Chapter 1

343 12 2
                                    

Keileigh

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng nagawa kong pamomolestya kay GD, joke lang! Hindi ko sya minolestya. Hinalikan ko lang naman sya ah? Wala namang masama dun diba? Wala nga ba? Hindi naman sya umangal nung hinalikan ko sya eh! Oo tama Keileigh wala ka namang nilabag sa karapang pantao nya dahil lang sa hinalikan mo sya.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Linggo ngayon walang pasok. Kasama ko si Mariane. Isa ko pang bestfriend. Ang aga nya pumunta dito dahil gusto nya malaman yung ginawa kong kagagahan nung biyernes sa D-building.

Tatlo kaming magkakaibigan sa school. Ako, si Mariane tsaka si Jin. Kaso si Jin wala dito ngayon. Hindi ko pa sya kinakausap simula nung mangyari yung paghalik ko kay GD. Kasalanan nya yun eh, Nakakainis.

"Ano ba kasing katangahan yung pumasok sa utak mo at hinalikan mo si GD?! Baliw ka na Keileigh. Si GD yun! Gino Damon Kwon! Hibang ka na talaga" Naghyhysterical na si Mariane sa harap ko habang nakaupo kaming pareho sa kama. Para syang mahihimatay na ewan.

"Alam mo bang pangarap ng mga babaeng mahalikan yun? Kahit na ang cold cold nya at nakakatakot ang lakas ng dating nya sa girls! Tapos ikaw! Ikaw na hindi sya kilala hahalikan mo nalang bigla tapos tinawag mo pang baby boy?! OMFG talaga Keileigh panigurado kakalbuhin ka ng mga babae sa school. Kahit ako gusto kita kalbuhin ngayon promise!" Kanina pa ko nakikinig sa mga sermon nya. Ano ba kasing meron sa GD na yun? Famous ba sya? Hindi ko nga sya kilala, Hindi nga sya kilala ng mama ko.

"Pwede bang isa isa lang at dahan dahan lang. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasasabi mo Mariane Lucas. At subukan mo kong sabunutan dito ngayon ihahagis kita palabas sa bintana ng kwarto ko" Lokretang bestfriend to. Sabihan ba naman ako na gusto akong sabunutan.

"Okay okay. First question anong pumasok sa kokote mo at hinalikan mo si GD?!" Pinapaypayan nya pa yung sarili nya gamit yung kamay niya. Big deal ba yung paghalik ko kay GD? First kiss ko kaya yun! First first first! Napaka importante kaya ng first kiss. Dapat kay Jin ko ibibigay yun eh! Kaso wala sya, Nandun sya kay Aira Lopera hinahabol habol nya. Kainis.

"Nasagot ko na yan ah! Paulit ulit ka naman eh" Kanina pa sya tanong ng tanong. Dapat nga ako yung nagdradrama ngayon dito kasi hindi ko talaga alam kung anong pinaggagagawa ko nung mga panahon na yun.

"Eh! Hindi maabsorb ng utak ko. Ngayong stable na ang utak ko sagutin mo na. Bakit mo nga hinalikan si GD?" Umupo sya ng maayos sa kama at tinitigan nya kong mabuti. Bumuntong hininga ako at sumandal sa headboard ng kama ko.

"Kasi nga diba nilapitan ko sya dahil nakita ko si Jin at Aira at dahil crush ko si Jin at ayoko na malungkot ang bestfriend ko--"

"Teka bakit pag si Jin ginagawa mo? Bakit pag sakin! Hmp asar ka" Binato nya ko ng maliit na unan na nakalagay sa tabi nya.

"Crush ko yun eh. Crush ba kita? Tsaka kung nakita mo lang si Jin nung mga oras na yun Mariane"

"Sabi ko nga eh. Okay continue, bakit mo hinalikan?"

"Kasi nga nung tinawag ko syang baby parang anytime magwawala na sya. Tapos sisigaw na dapat sya at bago ko pa ipahiya yung sarili ko sa harap ni Jin at Aira hinalikan ko sya para di sya makapagsalit." Totoo naman eh kaya ko lang naman sya hinalikan kasi anytime sasabog na sya sa galit sakin.

Twisted Fate [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon