Chapter 3

162 12 1
                                    

Mariane

Napaka walang hiya ng bestfriend ko. Iniwan ba naman ako mag- isa kasama si Zeke. Nagpaawa kasi kanina eh hindi ko tuloy matanggihan. Parang ang rude ko naman kung hindi ko sya sasamahan. Nakakainis talaga.

"Soooo, uhm san mo gusto pumunta?" Okay awkward.

"Dito nalang tayo antayin natin si Keileigh" umupo ako sa bench sa loob ng mall.

"Nagtext si Keigh matatagalan daw sya" Aba't kelan nya pa tinawag na Keih si Keihleigh? Si Jin lang tumatawag ng ganon sa kanya ah?

"Bakit Keigh ang tawag mo kay Keileigh? bestfriend ka ba nya?" Tinaasan ko sya ng kilay. Mabait ako sa kanya pag nandyan si Keihleigh pero pag wala naku! Baka sinapak ko na sya. Bakit? Wala lang ang init ng dugo ko sakanya e. Alam nyo yung pakiramdam na makita mo lang sya o marinig mo palang pangalan nya maiinis ka na? Alam ko weird pero ganun ako pagdating sakanya. Whatever.

"Hindi pero close naman kami eh. Bakit? Selos ka?" Nginitian nya ko at kinindatan. Asa naman sapatusin kita dyan makita mo hinahanap mo Zeke.

"Si Jin lang ang may karapatan tumawag sa kanya na ganyan pwede ba wag kang feeling bestfriend at FYI di ako nagseselos. Never akong magseselos. Asa ka" Umupo sya sa tabi ko. FC naman nito!

"Bakit ang bait mo sakin pag nandyan si Keileigh? tapos pag wala naman sya ang sungit mo?" Eh kasi naiinis ako sa pagmumuka mo! Ang sarap mo kagatin!

"Pake mo ba! Dun ka nga!" Bakit ba kasi ako naiirita sa kanya e wala naman syang ginagawang masama.

"Sungit mo. Tara sama ka sakin" Hinawakan nya yung kamay ko. Aba aba! Chansing yan chansing!

"Hoy! Bitawan mo nga kamay ko" Binawi ko yung kamay ko sa pagkakahawak nya

"Pachansing lang eh eto naman"

"Aba't napaka walanghiya mo ah!" aambahan ko na dapat sya ng suntok ng dinilaan nya ko.

"Bleeh. Joke lang yun asa ka naman" Letche! Imbis na masaya kaming namimili ni Keihleigh ngayon kasama ko tong Zeke na to.

"Mag just dance tayo, dancer ka diba?" Stalker ko ba to? Bat alam nya?

"Ayoko, sabi ng mommy ko don't talk to strangers, wag daw sila samahan"

"Eh bakit mo pala ako kinakausap?" Oo nga no? Tanga ko din minsan eh. Nakakainis naman.

"Whatever! tsaka bakit mo gusto mag just dance? Singer ka diba? Musician ka hindi ka dancer" Feeling dancer siguro to!

"Bakit porket singer bawal ng dancer? Tara na kasi. Iiwanan kita dito" Aba ako pa binantaan na iiwan ako ah! Baka sya pa iwanan ko dito.

Bago pa ko makapagreklamo hinila na nya ko patayo sa bench at dinala ako sa Tom's world. Hinila nya ko at hinulugan nya yung sa Just Dance. Pumili sya ng kanta at nag umpisa ng sumayaw. Nung una ayoko pang sumayaw dahil badtrip ako sa kanya. Pero infairness! Ang galing nya sumayaw! Bakit ganon? Singer na dancer pa. Bakit ako? Feeling singer lang hanggang dance lang ako. Huhu why so unfair?

"Sumayaw ka na wag mo ko titigan alam kong gwapo ako at sexy ako sumayaw" Okay! Ang hangin po ng lalaking to. Pakitaan ko nga ng dancing skills!

Napasayaw na din ako sa indak ng tunog. Ginagaya lang naman yung step na nasa screen eh. Unti unti kong napapansin dumadami na yung mga tao. Pinapanood nila kami. Wala naman sakin yun member ako ng dance club sanay ako sumayaw sa harap ng madaming tao.

Halos naka isang oras kami ng pagsayaw ni Zeke sa Just Dance! Grabe ang saya talaga sumayaw. Pawis kaming umupo sa foodcourt nilibre ako ni Zeke ng shake at ng siomai. Magkatapat kaming kumakain sa foodcourt. Medyo okay din pala sya kasama.

Twisted Fate [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon