third chapter

16 4 0
                                    

save

Dumiretso kami ni Remi sa bahay pagkatapos maglako. Tinulungan ko muna si Mama sa paghuhugas ng pinggan habang naiwan naman sila sa sala.

Hindi na ako dumaan sa oak tree para mabakante naman kahit papaano. Nagsisisi din kasi ako kay Mama at sa pag-aalala niya noong gabing iyon lalo't hindi maganda sa kalusugan niya na mag-alala ng sobra. Isa pa, hindi ko rin alam kung kakayanin ko pa bang makita si Paxton pagkatapos ng nangyari kanina!

Kung iisipin, wala naman talagang big deal na nangyari kanina. Bumili lang naman siya ng turon at napakwento dahil sa kadaldalan ni Remi. Iyon lang naman pero parang ang awkward pa rin ng dating sa akin! Idagdag pa 'yung mga ngisi niya habang tinitingnan akong mailang!

"Hindi ka pa ba tapos diyan, Harriet?"

Muntik ko nang mabitawan ang babasaging baso nang marinig ang boses ni Mama sa likod. Buti na lang mabilis din akong nakabawi kaya hindi 'yon naging masyadong halata.

"Hinuhugasan ko na lang po," sagot ko.

"Oh siya, 'wag mong kalimutang patayin ang ilaw dito sa kusina pagkatapos mo riyan, ah?" Bilin nito bago muling lumakad pabalik sa sala. "Nga pala, hindi muna tayo magtitinda bukas! Pero agahan pa rin ang gising dahil medyo maaga raw magsisimula ang misa!"

Tumango ako bago ilagay ang huling nahugasang kubyertos. Nagpunas muna ako ng kamay sa nakasabit na tuwalya bago maglakad patungong sala.

"Nakaalis na si Remi?" Tanong ko nang maabutan si Mama na nag-iisa roon at may kung anong sinusulat sa mesa. Agad din namang nasagot iyon nang sumungaw ang kaibigan sa hamba ng pinto.

Nagtaas siya ng isang kilay sa akin, may ipinapahiwatig, bago bumaling kay Mama at ngumiti. Bumalik siya sa dating puwesto sa upuan sa labas kaya sumunod na rin ako.

Umihip ang pang hapong hangin nang makalabas ako sa bahay. Naupo ako sa tabi ni Remi saka pinagmasdan ang medyo dumidilim na kalangitan.

"So saan mo sisimulan ang kwento?" Tanong niya bago lumingon sa akin. 'Di ko naman naiwasang matawa dahil sa kaseryosohan ng tinig niya.

Hindi niya pa pala nakakalimutan 'yon.

"Seryoso ka talaga diyan?" Hindi pa rin nakakabawi sa pagtawa kong tanong pabalik.

"Just spill the beans, Harriet. Sa lahat ng taong pwede mong pagtaguan ng secret, ako pa talaga, ah? Ako, na hindi nagkakamali sa mga ganyang bagay!"

Mas lalo lang akong napahalakhak sa sinabi niya. Sinubukan kong kontrolin ang lakas no'n pero nabigo ako dahilan para mas lalong sumakit ang tiyan ko sa kakatawa.

"Ikwento mo, hindi ko sinabing tawanan mo ako!"

Nahihirapang makabawi, pinilit kong pakalmahin ang sarili. Siya at ang mga ganitong sinasabi niya lang talaga ang nakakapagpatawa sa 'kin ng sobra.

Humarap ako sa kanya, sa pagkakataon ito'y nagawa ng makabawi sa mga sinabi niya. Mas lumalawak lang ang ngiti ko at siguradong magtatapos na naman iyon sa tawa kaya inunahan ko nang magtanong.

"Ba't hindi mo mahulaan kung anong nasa isip ni Archad, kung bihira ka ngang magkamali sa mga ganitong bagay?" Pagkatapos magtanong ay natawa na naman ako.

Kumunot ang noo niya kasunod ng pagtaas ng kilay.

"Siyempre ibang usapan si Archad! Tahimik siya at seryoso kaya mahirap basahin ang mga kilos niya. Pero bukod sa pagiging masungit, alam kong may iba pa siyang nararamdaman sa 'kin!" Dire-diretso niyang paliwanag na mas lalo kong ikinatawa.

Sumasakit na naman ang tiyan ko sa pagiging defensive nito!

"Tsaka ikaw ang pinag-uusapan dito, bakit iniiba mo ang topic?" Naghihinalang tanong ni Remi na ngayo'y nadadala na rin sa malalakas kong hagikgik.

flickeredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon