Kabanata 2

3.5K 114 5
                                    

Makalipas ang ilang araw, tila lalong kainip-inip ang mga dumadaang araw kay Lucas. Gustong-gusto na niyang bumalik sa lupa. Namimis na niya ang gabing madilim.

Sa Purgatoryo kasi ay lumilipas lamang ang araw ngunit walang gabi. Wala rin siyang nakikitang madilim na bahagi maliban sa aura ni Lucifer na madilim at napakatingkad nitong tingnan dahil naiiba ito sa lahat na naroroon.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang napapansin niya kay Lucifer. Hindi naman ito nakasuot ng maitim na kasuotan subali’t nadidiliman siya sa imahe nito. Marahil dahil sa mga anghel na nakakasilaw ang kaputian ng mga aura.

Nagkasabay sila ni Tenshi na naglakad. Akala niya’y siya lamang ang nahuli. Masakit kasi ang katawan niya kaya tinamad siyang bumangon kanina. Panay ang sipat ni Tenshi sa mukha niya.

“Anong nangyari sa mukha mo?” hindi natiis na tanong nito.

“Ah ito ba? mga tama ito ng kamao ni Aero kahapon. Masyado bang halata ang pasâ ko?” natatawang saad niya.

“Halatang-halata, pero hindi naman natabunan ang orihinal mong mukha,” anito.

“Guwapo pa rin ba?” mayabang na tanong niya. Ngumiti lang si Tenshi.

Nang malapit na sila sa silid aralan nila ay may nasalubong silang dalawang anghel na lalaki na may gintong mga pakpak. Napansin niyang yumukod si Tenshi at gayon din ang dalawang anghel. Hindi tuloy niya alam kung dapat din ba siyang yuyukod.

Nakaalpas na lamang ang dalawang anghel ay hindi manlang siya naka-yukod. Nagpatuloy sila sa paglalakad. “Teka, sino ba ang mga iyon at parang ang taas ng respeto mo sa kanila?” usisa niya.

“Mga Archangels sila na nagmula sa sina-unang henerasyon. Kabilang ako sa angkan ng mga Archangel na may mataas na antas. Kung sa tao, kami ang mga dugong bughaw,” anito.

“Kung isa ka sa mataas na Anghel, bakit kailangan mo pang mag-aral sa Akademia para magkapakpak?” tanong niya.

“Itinatag ang Caelum Akademia para sa lahat ng antas ng mga Anghel. Dito sinusukat ang kakayahan ng isang Anghel kung nararapat ba siya sa kanyang lahi. Ginusto kong mag-aral upang mas maging karapat-dapat ako na papalit sa puwesto ng aking ama. Magiging pinakamataas na Archangel ako pagdating ng araw,” kuwento nito.

“Masyado namang kainip-inip ang ganyang buhay. Siguro naiinip ka rin kaya mas gusto mong mag-aral sa Akademia,” aniya.

“Gusto ko ng excitement at natagpuan ko iyon sa mga nakikilala ko sa loob ng Akademia. Minsan naman hindi iyon sapat. Pakiramdam ko ay kulang pa rin ako. Kung may lugar lamang na mas exciting kumpara sa Akademia ay aalis ako rito,” anito.

Naka-isip tuloy siya ng hindi kanais-nais na plano. “Gusto mo ng mas exciting na lugar? Bakit hindi mo subukan sa mundo ng mga tao?” suhisyon niya.

Napatingin ito sa kanya. “Paano naman tayo makakapunta roon? Hindi tayo basta makakalabas sa Caelum Akademia,” anito.

“Huwag kang mag-alala. May tip sa akin si Lucifer kung paano tayo makakapunta sa mundo ng mga tao. Hindi natin pu-puwersahin ang kinauukulan ng Akademia para palabasin tayo.”

“Ano’ng plano mo?” tanong nito.

“Trust me. May pagkakatuwaan lang tayo. Easy lang,” aniya. Nakuha naman kaagad ni Tenshi ang nais niyang ipahiwatig.

Pagpasok muli sa silid aralan. Napapalapit na si Lucas  kay Tenshi na minsan ay nakakabiruan na niya. Nang dumating na ang Guro nila at nagsimula nang maglitanya ay sinimulan na rin niya ang kalokohan.

Habang nagsasalita si San Pedro ay tinitigan niya ang aklat na hawak nito. Iniisip niya na sasaklob iyon sa mukha ng Guro. Sa isang iglap ay natatakpan na ng libro ang mukha ng Guro nila at huminto ito sa pagsasalita.

The Chronicles of the Fallen Angels 'Lucas Hermania' The Caustic Cherubim (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon