Chapter Three
Nasa Little Devil’s siya ng mga oras na iyon, hindi siya nandoon para abalahin si Heinz dahil alam niyang wala doon ang binata. Baka nakikipagdate ito sa imaginary girlfriend nito, nandoon siya para makapagsulat. She is really busy masyado siyang maraming deadline na kailangang tapusin. Nagkataon naman na ang isang writer niya ay busy sa midterms nito kaya siya ang gumagawa sa mga iyon.
Nabuburn out na siya sa kanila kahit anong posisyon nalang ang gawin niya matapos lang niya ang kanyang sinusulat ay hindi na gumagana. Kahit na saang sulok ng maliit na bahay nila ay wala na ring epek mukhang gusto ng katawan niya ng new environment. Kaya heto siya at kaulayaw niya ang kanyang paboritong Kreme brulee at chocolate mousse, nakadalawang baso na nga siya at nakapangatlong servings na rin siya ng choco mousse pero hindi pa siya nangangalahati sa trabaho niya.
May walong articles pa siyang kailagang tapusin, pito nalang pala dahil matatapos na siya sa pang-walo niya. She saved her work pero biglang naghang ang dala niyang netbook.
“Putz na inahing manok naman o,” mahinang mura niya kapag ganitong marami siyang iniisip at sa kasamaang palad ay sinusubok siya ng tadhana ay madaling mag-init ang ulo niya. At kapag mainit ang ulo niya ay may tendency siyang maging bayolente ibig sabihin binabato niya ang lahat ng pwedeng mahawakan niya mabuti nalang at wala siya sa bahay or else kanina pa niya binato ang platitong wala ng lamang pagkain.
“Ano ba makisama ka naman!” asar na pinagpipindot niya ang keys ng kanyang laptop. Mag-not responding ba naman ang Microsoft word niya nakakabuwisit.
“Alam kong fake ka pero sana makisama ka okay? Kapag hindi ka nakisama I swear papalitan na talaga kita.” Napangiwi siya sa kanyang naisip, maayos pa naman ang netbook niya actually may PC siya sa bahay doon siya nagtatrabaho at nakikipag-usap sa mga clients niya. Itong netbook ay kapag nasa labas siya at gumagawa mas maigi na rin naman iyon keysa sa cellphone niya. Second hand lang ang netbook niya pero gumagana pa naman, maliban nalang sa OS nito. Iyong iba ay Mac OS o kaya naman ay Windows 8 ang gamit siya ay Windows 7 pa rin it’s not that she is complaining may ibang tao na palaging sunod sa uso siya naman mas gusto ng windows 7 kasi mas madaling gamitin doon kasi siya sanay. At saka fake ang windows seven niya, palaging may nagpa-pop-out na kumuha daw siya ng genuine windows as if she’ll do that. Hindi siya magbabayad ng ilang libo kung pwede niyang makuha ng libre, pati narin ang kanyang Microsoft office ay fake din mahal kayang bumili ng original. Siguro bibili nalang siya ng mga crack na installers sa tabi-tabi.
Pero nakakainis talaga ang ganito, “Not responding pa rin?” asar na tinapik niya ang kanyang netbook.
“Bayolente.” Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig ng may marinig siyang nagsalita sa tabi niya.
“Huwag ka ngang manakot ng ganyan busy ako nakakaasar ka.” Inis na muli niyang hinarap ang laptop niya.
“So, marunong ka rin palang maasar?”
“Heinz not now okay I am working.”
“Really? You’re working?” hindi na niya pinansin ang patutsada nito because she is really busy killing the stupid machine they called laptop. “Akala ko trabaho mo lang ang tumambay?”
Naikuyom niya ang kamao niya at hindi pa rin ito pinansin. She is counting one to five hanggang sa biglang may nabuhos sa kanya--- at sa laptop niya.
BINABASA MO ANG
Zalpha Bri 1: Red Spider's Secret Love (COMPLETED)
Short StoryTeaser: Masyadongmaganda.com is typing..... Masyadongmaganda.com: Hi, pogee. HeinzChua: Get lost Zyrene. Masyadongmaganda.com: Paano mong nalaman na ako ito? This is supposed to be a secret account! (gasps) HeinzChua: Your profile pic is y...