hehehe..
sorry late night na..
-Ms.L
-------------------------
Lea's POV
*Kroooooooo.. Krooooooooooo..
"Good morning world!!!"
5am palang, gumising na ako. Sobrang aga neh? Excited eh.. Makakapagkalat ako ngayon ng tamang balita..
Tamang balita kung may "taste" lang sana 'yong si Rouge. Shemz lang kase, crush niya raw si Hannah? Hamak ganda ko naman dun!! Like duh?!
Gumayak na agad ako para makapasok ng maaga. Actually, 8am pa start ng lahat ng classes, pero siyempre, last hours nalang ng Earth, gusto ko naman kahit papano, most of the time eh gising ako.
At siyempre.. mahirap na, baka mahuli pa ako sa gagawin kong pagpapasabog ng "KATOTOHANAN" 'di ba?
Hindi na ako kumain ng almusal. Pagkaligo ko, diretso agad sa school.
What can you do? I'm excited. Bwahahahaha. >:)
Kaya naman, 6am palang, nasa school na ako. Since university naman na kami, wala ng uniform. Kahit ano nalang kumbaga.
Pero siyempre, dahil MAGANDA AKO, hindi basta "Kahit ano" ang suot ko.
Coach bag + Prada sandals + Guess shirt and jeans
Oh, di ba? Para kung saka-sakaling mapaaga end of the world, ready na akong ilibing. xD at MAGANDANG MAGANDA AKO. HAHA.
Binuksan ko ang aking ever sosyalera bag at kinuha 'yung pink special paper.
Napangiti ako.
Pinaskil ko 'yung papel sa main bulletin board ng university. Lahat ng estudyante, dumadaan dun bago pumasok for special announcements kagaya ng change in schedule or whatever, kaya sigurado akong kakalat agad ang kahit na anong ipakat mo rito.
May lalaking tumabi sa'kin pagkatapos nung pinaskil ko.
Ugh. I can smell him from here.
"Leah Marquez. Maaga ka yata ngayon?"
"Ezekiel Lim, masarap kase magbagong buhay. Try mo minsan."
"You make me laugh. What to change about me? I'm perfect."
Yah.. Right. "Try mo ring magkaroon ng taste. Parang si Rouge, para hindi ka naghahanap ng linta para ipalit sa'kin. That's cheap you know." a smile curved on my lips.
Ezekiel was my EX, and yes, he cheated on me. Huli ko eh. Mga lalaki talaga nagyon, WALANG TASTE.
Ba't nga ba hindi ko siya naisama sa listahan ko? Tsk. Tsk..
"Ano naman kinalaman ni Rouge sa ta--. Oh." Lumingon ako sa kanya.
Nakita na niya 'yung nasa bulletin board. Nganga siya. Bwahahaha..
"Bibig mo, pakisara. Baka biglang lumabas 'yung masama mong budhi d'yan, sige ka." >:)
Then I walked out with an evil smile.
--------------------------------------------------------------------------------------
"Bestie!! Ano na naman bang kalokohan 'yang ginawa mo?"
Grabeng maka-react 'tong si Cha. Parang end of the world na ngayon. May 10 days pa kaya! :P
"Bestie, I don't consider 'that' as kalokohan. It's the truth."
"Truth your face bestie!! 'Di ba nga may Hannah?! H-A-N-N-A-H. HANNAH!"
"Crush niya ako. 'Di niya palang alam. Okay!?"
"NOOOOOOO. Na-uh. Magugunaw nalang mundo gagawa ka pa ng eksena." -_-"
"Heh! Ano bang masama sa pagsasabi ng totoo!? Besides, ten days nalang kaya wala na tayo sa Earth. Pagdating ba sa Purgatoryo maaalala pa nila 'yan?"
"Ano'ng malay mo!? Hindi mo naman kamag-anak si San Pedro para masabi mo 'di ba?!"
"Whatever. Maganda nga 'pag naalala nila eh. It would be soooo great!"
*BOOOOGSH
"Bestie! Ba't mo ako binatukan?!"
"Kailangang maalog ng utak mo eh. Lumala kase brain damage mo." -_-"
"Ewan ko sa'yo!"
Biglang may dumaan na fishy.
Oh.. Guys, meet my PE#1: Public Enemy No. 1. HANNAH.
And she is crying! Agang Pamasko! Bwahahaha..
Nagdisappear na rin agad siya patungo sa CR.
Kung itatanong niyo kung bakit G A N I T O K A L A K I galit ko sa kanya, eto kase 'yan.
SIYA 'YUNG LINTA NA NAHULI KO KASAMA SI EZEKIEL.
IN SHORT, INAGAWAN NIYA AKO NG BOYPLEN, AT NG FIRST KISS.
GETS NIYO POINT KO? GOOD.
Ah, eto pa nga pala.
BESTFRIEND SIYA NUNG NAHULI NI CHA NA KAKISSING SCENE NUNG BOYPLEN NIYA.
TSK. BIRDS OF THE SAME FEATHER FLOCK TOGETHER TALAGA.
ONE OF THESE DAYS, HUMANDA SILA.
DON'T FORGET.
BIRDS OF THE SAME FEATHER, ALSO MAKE A GOOD FEATHER DUSTER. >:)
-------------------------------------
'yun lang!! :D g'night!
-Ms.L
BINABASA MO ANG
10 Things to do Before the World Ends (12/21/12) xD
Teen FictionEnd of the world na raw sa 21. Naniniwala ka ba? Eh.. Di naman mahalaga 'yun sa story ko eh. Curious lang ako. Kung totoo nga, ano gagawin mo? :) ------Ms.L---------