Chpater 8

188 10 4
                                    

Keileigh



Wala sa wisyo akong nakatulala sa kwarto ko. Ngayon lang nagsisink in lahat lahat ng bagay sa utak ko. Una, underground fighter si GD. Pangalawa, akala ng mama ko boyfriend ko si GD dahil kay Maan, pangatlo kalat sa buong school na kami na ni GD, panglima sinabi ko kay Jin na kami talaga ni GD, pang anim kailangan ko mag-isip ng paraan para pigilan si Aira sa plano nya kay GD.


Bakit ba lahat nalang ng problema ko kasali si GD?! Ugh! Sumasakit ang ulo ko. Hindi ako makapag isip ng ayos. May pasok pa ngayon. Buti nalang ligtas ako kahapon kasi nahimatay ako sa school. Nakakagulantang naman kasi! Sinong hindi magugulat pag sinabing kailangan mo daw mameet ang parents ng isang Gino Damon Kwon?!


Kung si GD nga kasuklam suklam ang ugali pano pa kaya yung magulang nya! Jusko! Pano pag masungit ang mama nya? Tapos yung papa nya parang dragon na bumubuga ng apoy! Hindi ko na ata kaya yun. Si GD pa nga lang susukuan ko na parents nya pa kaya! I kennot! I can't! I just can't.


Pero ang tanong talaga papasok ba ko ngayon? Magsakit sakitan nalang kaya ako? Baka mamaya inaabangan nanaman ako ng mga fan girls ni GD! Nako nakakatakot pa naman mga fan girls ni GD parang mga nakawala sa zoo! Feeling ko anytime babalatan nila ako ng buhay. Nakakakilabot!


Nagdasal muna ako bago lumabas ng kwarto ko. Mahirap na! Kailangan ko ng proteksyon mula sa Taas. Kahapon muntik na ko mamatay dahil sa mga babae ni GD e. Oo mga babae nya! Dahil ng dami nyang fan girls. As in ang dami talaga. Pakiramdam ko three fourths ng populasyon ng mga babae sa school fan girls nya.


Nagpaalam ako kay mama na papasok na ko sa school. Ang weird ng ngiti ng mama ko. Anong problema nya? Parang may ginawa syang hindi tama. Hindi ko gusto yung ngiti ni mama! Parang may something!



"Ang laki laki na ng baby ko!" Medyo teary eyed pa sya habang sinasabi nya yan. Ano bang problema ni mama? Hindi kaya naghahallucinate na si mama dahil sa dami ng ginagawa nyang trabaho sa office nila?


"Ma ano bang sinasabi mo? Tsaka bakit ganyan ka ngumiti? Nakakatakot!" Tinignan ko ng maigi ang mama ko, muka naman syang maayos, maganda naman ang itsura nya. Pero mas maganda ako.


"Ang baby girl ko may boyfriend na. Ipakilala mo samin yang lalaking yan ah! Hindi ako basta papayag lalo na ang papa mo. Pero proud ako sayo bebe! Big girl ka na. Hug mo nga si mama" Boyfriend?! Hindi pa din ba maka move on si mama na hindi ko nga boyfriend si GD! Mas naniniwala pa sya kay Maan! Ano ba yan! Feeling ko di nya ko anak. I felt betrayed.


"HINDI KO NGA BOYFRIEND SI GD MA! ANO BA YAN!"


"Sus denial pa ang anak ko. GD ba pangalan ng boyfriend mo? Ganyan din ako sa papa mo noon dinedeny ko din nung una. Hayaan mo malalagpasan mo din yang stage na yan ng buhay mo" buti sana kung si Jin ang boyfriend ko baka matagal ko ng dinala yun dito. Pero jusko naman si GD?! Asa! Baka mag-away lang sila ni papa no!


"Hindi nga kasi ma! Ang kulit! Pag may boyfriend ako dadalhin ko dito! E wala naman nga kasi!" Bakit ba ayaw maniwala ni mama sakin?! Naalala ko nanaman tuloy, pano kaya nalaman ni GD yung bahay ko? Creepy! Di kaya stalker ko talaga yun?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twisted Fate [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon