Chapter Ten-A

101K 2.4K 66
                                    

Chapter Ten-A

            Masakit pa rin ang mga mata niya dahil sa gabi-gabing pag-iyak but she is getting better now. Papunta na siya sa Royale dahil sa kanilang February issue, ang sabi kasi ni Minerva kailangan niyang interviewhin ang mga may-ari ng mga romantic cafes and restaurants sa buong Maynila. Medyo nag-alangan pa nga siya noong una because being brokenhearted means bitter siya sa mga kung anu-anong may kinalaman sa pag-ibig.

            “Nasaan ka na ba Arman?” inis na tanong niya habang kaharap ang cellphone niya. Ang lalaking iyon super late na naman at kahit kailan ay hindi na magbabago ang ugaling iyon ng batang iyon. “Ouch!” hiyaw niya ng tumama ang katawan niya sa isang bulto. She curse under her breath when her cellphone dropped at nawasak iyon.

            “Ano ba hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?”inis na pinulot niya ang nagkapira-pirasong cellphone niya.

            “Sorry.” Parang napaso siya ng marinig ang boses ni Heinrich at ganoon na nga ang pagpigil niya sa kanyang hininga ng pagtayo niya ay si Heinz nga iyon. Napatitig siya dito at ganoon din ito sa kanya. “Zyrene.” Akmang lalapitan sana siya nito ng umatras siya. Hindi pa immune ang puso niya sa sakit sa ginawa nito sa kanya. She assessed him, he is still handsome katulad noong huli niya itong nakita. Walang nagbago dito maliban nalang sa mukhang pumayat ito pero gwapo pa rin.

            Are you happy Heinz? Masaya ka ba habang ako naman ay nasasaktan ng dahil sa iyo?

            “Zyrene can we talk?”

            Umiling siya habang pilit na pinipigilan ang sariling hindi maiyak, her eyes were already blurry from her tears when someone pulled her from there. Kung sinuman ang taong iyon malaki ang ipinapasalamat niya.

            “Iiyak ka lang ba sa harap niya?”

            “Arman?”

            “You remind me someone, my sister whose in heaven right now Zyrene kaya ayokong makita kang nakatanga lang doon.” Hinila siya nito sa may likod ng restaurant at doon siya umiyak. Umiiyak na naman siya.

            “Ang sama niya Arman sinaktan niya ako, pinaasa niya ako. Ang sama niya!” at sinuntok-suntok ang pobreng bata sa dibdib nito at hinayaan naman siya nito. “Bakit ganyan kayong mga lalaki paasa.”

Zalpha Bri 1: Red Spider's Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon