Deal or No Deal!

21 2 0
                                    

May araw na galit na galit ako sa mga teacher ko, kasi sinisi ba naman ako sa hindi ko naman nagawa. Seryoso, ako, iuuwi ko yung walis?? Eh, may walis naman kami sa bahay?? Nakakatawa talaga. Kailangan ipapunta pa ako sa Prefect of Discipline. Jusmiyo. Napahiya ako dun. Sobra. Kahit na alam naman nila na hindi ko yun ginawa.

Pinagsusulat ko yun sa isang notebook. Pinuno ko yun ng....

‘Nakakainis ka Sir Santos’

‘Nakakainis ka Sir Santos’

‘Nakakainis ka Sir Santos’

‘Nakakainis ka Sir Santos’

‘Nakakainis ka Sir Santos’

‘Nakakainis ka Sir Santos’

‘Nakakainis ka Sir Santos’

‘Nakakainis ka Sir Santos’

‘Nakakainis ka Sir Santos’

Oo, punong-puno yung notebook ko. Actually, may mga nakasulat pa bago dun, yung mga rants ko sa mga iba kong teacher... Sobrang tinatago ko yun.. Club time, at naisipan kong dalhin, kasi, nakakatakot..baka may makakita.. ewan, basta, feeling  ko kailangan kong dalhin yung notebook na yun.

Nag-ring na yung bell, it means, uwian na! Yahooo!

Bigla ko nalang naisip na gusto kong tignan yung notebook ko. Pagtingin ko sa bag ko..... WALA. WALA YUNG NOTEBOOK KO. Oh no no no no. Nagpanic ako at tinext ko yung mga kaibigan ko.. sabi nila... Wala daw silang napansin. Hindi kaya naiwanan ko sa library? Juskoooo.Wag naman sana... May lock naman yun eh. At wala naman pangalan. Whew...

Next day, buong araw kong hinanap yun, pero wala. Wala sa library, walang napansin yung naglilinis.

**

Out of nowhere.. may nagtext sa akin.

“Biancs..may nanliligaw ba sayo ngayon?” WHAT????? AKI???? SERYOSO KA BA SA TANONG MO? JUSME ANO NA NAMANG NAKAIN NITONG LALAKING TO!!

“Lait ba yan o ano?”

“Hahahaha, sabi na eh.. pero, seryoso, meron nga?”

Meron naman, pero hindi naman talaga. Uulitin ko, hindi ako maganda, yung talagang magaganda na katulad ng mga higher year sa amin na babae yung mapuputi.. Ako ito, hindi maayos sa katawan pero meron ding nagpaparamdam..yeah, alam niyo na yun.. kasi pag dadaan ako sa room ng mga lower year na ‘to... “Ate, hi daw sabi ni ganyan ganyan”.. Yeah right.. Ngiti lang.

“Uhhh, wala naman why?”

“Perfect!! Okay lang ba magkunwariang ikaw yung nililigawan ni Dominic?”

HUH? KUNWARIANG. NILILIGAWAN. NI. DOMINIC???

“ANO???” Oo, all caps yan, dahil yan ang nararamdam ko. Dagdagan pa natin ng emoji na gulat!

“Wala namang magagalit di ba, wala naman nanliligaw sayo..”

“Teka, hindi ko maintindihan, bakit kailangan magkunwarian?”

“...kung pwede naman totohanan? hahahaha”

“Che!!! Hindi. Anong meron?”

At yung kinuwento na niya sa akin... Parang nakakaramdam yung  Marie(crush na crush na crush ni Dominic).. Barkada kasi sila. Ayaw niyang malaman ni Marie na may pagtingin na siya dun sa babae, kasi ayaw daw ni Marie na ganoon. Choosy? JOKE

*beep*

Biancs, usap tayo tom? Sorry

Si Dom. Teka, hindi ko pa pala nababalik payong niya, hindi ko kasi siya nakikita sa school eh. Hindi ko alam kung san tumatambay ‘to.

Nagreply naman ako:

Yeah sure, whatever

Seryoso, naiinis ako. Masungit ako. Ng mga oras na yun. Si Dominic kasi yung tipo ng lalaki na mayabang, masungit, tahimik, misteryoso, crush ng bayan, maganda boses, performer, makapal mukha, lakas mang-asar, pero seryoso.

**

Flag Ceremony.. nag-announce lang ng kung ano-ano.. Na nalalapit na daw yung Marian bonding namin.

Pag-akyat ko sa room, nakasalubong ko si Aki, at inirapan ko.

“Recess...library.”

Nagulat ako kasi bigla na lang siyang nagsalita... Ako, hindi ko alam bakit umo-o ako. Labo.

Kinuwento ko na sa kanila yun, at nagulat sila, sabi nila, ‘Magpapagamit ka?’, ‘Wala namang masama di ba?’, ‘Okay lang ba sayo?’... Oo nga, okay lang ba sa akin? Magpapagamit ako?... Eh, wala naman daw masama eh..

“Hoy”

“Wow angas natin ah..”

“Payong ko muna?” Shocks! Oo nga pala...

“Bukas..” Silence...

...

...

“Nasabi na sayo ni Aki?” Nakaharap lang kami sa may railings, nakatingin sa baba, sa mga batang nagtatakbuhan..

“Oo...”

“Ano masasabi mo?”

“Ayoko..”

Bigla siyang may kinuha dun sa bag niya.. Hindi ko alam bakit dala niya yun.

“Eh, ano ‘to?”

“Teka....

Ito....

Yung.......

Notebook ko ah?” Napatigil ako na kinakabahan na nagulat na ewan.. Wala na akong paki kung ano itsura ko ng mga oras na yun.

Kukunin ko na sa kamay niya tapos inangat niya at ngumiti.

“PAANO MO NAKUHA YAN. SAN MO NAKUHA??”

“Di ba, booklovers ka? Eh, nagkataon, pumunta ako dun kasi inutusan ako humiram ng microphone, nakita ko ‘to pagka-bell.”

“BINUKSAN MO?”

“Hindi naman, pero nakita ko, ‘Nakakainis ka Sir Santos’ yung nakasulat..” Tumawa siya.

“Hindi nakakatuwa.”

“Ano...payag ka na?”

“ANOO? YAN ANG KAPALI—“

“Tama!”

“Bakit ba hindi mo kayang sabihin sa kanya..” Nakatingin ako sa kanyang seryoso.. “Bakit ako pa? Sa lahat?”

“Actually....”

“....ikaw yung fit sa role na yun eh.” Si Aki.

“ANONG FIT SA ROLE??”

“Tsaka, naisip ko kasi ‘tong notebook na to..”

“Grabe, mga blackmailer kayo..”

Pero, kahit na ganun nangyare, pumayag naman ako. Natakot kasi ako eh.... Tinatakot kasi ako.

Hindi na ako nakakain ng recess kasi ‘tong dalawang ‘to..

“Mga bading!!” Sumigaw ako pababa. Tumawa lang sila.

Pumila na ako kasama sa section ko.. Nakita ko si Marie, nakasmile lang. Hay. HOY BABAE, WALA KANG ALAM DAHIL SAYO ITO AKO MAGPAPAGAMIT DAHIL SA KATANGAHAN KO NA DIN AT SAYO. Grr

First Teenage Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon