May gulay.
Sumakit ulo ko sa basaan na 'yan. Lumala pa sipon ko. T.T
Tokwa is tokwa my dear. Pero enjoy! :D
Sorry kahapon. Ayoko kaseng masacrifice ang UD dahil sa aking badtripness. Haha.
Rouge on the right.
-Ms. L
--------------------
Lea's POV
Dinilat ko 'yung isa kong mata.
-_O
Tapos, 'yung kabila naman.
O_-
Teka.. Ba't bukas 'yung kurtina!? Sinara ko 'yun kagabi. Peksman!
"G'Morning!!"
O_O Biglang napadilat pareho kong mata.
"Anong ginagawa mo rito?!!"
"Wala lang. Naisip ko lang baka kailangan mong makakita ng gwapo pagkagising mo."
KYAAAAAHHHHH!! SI ROUGE!! NANDITO!!! Nakatayo sa pinto!!!
"Pa'no ka nakapasok?!"
"Nagpaparty ka kagabi 'di ba? Nalaseng ako ng konti eh. Ayoko namang magdrive. Baka mapaaga biyaheng purgatoryo ko. Kaya tumuloy nalang ako dito."
"You mean, natulog ka rito sa kama?!!!" panic mode.. panic mode. PANIC MODE!!
"Hindi 'no. Sa lapag lang ako. Sa carpet. Ang lamig nga eh. Parang sisipunin pa 'ko."
"Eh ba't kase natutulog ka d'yan ng walang paalam?!!!" parang akyat bahay lang, ganon?! inihanda ko na 'yung nadampot kong unan para ibato sa kanya.
"O-o-oi.! Halt!! Nagpaalam ako sa'yo ha! Baba mo nga 'yang unan!!"
"AT KELAN KA NAGPAALAM SA'KEN, HA?! NUNG TULOG AKO?!! AT BADING KA BA?! UNAN LANG TAKOT KA???"
"HINDI AKO BAKLA!! MAY LAWAY MO PA KAYA 'YANG UNAN!" Tinignan ko 'yung unan bago ko 'yun ibinaba. Shemz. May laway nga. -_-" "Tsaka, nagpaalam talaga 'ko. Umungol ka pa nga eh."
"Di man lang ba pumasok sa isip mo na tulog ako?!!"
"Aba, malay ko. Walang lock 'yang kwarto mo eh!"
Tinignan ko 'yung pinto. Sigurado akong may lock 'yun.
Tae. Ba't wala na 'yung doorknob??!
"ANGAWA MO SA DOORKNOB KO!?"
"Ah. Sabi sa'yo walang lock 'yan eh."
"Magtino ka Reyes!! Ipapaubos ko lahi mo!"
"Dahil lang sa door knob mag-uubos ka ng gwapo?"
"Busetttt!! Edi ikaw nga nagtanggal?!"
"Ayaw magpabukas kagabi eh, giniginaw na 'ko."
-____-" No comment.
"Lumayas ka na nga lang, please?"
"Thanks for the offer, but no thanks. Ang ganda mo palang magsulat 'no?"
Nagulat ako kase inilabas niya 'yung notebook ko.
'Yung may listahan.
"Ganun talaga. Maganda rin ako eh." Ano pa bang magagawa? nakita na niya eh. ayoko ng makipag-away.
"So crush mo pala ako?"
"Like I told you a few days ago, 'That was sooo two minutes ago."
"Enemies mo pa sila Hannah at Sofia?"
BINABASA MO ANG
10 Things to do Before the World Ends (12/21/12) xD
JugendliteraturEnd of the world na raw sa 21. Naniniwala ka ba? Eh.. Di naman mahalaga 'yun sa story ko eh. Curious lang ako. Kung totoo nga, ano gagawin mo? :) ------Ms.L---------