Kabanata 5

2.5K 91 1
  • Dedicated kay Cat Lee
                                    

Tinanghali ng gising si Lucas dahil sa magdamag na kuwentuhan at kulitan nila ni Zaira. Pagbangon niya’y masakit pa ang katawan niya. Sa sofa lang kasi siya nakatulog.

Nang makapaghilamos siya ay nagluto siya ng almusal ni Zaira. Mayamaya’y may kumatok sa pinto. Wala siyang ideya kung sino iyon basta’t tinungo niya ang pinto.

Nang buksan niya ang pinto ay tumambad sa kanya ang bagong ligo at mabangong si Aljon. Napansin kaagad niya ang bitbit nitong plastic bag na may lamang styro box na sa tingin niya’y pagkain ang laman. Minsan na rin niyang nakita si Aljon na sinusundo si Zaira.

Titig na titig ito sa kanya at ang mga mata nito’y puno ng katanungan. Sinuyod siya nito ng tingin na may panghuhusga.

“Si Zaira?” tanong nito.

“Tulog pa eh,” tugon naman niya. Hindi niya binubuksan nang tuluyan ang pinto.

“Hindi mo ba siya puwedeng gisingin?” tila nag-uutos na tanong nito.

“Hindi. Mag-uumaga na rin kasi siyang natulog,” aniya.

“Kaanu-ano mo ba siya?” kapagkuwa’y tanong nito.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Mapipilitan nanaman siyang magsinungaling. “P-Pinsan ko siya,” bigla’y nasabi niya.

“Pinsan?” Tila hindi ito kumbinsido.

“Oo. Pinsan niya ako sa mother side,” paglilinaw niya.

“Ganun ba? Well, baka puwede ko lang siyang mahintay. May lakad din kasi kami,” anito.

Hindi na siya makatanggi. Pinahintulutan niya itong makapasok sa loob. Iniwan na niya ito sa sala at binalikan ang niluluto niya. Hindi niya maintindihan bakit tila naiinis siya sa bisita ni Zaira.

Tapos na siyang magluto ngunit hindi parin lumalabas ng kuwarto nito si Zaira. Napapansin niyang tila naiinip na rin si Aljon. Inalok niya ito ng meryenda ngunit mariin nito iyong tinanggihan.

“Baka puwede mo nang gisingin si Zaira. Nasasayang ang oras ko,” anito. Demanding pa ito.

“Sorry, hindi ko puwedeng gawin ‘yun. Kung gusto mo, bumalik ka nalang sa ibang araw. Pakiwari ko’y pagod si Zaira at baka hindi rin siya papayag na lumabas,” sabi nalang niya.

Tila may hinanakit ito sa kanya sa paraan ng pagtitig nito. Tumayo ito at kumilos upang tunguhin sana ang kuwarto ni Ziara. Mabilis naman na sinabat niya ito.

“Sandali lang pare. Konting respeto lang. Huwag kang mag-alala, sasabihin ko kay Zaira na dumalaw ka. Hindi mo siya kailangang puwersahin na lumabas ng kuwarto niya para lang harapin ka,” mahinahong sabi niya.

Ang kamay niya na nasa balikat nito ay marahas nitong naitabing. Walang sali-salita na umalis ito. Pabalya pang naisara nito ang pinto pagkalabas nito ng kabahayan.

Wala pang isang sigundo na nakaalis si Aljon ay biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Zaira. Lumabas ito at palinga-linga sa paligid. Nang sulyapan niya ito ay mukhang hindi naman ito bagong gising. Ang sigla na nga nitong tingnan.

“Umalis na ba siya?” kapagkuwa’y tanong nito.

“Oo. Kanina ka pa pala gising bakit hindi ka lumabas?”

“Hay naku! Kung lalabas ako baka sasakit lang ang ulo ko,” anito at pumasok na sa kusina.

Sinundan naman niya ito. “Bakit ganun ang trato mo sa boyfriend mo?” tanong niya habang pinagmamasdan niya ito buhat sa bukana ng pinto.

Marahas itong humarap sa kanya. “Excuse me, hindi ko siya boyfried ano,” anito.

“Ah, hindi ba? Eh bakit kung umasta siya parang pag-aari ka niya?”

The Chronicles of the Fallen Angels 'Lucas Hermania' The Caustic Cherubim (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon