Kabanata 6

2.3K 86 0
                                    

Otchinta’y-sinco na lamang ang nalalabing araw na mananatili si Lucas sa lupa. Habang lumilipas ang mga araw aytila nahihirapan siyang protektahan si Zaira mula sa mga diablo at wala pa siyang nagagawa upang mapalapit ito sa mga magulang nito.

Habang tulog pa ang dalaga ay umalis siya upang hagilapin ang magulang nito. Hindi siya nangangamba na baka loobin ng mga diablo si Zaira. Naroroon naman si Arch para humalinhin sa kanya.

Unang-unang pinuntahan niya ay ang lugar kung saan ipinanganak si Zaira. Sa South Harbor at malapit sa pantalan. Iyon ang lugar na itinuturo ng isip niya. Hindi niya alam kung saan sa mga kabahayan doon ang tirahan ng Nanay ni Zaira.

Hindi pa niya nakikita ng personal ang Nanay ni Zaira ngunit sa pamamagitan ng sixth sense niya ay natutukoy niya kung saan iyon matatagpuan.

Inisa-isa niya ang mga kabahayan at hinahanap ang babaeng nangangalang Soledad. Narinig niya ang pangalang iyon mula sa mismong bibig ni Zaira noong tulog ito sa sofa. Ayon naman sa research ni Arch, Soledad Peralta ang buong pangalan ng Nanay ni Zaira.

Nang makarating na siya sa huling bahay ay huminto siya sa tapat ng maliit na pinto na iyon. Inilapat niya ang palad sa likod ng pinto at ipinikit niya ang kanyang mga mata. Mabilis na pumasok sa isip niya ang mga nakalipas na pangyayari sa kabahayang iyon…..

SUMISIGAW SI SOLEDAD, dumadaing sa labis na pananakit ng tiyan. Manganganak na siya ngunit wala pang lumalapit na taong gustong tumulong sa kanya.

Mayamaya’y dumating ang tiyahin niya na lasing. Imbis na tulungan siya ay sinumbatan pa siya nito. “Iyan ang napapala ng kalandian mo, Soledad. Ngayon, sino ang inaasahan mo’ng tutulong sa iyo? ‘diba wala! Nasaan na ang ipinagmamalaki mo’ng si Kaedou? Ni minsan ba ay sinilip ka niya? Iyan ang napapala mong malandi ka! Hah, manigas ka diyan! Huwag na huwag ko lamang makita ang sanggol dito sa pamamahay ko!” marahas na singhal ng Ale at basta na lamang siyang iniwan.

Napapa-iyak na lamang siya buhat sa sama ng loob. Walang tigil siya sa pagsigaw at daing. Mabuti na lamang at narinig siya ng kapit-bahay nilang si Sandy. Tinulungan siya nitong madala sana sa ospital ngunit hindi pa sila nakakalabas ng pinto ay lumabas na ang sanggol.

Mabuti na lamang at may kaunting kaalaman si Sandy sa pag-aasikaso ng sanggol at sa nanganganak. Ito na ang nag-asikaso sa kanya. Kahit maayos na nakalabas ang sanggol ay nagtawag parin ito ng kamadruna para sa kaligtasan nilang mag-ina.

Hinang-hina siya matapos ang halos tatlong oras na paghihirap. Nasilayan niya sa wakas ang napakaganda niyang anak. Ngunit napa-iyak siya nang maisip na hindi niya kayang buhayin sa mga kamay niya ang kanyang anak.

Nang silang dalawa na lamang ni Sandy ang naroroon ay kinausap niya ito. “Sandy, may hihilingin akong pabor sa iyo,” aniya.

Umupo ito sa tabi niya. “Ano ‘yun, Soledad?”

“Maari bang ikaw nalang ang mag-alaga kay Zaira?” naluluha paring samo niya.

“P-pero bakit, Soledad?” Awang-awa ito sa kanya.

“Hindi mabubuhay ang anak ko sa piling ko. Mahuhubog lamang siya sa sama ng loob. Gusto ko siyang mabuhay sa tahimik na buhay. Nakikiusap ako sa iyo, Sandy. Ilayo mo ang anak ko bago pa siya madatnan dito ni Tiya Emma. Alam mo namang galit iyon sa akin,” samo niya.

“Pero, Soledad, hindi ko alam kung saan ko dadalhin ang bata.”

“Kahit saan, Sandy basta malayo dito. Parang awa mo na. Ikaw na ang bahala sa anak ko,” humihikbing wika niya.

The Chronicles of the Fallen Angels 'Lucas Hermania' The Caustic Cherubim (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon