Chapter 4

223 12 0
                                    

Keihleigh

"Gising" may tumutusok sa noo ko gamit ang isang bagay. Ano ba yun? Ballpen o lapis?

"Ehhhhhh! Ayoko pa pumasok sa school" Ayoko na pumasok matutulog na lang ako dito sa bahay kaysa pumasok sa school. Ang sama ng panaginip ko.

"Keileigh! Lokretang to. Gumising ka!" Minulat ko ang isa kong mata at nakita ko ang pagmumuka ni Mariane. Anong ginagawa nito sa bahay?!

"Anong ginagawa mo dito sa bahay? Umuwi ka na nga" pinikit ko ang mata ko at matutulog na sana ako ulit

"Alam mo ba Mariane nanaginip ako. Nakilala ko daw yung pinsan ni GD yung Maan. Tapos ipapakilala daw ako sa parents ni GD. Nakakalokang panaginip buti na lang panaginip lang lahat yun" Tumagilid ako ng higa sa kama ko.

"Who said it was a dream? Totoo yun Keileigh" parang narinig ko yung boses ni Maan ah? Nako imposible! Naghahallucinate lang ako. Dahil lang to sa sobrang antok. Makatulog na nga lang ulit.

"Is she dead? Hey wake up stupid" May yumugyog sa kama ko o parang sinipa yun. Parang boses naman ni GD yun ah!

"Yah! Ang sama mo sa girlfriend mo bakit ka ba ganyan?" Ano ba yan parang nagiging totoo na yung panaginip ko ah!

"KEILEIGH GUMISING KA DYAN TOTOO YUN HINDI PANAGINIP GAGA KA NASA CLINIC KA GUMISING KA O IIWANAN NA TALAGA KITA DITO" Bulong ni Mariane sa tenga ko. Teka nga, Nasa clinic ako?! So totoo yung mga nangyari kanina?!

"Let's just leave them alone muna Mariane. Punta tayong canteen libre kita" GOOD LORD. Ayoko ng magising. Kunin nyo na ko. Kunin nyo na ko! Ayoko na grabeng kahihiyan na to!

"Sige teh! Gorabels" Walanghiyang Mariane yan! Nakarinig lang ng libre iiwanan talaga ako dito kasama si GD!

"Hey GD dito ka lang ah, antayin mo ulit magising si Keileigh. Alagaan mo yung girlfriend mo, she's my friend now" Narinig ko namang sumara yung pintuan. Minulat ko ang mga mata ko. Nakita ko ang green na kurtina. Tumingala ako at puting kisame naman ang nakita ko. Okay. Nasa clinic nga ako. Nakakahiya ka Keileigh! Wala ng natitirang kahihiyan sa katawan ko. Naubos na lahat.

"Stop pretending that you're asleep maniac" Bumangon ako sa pagkakahiga at naupo sa kama. Tumambad naman sakin ang pagmumuka ni GD. Bored syang nakatingin sa kisame habang prenteng nakasandal sa mahabang sofa sa harap ng kama.

"Una tinawag mo kong crazy, tapos bitch, tapos slut, tapos molester, tapos stalker, tapos ngayon naman maniac?! Ano hindi ka pa ba kuntento?! Ang dami mo ng tinawag sakin ah! Ang sama mo akala mo gwapo ka?! ANG PANGET PANGET MO!" Nakakainis! Halos ubusin na nya lahat ng salitang negative na pangdescribe sa tao sa pagtawag nya sakin e! Okay, nagsinungaling ako hindi sya panget. Gwapo sya. Nakakainis. Wala ba syang kapintasan sa katawan?!

"Who gave you permission to shout at me?" Tinignan nya ko sa mata. Ayan na naman! As usual nilalamig na naman ako dahil sa presensya nya. Bakit ba ang cold cold nya?! At nakakatakot sya! Lalo na pag tinignan ka nya! Parang pati kaluluwa mo nakikita nya.

"Pake mo ba?! Tsaka bakit english ka ng english nasa Pilipinas tayo! Bwiset!" English ng english simula ng magkita kami english nalang lagi ang sinasabi! Nasa Pilipinas hindi marunong magtagalog anong klaseng tao yan! Ay hindi nga pala tao si GD, demon pala sya.

"You're so noisy shut the fuck up" AT YAN! ISA PA YAN LAGI NALANG NAGMUMURA! Okay natural sa kabataan ngayon ang magmura pero pag sya yung nagmura alam mo yun?! Seryoso talaga sya! Tapos lagi lagi pa! Sarap putulin ng dila!

"Anong nangyayari dito? Okay lang ba kayo?" Sinilip kami ng nurse. Siguro naririnig nya sa labas yung mga sigaw ko. Pano ba naman kahit sino naman yata maiinis dito sa GD na to eh! Kaasar!

Twisted Fate [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon