Buod

10.7K 265 5
                                    

Si Lucas Hermania, isang pilyong binata, sarkastiko at mahilig sa Death Game—isang illegal car racing. Ang kanyang kapilyuhan ay naging sanhi ng kanyang pagka-aksidente at nagdala sa kanya sa Caelum Akademia—isang eskuwelahan na matatagpuan sa Purgatoryo kung saan hinahasa ang mga mag-aaral upang maging karapat-dapat na anghel na may pakpak.

Naging kainip-inip ang pananatili niya sa Akademia at sa kagustuhan niyang makabalik sa lupa ay gumawa siya ng paglabag sa batas ng Akademia, subalit ang kanyang pagkakamali ay may parusang susubok sa kanyang katatagan.

Binigyan siya ng misyon, ibinaba siya sa lupa upang tulungan at protektahan ang isang babae. Si Zaira Takinuri—ang babaeng palaban, takam sa pera at kapit sa patalim ang buhay. Una’y naiinis siya sa dalaga dahil sa pagmamalabis nito sa kabaitan niya, ngunit habang tumatagal na kasama niya ito sa iisang bubong ay natagpuan na lamang niya ang sarili na umiibig na rito.

Paano niya maisakatuparan ang misyon gayong mahigpit na ipinagbabawal sa kanila ang umibig sa girl subject nila? Susuwayin ba niya ang batas nila alang-alang sa pag-ibig?

The Chronicles of the Fallen Angels 'Lucas Hermania' The Caustic Cherubim (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon