second chapter

13 4 0
                                    

name

Hindi ko alam kung ilang beses akong na-frustrate sa mga pangyayari sa araw na ito. Sunud-sunod ang katangahan ko at dumagdag pa ang pagkadulas sa maputik na kalsada nang tangkain kong umatras. At ang masaklap pa, nangyari ang lahat ng iyon sa mismong tapat ng kung sinumang sakay ng sasakyang kanina lang ay bumubusina sa akin!

Narinig ko ang pagkamatay ng makina at ang pagbukas ng pinto ng sasakyan. Gusto kong makatayo agad para maibunton ang frustration sa kung sinumang sakay noon, pero kaagad na naglaho ang lahat ng iyon, pati na ang mga iniisip ko, nang makita kung sino ang bumaba sa sasakyan.

It was him! The man I used to watch from afar!

"Are you alright?" His brooding eyes are the first thing that I noticed.

Napalunok ako.

Lumapit siya sa akin at naglahad ng kamay. Saka ko lang napansin ang ibang detalye sa kanya nang gawin niya iyon.

"Come on, let me help you out." mas lalo lang yata akong matutulala kung papakinggan ang boses niya. Pinilig ko ang ulo at walang pag-aalinlangang tinanggap ang nakalahad niyang kamay.

Nagawa niya akong itayo. Hindi ko na naramdaman ang pagtulo ng ulan dahil sa dala niyang malaking payong na ngayo'y nagbibigay-silong na sa akin.

"Salamat..." Nanginginig pa ang mga labi ko nang iusal ang isang salita na iyon.

"You still need help? Pwede kang pumasok sa loob," nagsasalubong ang medyo makakapal niyang kilay habang sinasabi iyon. 'Di ko naman maiwasang pansinin pati ang kalmado niyang tinig.

"Uhm... Ayos lang ako, h-hindi na naman kailangan ng tulong..."

"Are you sure?" He asked. Tinitigan niya ang medyo nanginginig kong braso kaya sinubukan kong pigilin iyon, 'di ko nga lang nagawa dahil involuntary ang pangangatog ko. "Basa ka at sigurado ring nilalamig, pumasok ka na muna sa loob."

Hindi ko alam kung ba't ambilis kong tumango. Sinusulit ang pagkakataon? Hello, ang guwapo kaya neto! At wala sa itsura niya na gumawa ng masama.

Agad na gumala ang paningin ko sa loob ng rest house. Hindi ko inaasahang maninibago pa rin ako kahit na ilang beses na itong natanaw mula sa oak tree. Siguro dahil kabuuan na nito ang pumupuno sa mga mata ko.

"Hintayin mo ako rito," marahan niyang sabi bago magpatuloy sa paglalakad hanggang sa makaliko sa kanang bahagi. Nagpatuloy naman ako sa panunuyod sa buong paligid.

Gawa sa concrete at matitigas na punungkahoy ang ibaba ng rest house. Ang disenyo nito'y talagang umaangkop sa kinatitirikang lugar. Marami kasing puno sa La Hiedra, actually sa buong Los Desechos nga e, at ang ganitong klase ng disenyo ay talagang perpekto sa lugar na tulad nito.

Hindi rin nakaligtas sa akin ang kabuuang theme ng bahay. Puti ang wall at nako-compliment iyon ng natural na itsura ng mga kahoy.

Magiging abala pa sana ang paningin ko sa pagpansin sa mga nakikita, nang mapansin ang pagbalik niya at paglalakad papunta rito. Pinilit kong ayusin ang sarili kahit nararamdaman ang medyo naglalawang tubig sa sahig dahil sa pagkabasa ko sa ulan.

Mas lalo tuloy akong nahiya!

"Inumin mo muna ito. Makakatulong 'yan para mabalanse ang pakiramdam mo." Alok niya sabay lapag ng isang tasa ng tsaa sa mesa.

Sinulyapan ko lang iyon at agad ding ibinalik ang paningin sa kanya nang mapansin ang mga damit na ipinatong niya sa upuan malapit sa akin.

"Suotin mo rin ito nang hindi ka na lamigin."

Tumango ako dahil kakailanganin ko nga iyon. Ginamit ko ang mga damit na pinasuot niya. Medyo malaki pero kung may bagay man akong ipinagtataka ay hindi ang bagay na iyon.

flickeredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon