FIWME: Chapter 8

109 5 0
                                    

Joaquin's POV

Ba't ganun? Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Bakit? Parehas na parehas ang nararamdaman ko sa naramdaman ko para sakanya dati. Inlove na ba ko ulit? Pero kanino? Alanganamang kay Shane? Eh ang panget panget nun. Mas lalaki pa kung pumorma sakin. Feeling gwapo amf.

Pero nung sabado. Habang nasa MOA kami. I can't help myself but to hug her. Ewan ko ba. Baka siguro kailangan kong pakiligin yung mga fangirls ko kaya ko nagawa yun. Mukhang effective naman. Pati kay Shane, effective.

Pero ang pinagtataka ko? Bakit kasi bigla na lang ako nainis nung pinapaalis na ko ni Shane sa pagkakayakap ko sakanya? Ang sarap kasi nyang yakapin eh. Ang lambot. Parang teddy bear.

Nung umalis na ko sa yakap ko sakanya. Hinawakan ko na lang ang kamay nyang napakalambot. Gumagawa kaya to ng household chores? Ang lambot lambot kasi ng kamay. Tapos amoy strawberry sya lagi. Favorite nya talaga yun.

Ako lang pala yung lalaki dito. Kaya inaacompany nya ko. Para di ako maOP. Pano kasi close na sila ni Alyana. Infairness, She's cute.

After naming kumain. Naglaro na ulit kami together with the gals. Ang ingay nila. After nun pumunta kami ni Shane sa Blue magic. Tumingin tingin kung anong mabibili. Pero sa huli, wala naman kaming nahanap kaya umuwi nalang kami. 

"Bye Joaquin. Thankyou."

Sabi ni Shane. Tapos sabay baba. Wearing her sweetest smile. Cute din pala to.

"Sure. Welcome. Text text na lang ah."

Sabi ko sakanya. Oo, nakuha ko number nya.

"Hahahaha. Sige."

Sabi nya sabay pasok na ng bahay nila. Ako naman pati si manong driver. Syempre umuwi na. Wala pa nga ako sa bahay. Tinext ko na sya eh. Wala lang trip ko lang.

To: Princess S

Hey, tulog ka na ah. Lalaki lalo yang eyebags mo. Good night my princess. Sweet dreams.

Yeah, ang cool ng pangalan namin sa phonebook. Sa cellphone nya pangalan ko. Prince J. Kasi Joaquin tawag nya sakin often. Sakin naman name nya Princess S. Kasi tawag ko sakanya often ay Shane. Sabi nga ng barkada, ang sweet daw eh. Nakita kasi nila, Inisnatch nila mga iPhone namin.

*Let it go. Let it go.

Kinuha ko yung iPhone ko sa bulsa at tingnan. May nagtext. Si Shane. Ang bilis naman nito magreply. At oo, tama ang nabasa nyo. Let it go ang tone ng iPhone ko. Si Shane kasi. Pinalitan. Wag ko daw papalitan. Tss. Pang bakla naman yung Frozen eh. Tsk.

From: Princess S

Hahahaha. Sige na nga. Good night na.

Di nako nagreply. Alam ko namang matutulog na to eh. Umidlip na lang ako saglit.

"Sir, andito na po tayo."

Minulat ko yung mata ko. Andito na nga kami sa bahay. Bumaba nako. Gutom nako!

"Good evening po sir."

"Good evening din manang. Ano pong ulam?"

"Adobo, chicken curry, beef steak."

"Ah."

Ayoko nang kumain. Mag dodoritos na lang ako.

"Kakain po kayo sir?"

"Di na manang. Akyat ka na lang po ng doritos pati reese's."

"Sige po."

"Salamat."

Umakyat nako at nagpalit ng damit sabay higa sa kama. Sakto naman na nandito na yung pinaakyat ko. Yum!

Di ko na pinatagal at kinain ko na yun.

"Anak, dahan dahan naman ang kain. Para ka ng si Flash sa bilis."

Di ko namanlayan na nandun pala si Mommy sa may pintuan. Nakatingin sakin. Di naman ako makapagsalita dahil puno pa yung bibig ko.

"Bakit kasi di ka kumain ng dinner?"

Sa wakas, nalunok ko na. Wushuu!

"Mommy, kumain na po ako sa mall kanina. Busog na po ako."

"Really? Nag mall ka kanina? Sino kasama mo?"

Tuwang tuwang tanong sakin ni Mommy. Taong bahay kasi ako. Lumalabas lang ako kung may bibilhin. Or may lakad ang family at ang barkada.

"Si Shane po."

Sabi ko kay Mommy habang binabalatan yung reese's sabay subo.

"Shane?"

Nagtatakang tanong ni Moomy. Ay, tanga! Di pa pala kilala ni Mommy si Shane. I'll introduce her to Mom. Maybe next time. Tinatamad pa ako eh.

"Si Shane po. Girlfriend ko."

"Talaga anak? May bago ka ng girlfriend? I'd like to meet her son."

Mabait naman si Mommy sakin eh. Pati narin sa lovelife ko. Di sila nangengealam.

"Next time ma."

"Sige. I'll go ahead na anak. Good night."

"Good night ma."

Sabi ko kay Mommy sabay tayo at kiss sa cheecks nya. Lumabas na naman si Mommy. At ako? Patapos nang kumain.

After kong kumain, nag toothbrush nako at humiga.

Nakakapagod. Pero masaya. Thankyou Shane. For this one of a kind day.

*End of flashback.

Falling Inlove With Mr. EpalWhere stories live. Discover now