"Jasmin ! Jasmin ! Tignan mo nanalo tayo sa lotto !"Nagulat ako sa sigaw ni papa,
Grabe talaga!?
Papunta na ako kay papa galing kusina nang napansin ko yung hawak na papel ni papa.Luma nayung papel na hawak niya nahalata ko dahil puro basa na ng kape.
"Pa , Hindi tayo nanalo. Ahhm nanalo nga tayo pero dati pa yun atsaka 500 pesos lang naman yun dati, nalito kalang papa."
Sabi ko kay papa pero parang nagtataka ang muka niya.
"Teka? Kumain naba tayo? Ahh oo nga pala pumunta pala tayo sa karinderya haha!"Pag iiba ng usapan ni papa.
Ako nga pala si Jasmin DeVera 17 years old na ako at second year high school palang ako eh walang pera kaya anong magagawa ko ? Ako lang namn ang maaasahan ni papa. Mahirap lang kami pero minsan may pagkain kami, yung itsura nga ng bahay namin tagpi-tagping yero at kahoy pati narin tela ehh. Pero paano kaya mamayang hapunan baka wala kaming kainin ni papa ma-ngungutang muna ako.
"Papa! Aalis muna ako , Mangungutang lang sa Tindahan !" Sigaw ko habang hinahanap ang stinelas ko. Pero parang hindi na sagot si papa.
"Papa! Sabi ko mangungutang muna ako sa Tin-----" Napatigil ako sa nakita ko..si Papa wala nang malay !
Dali-Dali akong tumakbo kay papa para tignan ang pulso niya, Mahina yung pag tibok kay langan ko siyang madala agad sa hostipal..
"TULONG! TULONG!" Sigaw ko ng napaka lakas at buti namn may lumapit si Kuya Roberto. Halatang nagulat rin siya sa nakita niya.
"Anong..Nangya---"dahan dahan siyang lumapit pero sinigawan ko siya.
"BILISAN MO NA KUYA !! ANG DAMI MO PANG SATSAT!! BILI PABUHAT!!" Dahil sa pag kataranta ko humingi ako ng tulong sa mga nakapaligin saamin may mga tumulong namn kaya nadala rin sa hospital ang papa ko..
■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■
Nanginginig ang buong katawan ko.. Sa sobrang kaba ano kayang nangyari kay papa.. sana okay lang siya.. baka may malalang sakit si papa wala akong pera dito.. ang masmalala pa baka iwan ako ni papa mag isa..
Napailing ako sa naisip ko
Hindi.. hindi puwedeng mangyari yon. Hindi ako iiwan ni papa...
"Hmm Naiyak ka nanaman.. magiging okay lang yan .. tutulungan ko kayo.."Sabi saakin ni Kuya robert.. Siya lang naman ang gumabay saamin ni papa simula nung itaboy kami ng mama..
"Salamat Kuya.." pahikbi hikbing sabi ko dahil sa kabaitan niya..
Lumabas na yung doktor.
"Doktora ano pong lagay ng papa ko?" Atat ba akong malaman baka may saki---.
"May sakit ang papa mo.At malala na ito.at baka hindi na malunasan, well pwede pa namn pero himala nalang kung mangyari iyon."Halos madurog ang puso ko sa narinig ko.
"Ano pong s-sakit niya?" Naluluha kong tanong.
"leukemia at mag s-stage 4 na ito"
May leukemia si papa!? Bakit hindi ko to alam? Ang tanga tanga ko! Bat ba kasi hindi ko kasi nababantayan si papa!
"Eh paano po nahimatay ang papa ko? Sa anong dahilan? " tanong ko ulit.
"Dahil iyon sa Heart Attack ito ang kusang pag baba ng pag tibok ng puso ng tatay mo at Hindiyun min malulunasan any sakit niya dahil pang publikong hospital lang ito "Tuloy Tuloy na sabi ng doktora.
Tila tikom ang aking bibig at Hindi makapag salita.
"May mga receta ako na ibibigay sayo at dapat mo itong bilhin, halika ." Pumunta kami ng doktor sa isang room , siguro ito ang office niya
BINABASA MO ANG
Yesterday's Life
Teen FictionMerong isang babae na mayroong magandang buhay. Rich Family. Loving Parents. True Friends. Lahat na Nasakanya pati narin ang kagandahan at katalinuhan maslalo na ang kabaitan. Pero May MangYayaring Aksidente na babaeng iyon na halos mapaalala ang na...