Chapter Ten-B

101K 2.4K 89
                                    

Chapter Ten-B

            “WHAT?” Kulang nalang ay baliin niya ang hawak ballpen, nasa ETC siya ng mga oras na iyon at naghihintay na tawagan siya ni Arman na kasalukuyang iniinterview si Heinz. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang pinag-usapan nila ni Colton at nag-ngingitngit pa rin siya hanggang ngayon. Tapos ay sasabihin nitong ayaw magpa-interview ng lalaking iyon?

            “Anong sabi niya? Bakit ayaw niyang magpa-interview?” galit na talaga siya.

            “Ang sabi kasi niya hindi naman daw ako dapat ang mag-iinterview sa kanya mukhang pangalan mo ang ginamit ni ate para mainterview siya. Hangga’t hindi daw ikaw ang iinterview sa kanya hindi daw siya magpapainterview.”

            Napapikit siya sa inis dahil sa kaartehan ng lalaking iyon, oo nga pala, bago pa man sila maging close at magkaroon ng relasyon ay talagang maarte na ito. Nakakaasar lang bakit ngayon pa nito piniling mag-inarte kung kailang super deadline na ng isusulat niyang article.

            “Nasa Devil’s ba kayo ngayon? Makakatikim talaga sa akin ang lalaking iyan.”

            “Oo nasa Devil’s ako ngayon pero umalis na siya may meeting pa daw siya sa kanyang Davao business partner.” Mas lalo siyang napakunot ng noo sa narinig niya dahil mula sa kinaroroonan niya ay nakita niya si Heinz at kasama nito ang babaeng pula din ang buhok. Davao counterpart pala ha?

            “Really?” nanunuyang tanong niya.

            “Babalik daw siya at eight, kung gusto daw natin siyang mainterview ay bumalik daw tayo at eight.”

            “Leche talaga siya.” Inis na sambit niya habang napapapikit sa galit. Hindi niya maatim na tingnan ang babaeng kasama nito dahil naiinis siya.

            “Kalma lang.”

            “I am calm down.” Kalma lang Zyrene, tandaan mo right now wala ka munang kakampi kundi ang sarili mo okay? Aniya sa kanyang sarili.

            “No, you aren’t. Tinawagan ko na si ate sinabi niyang imomove niya ang deadline ng eleven fifty nine, ang bait niya hindi ba?”

Zalpha Bri 1: Red Spider's Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon