I took a deep breath after finally reaching the top of the oak tree. Sulit ang pagod at ilang galos na natatamo mula sa magaspang na katawan ng puno sa tuwing matatanaw ang kabuuan ng Los Desechos mula rito.
Nang makaupo sa isa sa malalaking sangay ng puno ay marahan kong pinagpag ang medyo maalikabok na mga kamay.
I used to spend my leisure time here since I discovered this place. Mula rin noon ay nagustuhan ko na ang lugar na ito, partikular ang katahimikan na mayroon dito.
Nasa bahagi ako ng puno kung saan tago mula sa sinag ng nakakasilaw na araw. Sa panig ding ito ay maayos kong natatanaw ang sinusubaybayang rest house ilang kilometro ang layo sa puno.
A smile flickered across my face when I saw him standing on their veranda, with a cup of coffee in his right hand. Bukod sa mga nasabing dahilan ay may pangunahing rason pa ang madalas na pag-akyat ko sa oak tree.
Sinuswerte yata ako sa linggong ito, ah? Malimit ko siyang makita sa madalas na pag-akyat sa tuktok at ang huling beses ay noong nakaraang araw lang. Kadalasan kasi isang beses ko lang siya nakikita sa isang linggo kaya heto ako ngayo't parang ewan na nangingiti habang nakatunghay sa kanya.
Hindi rin siya nagtagal sa veranda at agad ding pumasok sa loob nang lumipas ang ilang minuto. Ganoon man, masaya pa rin akong bumaba sa tuktok ng oak tree at nagsimulang lumakad pauwi.
Malapit na ako sa bahay nang maalala ang inuutos ni Mama. Sa gulat ay mabilis akong pumihit pabalik sa dinaanan kanina.
Hindi pa tuluyang nararating ang huling kanto kung saan nabibili ang spring roll wrapper ay nasalubong ko naman ang matalik na kaibigan na si Remi. Kumakaway kaway itong nakalapit sa akin.
"Saan ka?" aniya nang tuluyang makalapit.
"Kila Aling Este, inutusan ako ni Mama na maagang bumili ng wrapper para 'di na mahirapan bukas," sagot ko kahit pa mabilis na na pumalupot ang braso niya sa kaliwang braso ko nang marinig pa lang kung saan ako papunta.
Tinuloy ko ang medyo naantalang paglalakad, mas mabagal sa pagkakataong ito dahil sa kasama.
"Inutusan din ako ni Lola na ibigay sa inyo 'tong adobo niya pero sasamahan muna kita," nakangiting kwento niya, saka ko lang din napansin ang hawak niyang plastic container.
Then ba't kailangan mo pang sumama e may inuutos din pala sa 'yo? Nakangiti na lang akong tumango at hindi na nagtanong dahil alam ko na naman na ang sagot.
"Salamat po Aling Este, sa uulitin." Ngumiti ako rito habang tinatanggap ang supot ng biniling spring roll wrapper.
"Salamat din, hija,"
Lumingon ako kay Remi na noo'y abala pa rin sa katitingkayad para sumilip sa katabing bahay. Napabuntong hininga na lang ako saka nagsimulang lumakad.
"Oyy Haryet!" Malakas na sigaw ni Remi nang siguro'y mapansin ang pagkawala ko. Agad ko ring naramdaman ang presensya niya sa likod ko dahil hindi pa naman malayo ang nalalakad ko. "Di mo naman ako tinawag! Nagmukha tuloy akong tanga do'n."
See? Ni hindi niya pa marerealize na mukha na talaga siyang tanga kung hindi ko pa siya iiwanan doon!
"Nasaan kaya si Archad?" Hindi pa rin tumitigil ang madaldal na kaibigan. "Di ko siya nakita sa bahay nila kaya siguro wala siya roon-"
Ngunit agad na naputol ang iba pa niyang sasabihin nang pareho naming makita ang laman ng usapin niya. Archad, along with his friends, is walking towards our way. Naramdaman ko ang masakit at humihigpit na kapit ni Remi sa braso ko.