Chapter Seven

109K 2.5K 149
                                    

Chapter Seven

            “ATE, okay lang ba talaga na maiwan ka dito?”

            Tinitigan niya ang si Koy na may bitbit na cake, pupunta kasi ang mga ito sa bahay ng lola niya na nasa probinsya sa kasamaang palad tinamad siyang kumilos. Dapat ay kasama siya nakaligo na nga siya kaso paglabas niya sa banyo ay bigla siyang nakaramdam ng pagkatamad kaya ayun nagbago ang isip niya.

            “Okay lang ako Koy matutulog nalang si ate.”

            Nakahiga na siya sa sahig nila habang yakap-yakap ang mahabang unan na paborito niyang yakapin sa gabi at kapag natutulog siya ng maaga.

            “Siguraduhin mo lang na kaya ka hindi sasama dahil tinatamad ka kapag naabutan kitang may lalaking kasama dito ipapakasal ko agad kayo.” May halong biro ng tatay niya. Simula kasi ng abutan nito si Heinz sa bahay nila ay pabigla-bigla nalang itong umuuwi sa bahay nila na para bang may gustong abutan. Kapag nakikita nitong nag-iisa lang siya doon kasama si Kora ay sumisimangot ito. Mapang-asar na tatay lang talaga.

            Hindi pa niya nasisimulan ang operation ‘Make Heinz fall for her’ kasi pagkatapos ng meeting nila with the sisters ay tumawag ito kay C para ipaalam na kailangan muna nitong umuwi sa Davao dahil nagkaproblema ang isang business nito doon. She isn’t really expecting him to text her about his whereabouts pero naiinis pa rin siya dito. Eversince na inilabas niya ang madlang friends niya ang malaking pagkagusto niya kay Heinz ay biglang umurong ang tapang niya. Kapag nakikita niyang online ito ay gusto niyang magtype ng message kaya lang bigla nalang niyang idedelete kaya heto siya nababagot sa mundo.

            Bigla siyang nawalan ng gana na kumilos at bigla-bigla nalang niya itong maiisip. Iniisip niya ang ngiti nito, iyong nawawala ang mga mata nito kapag ngumingiti na nakakasira lang ng bait. Matagal na niyang crush si Heinz ever since na nakilala niya ito noong nagpunta siya sa bahay ni C. It wasn’t love at first sight, it’s more on attraction at first sight. Hindi naman siya ipokrita kung sasabihin niya na hindi niya ito nagustuhan kahit na masungit ito dahil unang-una normal na babae lang naman siya, mabilis siyang nakaka-crush sa gwapo at lalo na sa type niyang masungit. He fits it all, hanggang sa nalaman niya kung ano ang hirap na pinagdaanan nito ng mamatay ng maaga ang mga magulang ng dalawang magkapatid. Kagagraduate lang ni Heinz sa college ng mga panahon na iyon at sa halip na mag-enjoy gaya ng iba agad na sumabak ang binata sa pagpapalakad ng maliit na negosyong naipundar ng mga magulang nito hanggang sa sipag at tiyaga ay lumago iyon ng husto.

            Agad na nakuha nito ang respeto niya pero inilihim lang naman niya ang lihim na paghanga niya dito dahil nakakahiya nga naman. Dinanaan nalang niya sa pang-aasar dito hanggang sa kalaunan ay nakasanayan na rin niya na simpleng feelings lang iyon, natabunan ng inis niya dito ang nararamdaman niya hanggang sa recently nga lang… unti-unting nagbabalik ang secret crush niya dito and worst, her feelings for him is getting bigger.

Zalpha Bri 1: Red Spider's Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon