Chapter 5

175 13 5
                                    

Keileigh

San ba ko dadalhin ng GD na to?! Kanina nya pa ko kinakaladkad ang sakit na ng paa ko. Ang sakit na din ng pulso ko sa hawak nya.

"HOY BITAWAN MO NGA AKO!" Pilit kong binabawi yung kamay ko sa hawak nya pero hindi ko mabawi. Ang higpit ng hawak nya! Parang titigil yung pagdaloy ng dugo sa kamay ko sa hawak nya eh.

"Is that the proper way of saying thank you?" K. Bat ako magtethankyou? Kung tutuusin si Aira lang naman talaga ang nagligtas sakin.

"Thank you mo muka mo bitawan mo nga ako! Ang sakit na ng pulso ko pag ako namatay mumultuhin kita tignan mo lang!" Bitawan naman nya agad ang pulso ko. Hah! Kung hindi ko pa tinakot na mumultuhin ko pag namatay ako hindi pa bibitawan.

"Is there any way for you to shut up?" Hinarap nya ko habang hinihilod nya ang sintido nya. Wow ha! Hiyang hiya naman ako sakanya! Kasalanan nya kung bakit ako maingay kaladkarin ba naman ako.

"Ewan ko sayo. Bahala ka nga dyan uuwi na ko may gig pa kami mamaya sa YG" tinalikuran na sya pero nakakailang hakbang palang ako nakarinig ako ng busina ng kotse. Ang bilis magpatakbo! Dumaan iyon sa gilid ko. May tubig!

"ANAK NG! HOY WALANGHIYA KA! NABASA AKO! PUTI PA NAMAN TONG SUOT KO! KAINIS HOY!!!!" Nabasa ako! Ang dumi ko na tignan ang dungis ko! Muka akong ginang rape sa itsura ko. No joke. Ang dugyot. Ang panget ko na! Kainis! Walang modong driver yun!

Huminto yung kotse sa gilid ko. Kinatok ko naman ang bintana ng walang modong driver na binasa ako. Bakit ba lagi nalang ako minamalas?! Simula ng nakilala ko si GD puro kamalasan ang napapala ko! May balat siguro si GD sa pwet.

"HOY IKAW! WALANG MODO KA! TALAGANG SA GILID KO PA IKAW DUMAAN! NABASA TULOY AKO KAINIS!" Sigaw ko sa driver. Binaba nya ang bintana nya at laking gulat ko. Isang GD na bored na bored na nakatingin sakin ang nakita ko. Demonyo talaga! Sinadya nya yun panigurado!

"Bye" Sinara nya ang bintana ng kotse nya at agad na pinaharurot iyon. Bwisit na lalaki yun! Matapos sabihin na my property chuchu eklabu iiwanan ako dito mag isa! At basa pa. Dati iniwanan nya ko na isang sapatos lang ang suot ngayon naman basa ako at mukang gusgusin! Baka sa susunod iwanan nya ko malamig na bangkay na ko.

"WALANGHIYA KA TALAGA GD!" Bwisit talaga na lalaki yun! Ang weird weird! May kotse pala hindi man lang ako niyaya sumakay! Sabagay ayoko rin naman sya makasama. No, no, no. Ayoko na puro kamalasan natatamasa ko pag nakakasama ko si GD.

Naglalakad ako pauwi. Hindi maiwasan na hindi ako tignan ng mga tao. Buti nalang medyo madilim na. Muka akong gusgusin na ewan. In the end sumakay nalang ako ng taxi. Nakakahiya! Muka akong ewan na naglalakad dun sa kalsada kanina.

Kajirits yung itsura ko. Pati si mama nagulat kasi ganun itsura ko. Akala nya narape ako. Joke lang. Akala nya gumapang ako pauwi at kung napano daw ba ko. Sinabi ko nalang na may isang walang modong demonyo ang gumawa sakin nito. Naweirduhan naman si mama sa sagot ko.

Dumiretso ako agad sa kwarto ko at naligo. Habang naliligo ako hindi ko maiwasan isipin yung sinabi ni GD sa mga fan girls nya. Bakit nya kaya ginawa yun? Kadiri! My property daw! Para akong nasa live action na movie eh. Siguro nakuha nya yung line na yun sa palabas sa sine o sa teleserye.

Natawa naman ako sa mga inisip ko. Si GD nanonood ng teleserye? Yung mga pagangster na series sa tv. Nakakatawa! Yung ganung cold na tao manonood ng ganon?! Teka? Bakit ko ba iniisip si GD? Napopollute na nya ang utak ko. Si Jin nalang ang iisipin ko para masaya.

Pagkatapos kong maligo nagpalit muna ako ng pangbahay. Mamaya pa naman yung gig namin. Gagawin ko muna yung mga kailangan kong gawin. Ginawa ko yung mga assignment ko para pag-uwi ko galing sa YG matutulog nalang ako. Panigurado maraming tao dun ngayon kahit Monday. Kakatapos lang kasi ng sweldo tsaka maraming rich kids na pumupunta dun para gumimik.

Twisted Fate [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon