Lea's POV
Demn.
Hindi ako nagsulat niyang 3 things na 'yan.
Inosente ako! Peksman.
Si Linta nagsimula niyan eh.
*Flashback**
Nasa loob ako ng changing room ng girls ngayon. Magluluto kase kami, kaya siyempre, change outfit.
Nasa bag ko pa nga lahat ng sandok, mangkok, kaserola at iba pang mga gagamitin eh. Pa'no, 'yung prof namin, bring your own materials raw.
Like, duuhhhh?? Naghihirap ba ang university, o talagang nagdadamot lang? -__-"
Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako ng cubicle.
Tokwwaaaa!!!!
Ang ganda ko! *__*
Inayos ko lang ng konti 'yung buhok ko. Kailangan kong bilisan eh.
Hinihintay kase ako ni singkit sa labas. Nung nalaman kase niya na dala ko 'yung buong kusina namin sa bag ko, ayaw pumayag na hindi niya ako tutulungang magbuhat.
Yeah. Cute niya 'no? Mamatay na mga single sa inggit. >:P Bwahahaha..
Nung makuntento ako sa itsura ko, lumabas na ako ng changing room.
Nagulat nalang ako, kase, si Singkit at si Linta, magkasama. Si Lim, as usual, nakasandal sa pader, at 'yung Linta, edi ayun, linta pa rin. Obvious na obvious naman na 'yung isa, piniflirt 'yung isa.
Nako! Subukan lang na patulan ni Lim 'yan!
Hinihintay ko 'yung susunod na mangyayari. Wala sa kanila nakakaramdam sa presensiya ko eh.
Si Lim, pinapaalis 'yung Linta, pero ayaw umalis. As in nakakapit. Parang lintang unggoy.
Kung bakit kase laging nakocorner ito si Lim. -__-"
Pero teka..
Nagsimulang lumapit ang pagmumukha nitong si Linta kay Lim.
Lumalayo naman si Lim, pero hinawakan na ni Linta 'yung pagmumukha niya.
Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! GIYERA NA 'TO!!
Kinuha ko 'yung unang unang bagay na makukuha ko sa bag ko, tsaka ko sinugod 'yung dalawa.
"HOYYY! SUBUKAN MONG IDIKIT 'YANG BUNGANGA MO SA BOYFRIEND KO, IKAW ANG LULUTUIN KO!!" tamang-tama! dadalawa yata 'yung nabiling isda nung kateam mate ko eh, allowed naman yata exotic food!
Lumayo lang ng konti 'yung Linta kay Lim, tsaka ngumisi.
Nakkkkkkkkkkooooo! Pigilan niyo ako!
"Oh come on, ano'ng kayang gawin sa'kin niyang sandok mo?"
Tinignan ko 'yung hawak ko.
Tokwa, akala ko kutsilyo hawak ko eh. -__-"
"Yung sandok ko, wala siguro masyado. Pero 'yung kutsilyo sa bag ko," I smirked. "kayang kaya ka nung gawing exotic SUSHI."
"Byyy." niyakap ako ni Lim mula sa likod. Kung pa'no siya napunta 'dun? 'Di ko alam. Busy ako sa pag-iisip kung paanong luto gagawin ko kay Linta eh.
Nilingon ko siya. -__-+++ "By ka 'jan? Isa ka pa eh." binalik ko naman 'yung tingin ko kay Linta tsaka ko inabot sa kanya 'yung sandok. "Ayan o, palagay ko magagamit mo 'yang kutsara."
BINABASA MO ANG
10 Things to do Before the World Ends (12/21/12) xD
Teen FictionEnd of the world na raw sa 21. Naniniwala ka ba? Eh.. Di naman mahalaga 'yun sa story ko eh. Curious lang ako. Kung totoo nga, ano gagawin mo? :) ------Ms.L---------