"Uy, Shane!"
"Ay nanay mong tumalon ng sampung beses! Ano ba Chelseah?"
Nagulat ako kay Chelseah. Pano ba naman kasi tinigtignan ko yung bulletin board. Tapos na kasi yung election ng school for the new Campus Princess and Campus Prince. Syempre may Campus Queen and King din. Nagbabakasakaling nandito ulit yung pangalan ko. Masarap kayang maging sikat. Yung tipong daming naglalike ng post mo. Ah basta yun na yun.
"Shane, Ikaw nanaman Campus Princess oh."
Sabay turo ni Chelseah sa bulletin board sa may left ko. Lumapit naman ako at tumingin. Oo nga! Ako parin ang Campus Princess. Tingnan ko kung sino yung bangong Campus Prince. Graduate na kasi yung dating Campus Prince eh.
O_O Ganyan itsura namin pano ba naman kasi. Si Mr. Epal lang naman yung bagong Campus Prince. Aish! Pano na yan? Kasi ginagawa ang election kung kelan 1 week na lang before valentines. Eh feb 14 ang JS prom namin dito. Automatic na yun na partner ang Campus Princess and Prince. Badterp naman! -_-
"Shane, pano yan? Partner kayo ni Joaquin?"
"Tsk. Oo nga eh. Kakaasar naman! Backout na lang kaya ako?"
*Pak*
"Tanga mo talaga eh noh? Nasayo na ang lahat! Campus Princess ka nanaman. Tas partner mo pa si Joaquin sa JS! Naiinggit ang lahat sayo!"
Aba? Leche tong babaeng to ah. Kailangan ba talagang mambatok?! Tsk.
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"
Halos mabingi kami ni Chelseah sa tili ng mga babae dito sa hallway. Ano ba yan? Ang ingay nila ha? Kaya napatingin kami ni Chelseah. Pano ba naman hindi titili ang mga to. Si Mr.Epal lang naman naglalakad ng pawis na pawis! Inshort ang HOT nya tignan. Mas lalo kong ikinagulat nung lumapit sya sakin. As in sa harap ko.
"Babe, punasan mo naman yung pawis ko oh. Kakatapos lang kasi naming maglaro ng basketball eh. Please?"
ANO RAW?! BABE?! ANO AKO BABOY?! SA PAYAT KONG TO?!
"Aww, ang babe ko pawis na. Sige talikod ka na at pupunasan ko na yang pawis mo."
Sabi ko sabay yakap sa kanya. Bwiset na to! Napasubo tuloy ako. Sinakyan ko na lang. Eto naman pala gusto nya eh. Tsk.
"Ehem! Ehem!"
"Ayy? Sorry Chelseah. I'll just borrow you're bestfriend saglit ah. Namiss ko lang tong babe ko."
Sabi nya kay Chelseah. Binigyan ko naman si Chelseah ng.. "Hindi-ko-alam-tong-ginagawa-nya" look. At mukhang nagets nya naman. At binigyan nya ko ng "Sige-okay-lang" look. Bago ako tuluyang hinila nito ni Joaquin papunta sa gym.
*Gym
"Oh, babe punasan mo na pawis ko."
Sabay tanggal ng shirt nyang basang basa na ng pawis. At bumungad sakin ang kanyang perfectly sculpted six pack abs. Feeling ko namula ako dun ah. Buti nakatalikod sya at hindi nya nakita ang mukha kong pulang pula na.
PERO WAIT! HINDI PA PALA SYA NAGEEXPLAIN KUNG BAKIT NYA GINAWA YUNG KANINA!
"Hoy! Ulul ka! Humarap ka nga at magsuot ka ng shirt mo! Magexplain ka! Dalian mo! Nabubwiset ako sayo! Umayos ka!"
Humarap naman sya at nagsuot na ng shirt buti naman. Whooo! Umupo sya sa tabi ko at naglabas ng towel at nagpunas ng pawis. Tignan mo to. Kaya naman pala magpunas ng pawis! -_-
"Eh kasi hindi nila ako tinitigilan hangga't wala akong gf. So, naisip kita. Can you be my girlfriend? Just for 3 months? Please?"
Tsk. Ayan kasi! Pero papayag ba ako? Ayoko nga. Depende na lang kung bibigyan nya ko ng strawberry cake every week. Hmmm... Sharap nun! Nagcrave tuloy ako.