Joaquin's POV
Hi guys! Hindi na ko magpapakilala dahil nga kilala nyo nanaman siguro ako sa previous chapters diba? Anyways, GT nga pala namin ngayon. Naligo nako at dumeretso nako sa trinoma. Grabe. Dami naman naming fans. Official fan club lang ng Gimme 5 ang nandito. Kami na sikat!
"Hi there beautiful!"
Sabi ko sa babaeng maganda. Pero mas maganda yung babaeng katabi nya. I wonder ano name nito. Busy kasi sa pagtunaw sa popcorn e. HAHAHAHA!
"Hello."
Sabi nya. Sabay nagblush. Cute!
"What's you're name?"
Tanong ko sakanya.
"Chelseah."
Ang ganda naman ng pangalan nito!
"Nice name! Eh how about this girl beside you?"
Tanong ko ulit sa kanya. Nakakaattract kasi sya e. At mukhang mag bestfriend silang dalawa.
"Kriznel Shane."
Pagkasabi ni Chelseah nun. Nagulat yung Shane.
"Ha? Bakit? Anong meron?"
Tanong nya. Natawa naman ako. Ang cute nya pala pag nagugulat e. Kaya tinignan ko sya sabay ngumiti ng nakakaloko.
"HAHAHAHA! Mukhang di ka yata nakikinig Shane! Stay with you're bestfriend okay? Baka kasi mawala ka. ;)"
Sabi ko sabay kindat sa kanya. Nakita ko namang parang nabuwiuset sya. Ay, mali pala. Nabuwiset pala talaga sya. HAHAHAHA!
"Tsk. Close ba tayo?"
Wow! Eto gusto ko sa babae yung walang pakialam kung sino yung kausap nya. Siguro kahit pangulo sisigawan neto pag alam nyang tama sya!
"Hindi, kelan ba tayo naging close?"
Pa cool kong sabi sakanya. Tumawa yung iba.
*Fastforward. Alam ko na alam nyo na kung anong nangyari! Tamad ako wag kayo! Dejk.*
Tumayo na sya. Pero hinila ko yung kamay nya. Don't get me wrong okay? Pagtitripan ko lang to.
"What?"
Asar nanaman nyang sabi. Lagi na lang tong asar pag dating sakin.
"Dito ka lang! Dito ka lang sa tabi ko!"
Syempre dapat convincing kaya yung mukha ko parang nagseselos. Nakita ko syang nagblush. Eh mas cute pala syang tignan pag nagbablush eh. Ilang blushon kaya tinira nito kanina at sobrang pula ng mukha!
Shane's POV
*Knock* *Knock*
"Anak, Shanel! Bumangon ka na dyan! Baka malate ka pa."
Naalimpungatan ako sa katok ni Mommy. Kaya bumangon nako. Naalala ko nanaman yung Mr. Epal na yun. After kasi nung sinabi nya sakin na dun lang daw ako sa tabi nya eh umuwi nako sa sobrang hiya! KJ na kung KJ! Eh sa nahihiya na ako eh. -_-
"Opo Mommy! Maliligo na po ako."
Sigaw ko kay Mommy habang nililigpit yung pinaghigaan ko. 8am ang pasok namin. 6am na.Naligo na ko at nagbihis sabay bumaba para mag breakfast.
"Oh, Shanel. Kumain ka na."
Sabi ni Mommy. Tumingin ako sa orasan. 7:15am na. Sakto lang. Malapit lang naman kasi yung school dito eh. Kaya naglalakad na lang ako! Sayang pera noh! Kumain nako. After nun nagtooth brush nako at umalis.