagi na lang akong nakaupo sa silya at tumitingin sa malalayong lugar na para bang laging may dinadalang problema na hindi kayang mabitawan. Lagi na lang akong pinagbublungan ng ibang tao kapag nadaan ako. Ano bang meron? Loner lang naman ako eh.

Walang teacher na dumating ngayon kaya naman nagdrawing na lang ako sa likod ng notebook ko habang yung ibang tao ay may sari-sariling ginagawa para maaliw ang kanilang sarili.

Tumingin ako sa kanila at nakita ko na nagform sila ng malaking bilog at may bote sa gitna. Lahat sila nakaupo sa sahig at para bang may hinihintay.

"Miyo! Sumali ka dito!" sigaw sa akin ni Yunnie

Tumingin ako sa lahat at nakita ko na nakatitig sila sa akin. No choice na. kailangan ko ng sumali ayoko din naman kasing masabihan na KJ ako. 

Umupo ako sa sahog at parang hindi sila makapaniwala na sumali ako. Ano bang meron? "Game na ba?" tanong ko sa kanila. Wala kasing nagsasalita eh.

"geh! game na!" mag-uumpisa pa lang sana ng nag-ring ang bell. Recess na ngayon, mabuti na lang at nakapagdala ako ng pagkain.

Nagpunta muna ako sa rooftop at dinalo ko din naman ang pagkain ko at isang notebookna pwede kong pagdrawingan para naman may magawa ako.

Biglang may isang lalaki ang nagpunta sa may likod ng rooftop. Nacucurious ako kaya naman tiningnan ko siya sa likod. Nanlaki ang aking mata na nakita ko siya na parang may balak na tumalon dito hanngang sa ibaba. Nakita kong naiyak siya, di ko alam ang gagawin ko kaya naman..

"Itigil mo yan!" napasigaw ako at tumingin siya sa akin na parang nabigla. 

Lumapit siya sa aking na parang galit at hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit kaya naman napapaiyak na ako sa sobrang sakit.

"Di ko na kayang mabuhay dito. Puro na lang problema at huwag mo akong pakielaman" binitawan na niya ang kamay ko at umupo sa sahig.

Umupo ako sa kanyang tapat at tumingin sa kanya ng seryoso "Di lang naman ikaw ang may problema eh. Lahat ng tao ay nagkakaroon ng problema. Desisyon mo na lang yon kung gagawa ka ng paraan para maalis ang problema mo o wala ka lang ginagawa kundi takbuhan ang mga ito. Huwag mo kasing isipin na madami kang problema. Tandaan mo, walang taong ginusto na magkaroon ng problema"  Tumayo agad ako at ibinigay ko sa kanya yung panyo ko. Naluha kasi siya eh. Ayoko kasing may nakikitang umiiyak. "Sayo na lang yang panyo. Punasan mo ng panyo ang mga luha mo. Walang naiitulong sa problema ang pag-iyak at ayoko ding may nakikitang umiiyak." Tumalikod na agad ako sa kanya at naglakad na ng palayo.

"Ano bang pangalan mo?" napakinig ko ang boses niya at hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papuntang classroom.

Dumiretso agad ako sa upuan ko ng makarating sa loob ng classroom. Araw-araw laging ganito na lang eh. Laging mag-isa lang ako. LONER nga talaga ako. Sana may maging kaibigan ako.

Uwian na. Pumunta muna ako sa locker para ilagay yung ibang notebook. Kokonti na agad ang tao dito, nag-uwian na agad sila. Umalis na agad ako sa school at tumawid na lang agad ng di ko tinitingnan kung may dadaan bang sasakyan o wala.

Beep! Beep!


Tumigil ako sa paglalakad at tumingin dun sa sasakyan na bumusina sa akin.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! mabuti na lang at inihinto ko ang sasakyan kung hindi eh mababangga ka!" lumabas yung lalaki sa sasakyan at nakita ko siya yung lalaking gustong tumalon dun sa may rooftop kanina.

Tiningnan niya lang ako. Di na ulit siya nagsalita. Now it's my turn to talk.

"eh bakit mo inihinto ang sasakyan? mas mabuti pa nga ata kung mabangga ako eh. wala akong pakielam kung mamamatay agad ako o hindi" tumingin ako sa kanya ng masama.

Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko na parang 3 inches na lang at magkakapalit na kami ng mukha.

"Teka lang, ikaw yung babaeng pumigil sa akin kanina diba? sorry kung nasigawan kita ha?" ginulo niya ang buhok ko na para bang close na kami sa isa't-isa

"Huwag mong guluhin ang buhok ko. Di tayo close"

"Ah okay. Pauwi ka na ba? ihatid na kita" Di ko na lang siya pinansin at naglakad ng papalayo. Ayoko kasi ng mga mahahaba pang usapan eh.

Naramdaman ko na may humawak sa kanang kamay ko kaya naman napalingon ako at nakita ko siya nakangiti sa akin.

"Ihahatid na lang kita sa inyong bahay"

"Sige" pinagbuksan niya ako ng pinto doon sa tabi ng Driver's seat. Parang sobrang bait niya. Ang swerte ng girlfriend niya. Ang alam ko may girlfriend siya kasi sobrang pogi niya at impossible naman na single ang poging nilalang na ito.

Sinabi ko sa kanya kung saan ako nakatira at tinuro ko din kung saan pwedeng dumaan. Baka kasi di niya alam yung daan eh.

"Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin

"Hannah Miyo Velasco"

"Ako naman si Rusty Lopez" tumingin siya sa akin at ngumiti tapos tumingin ulit sa pagdadrive.

"Anong grade mo?"

"Dami mong tanong" biglang walang nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.

"Thank you"

"Geh. Mag-ingat ka ha? Bye" pinaandar na niya ang sasakyan niya at umalis na.

Bakit parang nagbago na ang lahat ng makilala ko siya? pumasok agad sa aking isipan ang mga linyang 'Bakit ko ba siya nakilala?'. Ngayon lang kami nag-usap,nagkakilla,nagkita pero bakit? Ang dami kong tanong sa sarili ko na mahirap malaman ang pinaka sagot. Akala ko invisible lang ako sa paningin ng mga tao. Siya pa lang ang taong nakipag-usap sa akin ngayong taon.

-----------------------

Gusto niyo na bang mabasa ang Chapter 2?

One WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon